"Prince Caleb Lancelot Gazellian, the fourth Prince of Parsua Sartorias." Binitawan niya ang aking kamay, tipid akong ngumiti sa kanya.

Hindi na ako nagulat sa pagbati niya, dahil sa ilang taon kong kasama si Nikos marami na akong nalalaman tungkol sa tradisyon at pamumuhay ng mga bampira.

"I am Lily Esmeralda, the first Princess." Mariin pa rin ang pagtitig niya sa akin.

"I can see that you're genuine for Dastan... but there's something else..." nanlaki ang mata ni Caleb sa sinabi ni Lily.

"Lily!" nagkibit-balikat si Lily at tinalikuran na kami.

"Paumanhin," sinalubong ng reyna ang aking mga mata na humihingi ng tawad.

"I'm sorry, gano'n talaga ang una naming prinsesa. She's blunt." Hindi na ako nagulat.

"Naririnig ko rin ito sa mga usapan, hindi n'yo na kailangang humingi ng tawad." Tumango si Caleb.

"Caleb, dalhin mo ang ating panauhin sa silid ni Dastan. Kailangan ko lamang hanapin ang kambal dahil may nais akong malaman mula sa kanila."

"Masusunod, Inang Reyna."

Nagpaalam sa akin ang reyna, muli akong tumango bilang pagrespeto. Gusto kong humingi ng tulong kay Hua nang sandaling ilahad ni Caleb ang kanyang braso sa akin, ngunit ang mga tagasunod ng mga bampirang panahon ay hindi maaaring magtungo sa silid ng hari.

"So, saan mo nakilala si Dastan? Aside from ugh... yes? He's famous." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Paano ko ba sasagutin ang prinsepeng ito? Saang parte ng aking mga alaala ang maaari kong ibahagi sa kanya?

Nagpatuloy kami sa mabagal na paglalakad, ramdam ko ang titig niya sa akin habang hinihintay niya ang aking sagot.

"S-Sa talon..."

Suminghap ito sa sinabi ko. "Sinilipan ka? Holy motherfucker! I thought he's a saint!"

Pansin ko na kaiba ang paraan ng pananalita niya. Hindi tradisyunal na bampira, kung sabagay sinabi rin sa akin ni Nikos na madalas ay ganito na ang gamit ng bampira, dahil karamihan sa mga ito ay nagkakaroon ng pagkakataong magtungo sa iba't-ibang mundo na may kakaibang paraan ng pananalita.

"H-Hindi, iniligtas niya ang buhay ko. Muntik na akong malunod..."

"Oh, well... akala ko lang."

Masyadong malaki ang kanilang palasyo at mukhang nasa dulo pa ang silid ng hari dahil hindi pa rin kami tumitigil ni Caleb.

"Kailan kaya ako makakasaksi ng bagay na mahahawakan ko sa leeg si kamahalan? Seems like he's too perfect. O sobrang linis niya lang talagang gumalaw kaya hindi ko siya mahuli."

"May galit ka ba sa kanya?" nagtatakang tanong ko. Bakit tila nais niyang maghanap ng kahinaan tungkol sa kapatid niya?

"W-What? No. Ang magalit yata sa kanya ang huli kong gagawin." Ngumisi siya sa akin habang kumakamot sa kanyang ulo.

Hindi ko siya maintindihan.

"Paumanhin, ngunit hindi kita maintindihan... ang iyong mga salita'y magkakasalungat."

Napatitig muli sa akin si Caleb, sa pagkakataong ito ay nakakunot na ang kanyang noo.

"You're a well oriented Princess, kahit si Lily o Harper ay hindi na kayang magsalita ng ganyan. But you can understand me! Galing! King Dastan and his choice." Umiiling na sabi nito.

"Tungkol sa sinasabi mong magkakasalungat na mga salita ko, hindi ko siya literal na gustong—paano ba ito sasabihin? I just want to annoy him. I think to witness some of his emotions? Kasi iyong hari namin, minsan lang siya magpakita ng emosyon. He's boring. I tell you." Inangat pa ni Caleb ang isa niyang kamay na parang may hinawi siya sa ere.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon