AS IN THE START OF SOMETHING NEW?!


Pagkakataon ko na 'to! Kumbaga ito ang first step ko para mapalapit kay Zinnia at malaman kung ano mga gusto niya! Tsaka hindi lang 'yun, first date namin 'to!


Ayos! Ang swerte ko! At hindi pa ko nagpakahirap magyaya, kung 'di si Zac-


SHIT! FIRST DATE KO SA LALAKI!


"Uhh...eh, kasi...sige?"

Nginitian ako. "Ok, libre kita mamaya." at umalis na siya.

"AAAAAYYYYYYYYYYYYIIIIIIIIIIEEE! Grabe ka talaga mare! Nahalikan ka na ni Alistair yesterday, today naman makakasama mo si Zach! Ano kaya naman for tomorrow? You're so swerte!" Pinaghahampas ako ni Marseille.

"Ano ka ba! First kiss ko na nga lalaki pati rin sa date?! Ano ba 'tong pinagdadaanan ko!"

"Oo nga eh, nakakainggit ka! Pahipo nga at baka mapunta sa akin powers mo~"


Pero hindi ko pwede 'tong palampasin. Minsan lang 'to at hindi naman siguro considered na date 'to. Gusto lang naman ni Zach ng kasama...


Right


"Oooohhhh! Mare! Baka tomorrow makuha na virginity mo!"


TUPANG INETS!

______________________________________________


Pagkatapos ng klase, dumiretso kami ni Zach sa Mcdo. Nag-order kami at umupo sa second floor kung saan wala masyadong tao.

Sinimulan namin kumain at sabi niya "Alam mo yung sa sundae at isasawsaw mo dito yung-"

"Fries?" Hindi ko mapigilan matawa. "Oo naman. Cliche na 'yun, pero gusto ko ang lasa."

"Hindi, 'yung burger." Pinahiran niya ng sundae ang burger na parang bang palaman 'to at kinain

Napatitig ako dito habang nasasarapan siya. "Anong...lasa niyan?"

"Masarap~ Try mo." Inabot niya 'to sa akin.

Nag-dalawang isip pa ko pero wala rin akong magawa, sinubukan ko na rin. Kinagatan ko 'to at muntik nang masuka on the spot. Isipin mo na lang ang lasa ng burger Mcdo at ng sundae nila. Nakakadiri. Pinilit ko 'tong lunukin at uminom ng coke float ko.

"Sarap 'di ba?"

"...Kakaiba siya." sagot ko.

"Twister fries naman." Habang tinatry kong idigest kung anuman ang kinain ko, natanong ni Zanter "Nga pala, bakit bigla kang nawala sa gym last Saturday?"

Sinasabi niya ata nung party namin. "Sumama kasi pakiramdam ko kaya nauna na ko."

"Sayang naman. Marami silang pinamigay na candy nung patapos na. Tsaka hindi mo rin nakita umakyat sa stage si Marseille. Nanalo siya best in costume."

"Ahaha, oo nga. Nabanggit niya sa akin." Hindi pa rin ako mapakaniwala.

"Ang realistic kasi ng suot niya. Parang tinubuan siya ng buhok."


Realistic nga kasi totoong buhok ang nakadikit sa kanya.


"Pero nag-enjoy ka naman?"

Tumango ako. "Oo." Naalala ko ang sayaw namin sa gabi na 'yun. Kaming dalawa lang sa gitna habang pinapalibutan ng ibang mananayaw. Ang pakiramdam na hawak ko siya sa mga kamay ko ay 'di ko malilimutan. "Lalo na nang sumayaw tayong dalawa sa favorite song mo."

Napatingin 'to sa akin. "Sayaw?"

"Oo. Hinila-hila mo pa nga ko papunta sa dance floor Ahaha~" Napangiti ako sa sarili ko. "Hindi pa nga natin nagets nung una."

"Eloise, hindi tayo sumayaw."

"...Ano?"

"Hindi nga tayo nagkausap, pero nakita kita. Ang cute mo nga sa vampire costume mo."

"Hi-hindi tayo sumayaw?"

Umiling 'to. "Sinayaw ko mga kaklase natin at taga-ibang section. Baka iba naman ang sumayaw sa'yo?"


Ang ibig sabihin ba nito, hindi nangyari ang sayaw namin ni Zinnia? Pero hanggang ngayon naalala ko pa rin ang mga galaw namin at ang tuwa niya habang sinasayaw ko siya. O baka naman sa 'reverse world' na 'to ang hindi nangyaring sayaw namin?


Sabagay, nabanggit nga niya na sa gym ginanap ang party at hindi sa The Square. Para lang sinabi nung janitor, lahat ng alaala konektado sa pwesto na 'yun a mabubura maliban lang sa akin.

"Iba nga sumayaw sa akin, haha. May Alzheimer's na ata ako." sabi ko na lang. Medyo masakit at ang kaisa-isang magandang memorya namin ay bigla na lang nabura.

"Wag naman. Ayaw kong malimutan mo birthday gift ko next year." Nagtawanan kami. "By the way, hindi ko naman business 'to pero...meron ba something sa inyo ni Alistair?"

Nanlaki ang dalawang mata ko. "Hindi ha! Kami ng lalaki na 'yun? Asa pa!"

"Gusto lang kitang sabihan na may pagka-playboy 'yun at maloko nga. Sabagay, ang importante ikaw lang inaalahanan niya at hindi ka sasaktan."


Iniisip ata nito na kaming dalawa nung unggoy!


"Maniwala ka Zach, ni hindi ko ganun kakilala ang hinayupak na 'yun! Bigla na lang niya ginawa 'yun, at muntik ko nang basagin mukha niya kung hindi niyo ko nilayo! Wala nangyayari sa aming dalawa!"

"Ahh~ ganun ba. Kung sabagay, dapat pinag-uusapan na 'to ng mga studyante sa HS. Alam mo naman, mabilis kumalat ang chismis." Natawa 'to. "O, sa'yo na ang last fries."

Binigay niya 'to sa akin at kinain ko. May naramdaman ako sa tyan at bigla na lang akong dumighay ng malakas. "Excuse me."

Napatawa 'to. "Sa totoo lang kakaiba ka ngayon, Eloise, lalo na kahapon. Hindi ko alam na may tinatago kang lakas sa kamao mo. Para bang sinapian ka ni Maria Pacquiao."

"Ahaha, oo nga eh. Ako na ang pambansang kamao." Marami pa kaming napag-usapan at parehas kaming nag-enjoy. At nakabawi ako ngayong araw at may mga nalaman akong bagay tungkol kay Zinnia/Zach. Magagamit ko 'to kapag bumalik na ang lahat sa normal.

Natapos na kami at sabi niya "Thank you Eloise at sinamahan mo ko. Buti na lang talaga may kaibigan akong babae."


Aray, medyo tumagos 'yun.


Medj lang.


Tumayo na kami at nang pababa sa hagdan, hinawakan ako ni Zach sa braso at napalingon ako sa kanya. "Bakit?"

"Wait lang." Gamit ang thumb niya, pinunasan niya labi ko at nakitang may sundae. "Sabi nga nila, bawal magtira." Sinubo niya 'to at nginitian ako.


Sineseduce ba ko nito?


Hindi ko alam kung gumagana kasi ang ngiti na 'yan ay kay Zinnia, pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na nasa lalaking katawan siya kaya hinay-hinay lang, Evans.


"Ang sarap~ Gusto ko pa Eloise."


HINAY-HINAY LANG!


SWITCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon