May nakapagsabi sa aking, "Mahirap magpatuloy sa buhay kung puno ka ng panghihinayang mula sa nakaraan."
Masasabi kong, tama siya at sumasang-ayon ako sa sinabi niya dahil patuloy ka lang na lilingon sa nakaraan mo at paulit-ulit mo lang na tatakbo sa isip mo ang salitang 'Kung', salita ng panghihinayang.
Kung may lakas lang ako ng loob..kung sana..kung hindi lang..kung kaya ko lang..kung nagawa ko lang..kung..kung alam nya lang kaya.
May mga pagkakataong makikilala natin ang isang taong magiging malaking bahagi pala ng buhay mo sa mga panahong hindi mo inaasahan, iyong biglaan.
At sa ganoong paraan kaming dalawa nagkakilala..kung saan iyong biglaan at kung kailan hindi mo inaasahan.
L a d y S i m a n g
°°°°°°°°°°
Disclaimer:
This is a work of Fiction.
Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the products of the Author's imagination or used in a fititious manner.
Any resemblance to actual Persons, living or dead, or actual Events is purely Coincidental.
YOU ARE READING
Kung..
Short StorySi Luna Makapito ang babaeng may panghihinayang mula sa kaniyang nakaraan dala ng unang Pag-ibig nito kay Enrique Robes.
