Pumito ang team captain nila at sinabi na pumwesto na sila.

"Kailangan na kami 'dun." sabi ni Alistair. "Painitin mo upuan ko habang wala ako, angel~"

"Hayaan mo. Piprituhin ko 'yang pwet mo pagbalik mo."

"Good luck mga papa!" sigaw ni Marseille habang pinanood namin 'tong pumwesto sa court.

Ilang saglit lang nagpa-paractice na sila. Drills pa lang ang ginagawa nila pero kung makasigaw ang mga babae na para bang pang nationals na ang ginagawa.

Si Alistair naman patingin-tingin sa akin kung 'di para kawayan, kikindatan man ako, pero ang mga mata ko ay nakatutok kay Zach. May time nga na tumingin sa akin si Alistair at natamaan 'to ng bola sa mukha. Buti nga. Nagwala ang mga fangirls nito, ako naman humalakhak.

Maya-maya lang pinag-break sila at sabi magkakaroon ng game. Hinati na sila sa dalawang team at magkalaban ang dalawa, bali si Zach versus si Alistair.

Lumapit sa amin si Zach at tinanong "Nag-eenjoy ka ba, Eloise?"

"Oo. Ang galing mo nga. Ikaw pinapanood ko."

"Ahh~ Hindi ko napansin."


Ouch.


"Eh ako, angel? Nakita mo ba ko kanina?' tanong ni Alistair habang papalapit sa amin.

"Yung na headshot ka? Oo."

"Ito naman. Dapat sa akin ka lang laging nakatingin. Gusto ko pag tumitingin ako sa'yo, ang mga mata mo lang ang makikita ko."


Tupang inets.


"Papa Alistair, ako nakita ko! Ang galing talaga ng 'Astro Burner' move mo!" sabi ni Marseille.

"Oo nga. Mukhang nakuha mo na siya, Alistair." sabi ni Zach.

"Astro Burner? Ano 'yun?" tanong ko.

"Don't worry, angel. Makikita mo ang naperfect ko na move. Mamaya makikita mo 'yun." sabi niya.

"Bakit 'Astro Burner?"

"Nagustuhan mo? I named it myself."

"Yan 'yung mga tipong title sa low-budgeted na movie."

"Ten minutes before the games starts!" announce ng team captain nila.

"Kailangan na namin bumalik." sabi ni Zach.

"Hmm~ Zach, bet tayo." sabi ni Alistair.

"Ano 'yun?"

Napangisi 'to. "Pag nanalo team mo, idate mo si Eloise."

Nanlaki mata ko at kulang na lang sumabog ang gym. "ANO?!"

"At kapag kami nanalo," tuloy niya. "ako ang magde-date sa kanya. Deal?"

Napatayo ako. "Hoy, Salazar! Wala ako sa usapan na 'ya-"

Pinaupo ako ni Marseille at binulong "Mare, chance mo na 'to! Wag mong palagpasin!" Lumingon siya kay Zach. "Pumayag ka na papa Zach! Lambing mo na 'to kay Eloise~"

Napaisip 'to at tumango. "Sige. Pwede ako ngayong weeked."

"Kapag nanalo ka." Napangiti ang mokong. "Kung sino manalo ay siyang idedate ni angel!"

"Hindi! Hindi ako pabor-" Tinakpan ang bibig ko ni Marseille. Kinagat ko 'to at kadiri, pasmado! Hindi na ko nakasalita pa kasi umalis na sila.

"Grabe 'yang ngipin mo, mare! Pero hayaan mo na sila! Kapag nanalo si Zach, makakadate mo siya!"

SWITCHWhere stories live. Discover now