Chapter 1 - Si Rio?
"Ouch!" Untag ko sabay haplos sa ulo ko. Ang sakit kaya, try mong mabato ng chalk tingnan natin kung hindi ka 'din sumigaw.
"Ms Marquez are you with us?" Striktong tanong ni Ma'am Gigi. Child abuse 'yung pagbato niya ng chalk sakin ah! Reklamo kita sa dep ed eh.
"Yes Ma'am" at dahil wala naman akong karapatang bastusin si Ma'am—kahit na gustong gusto ko—napatungo na lang ako at napilitang makinig.
Pero kahit ano yatang pakikinig ko, hindi talaga pumapasok sa utak ko 'yung tinuturo ni ma'am
Dahil kay Rio Mangubat...
Oo dahil sa isang lalaki. Bakit? Itabi ba naman sakin 'yung ultimate crush ko! Shocking 'di ba? Oo shocking talaga! Para na nga akong tuod dito na naka-straight body lang at hindi siya malingon-lingon.
"Ouch!" Again.
"Ms Marquez are you really sure that your with us?" Medyo pigil na niya 'yung sigaw niya. At pangalawang beses na akong nabato ng chalk ah! Hindi ako pinag-aral ng mga magulang ko para batuhin lang ako ng chalk! Baklang 'to!
At dahil sa kahihiyan tumungo na lang ako at nagnakaw ng tingin kay crush. Grabe unexpected talaga 'to kasi hindi ko naman siya classmate talaga at nakisit-in lang siya sa amin, at kung sinuswerte ka nga naman sakin pa siya tumabi!
"If your thinking about your seatmate rather than my subject, the door is open for you." Masungit niyang sabi at nilahad pa talaga ang pinto.
Pero teka lang! Ano daw?!
Thinking about my seatmate? Napatingin ako sa magkabila kong tabi. Sa kaliwa ko wala akong katabi kasi ako mismo 'yung nasa aisle. Sa kanan ko naman 'yun nga si Rio. Hala! Halata ba ako? Hindi ko naman siya tiningnan ah?
"If your confused, well your staring at Mr Mangubat for about the entire time I step in to this room." Napalunok ako dahil sa tinuran ni Ma'am.
Totoo ngang hindi ko siya tinitingnan kasi tinititigan ko siya! Nakakahiya!
Narinig kong nag fake cough si crush at tumingin din sa akin. Gosh! Yung brown eyes niya naka-tutok sa akin!
"Get out of this room Ms Marquez." Naputol lang 'yung titigan namin ni crush ng umeksana na naman si ma'am. Ano ba 'yan wrong timing!
Wala na akong nagawa dahil sobra sobra na ang kahihiyang ito, gusto ko na lang umalis dahil nakatingin lahat ng classmate ko sakin. Juicekoh! Mabuti na lang at naisipan ni ma'am na paalisin ako, makakaligtas ako sa mga tingin ng kaklase ko at ni crush pati na sa suject niyang sakit sa ulo.
Lumabas na lang ako sa room, iniwan ko na lang 'yung bag ko, ang bigat bigat nun eh, balikan ko na lang mamaya.
"And you also Mr Mangubat."
Bago pa ako tuluyang maka-alis, narinig ko si ma'am na sabihin 'yun. Hay! Sa lahat ng mga sinabi ni ma'am ngayong araw, isa 'yan sa mga nagustuhan ko. Grabe! Ibig sabihin magkakasama kami ni crush? Omighad! Chance na itey!
Binagalan ko lang 'yung lakad ko kasi para maabutan niya ako. Haha! Oo na ako na assuming na hahabulin niya ak—
"Hey wait!"
Gooooosshhhhh! What did he just say? Hey wait daw gurl. Waaah!
"Hey! Sandali lang Yoshie!"
Ghad ako nga! Ako nga ang tinatawag niya! Bakit? Malamang kasi pangalan ko ang Yoshie, ang soslow niyo naman.
Tumigil ako sa paglalakad—pagtakbo pala. Dahil sa kaba siguro kaya hindi ko namalayang natakbo na ako.
