“Psstt.. Wag kang maingay,” saway sa akin ni Dustin.

 “Tse! Huhuhu!”

“Di pa siya mamamatay.” =___=

“Umalis ka nga dito! Nakakainis ka!”

Tumayo ng padabog si Derrick. Kumpleto na ang X9, mabilis kasi lumipad ang tsismis kaya napadpad sila dito.

“Don’t be hysterical, Chloe! Ang ingay niyo, nakakataranta..” Saway sa amin ni Derrick. May kinuha siya sa bulsa niya, juicy fruit chewing gum ata.

“Uyy, Derrick, penge!”

“Bawal sa babae ito!” sagot niya at napasunod ng tingin sa mga nurses na nagdaan. “Uyy, chicks.. Witwew!”

“Tss, tigilan mo yan Derrick. Nandito tayo para kay princess, hindi para sa pag-gigirl hunt mo..” Naiiling na sabi ni Alex sa kanya. Bumalik nalang siya sa pagkakaupo sa seats. Isang horizontal seat na sakop naming lahat. Sampu ba naman kami =___=

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto na pinagdalahan kay Gail. At lumabas ang GWAPONG doctor kasama ni Nathan. Bawal kasi kami kanina sa loob, ang dami daw kasi namin pero pwede kami pumasok pagtapos na yung check up kay Gail.

Sinalubong ko sila at ang X9 naman ay sabay sabay na napatayo in rhythm.“Doc, kamusta po ang sissy kong maganda?”  

“Ahmm, I’ll tell you guys later. We’re gonna run some tests first because I ain’t sure yet of her condition. I’ll be back in an hour.” The handsome doctor answered and tapped his hand on my shoulder. Eh? MEGANUNG FACTOR?

“Hands off, ugly duck.” =__=

Sinamaan ng tingin ni Dustin yung doctor na pogi na semi-pervert. Eeehhh! Kinilabutan ako dun.

“Uhh, sorry Sir,” The doctor apologized before goin’ away.

“Nagpapacute ka kasi,” sabi ni Dustin habang nakataas ang kilay bago tuluyang pumasok sa kwarto ni Gail. Hindi siya naka-poker face. Anyahreh?!

“Ewan ko sayo. Mukha kang bisugo!” Bulong ko habang kinukuha ang phone ko sa bag ko. “Nathan, natext mo na si Kuya Louis niya?”

“’Di pa eh. Pakitext nalang, Cha-cha…” Sagot niya. Cha-cha? Ayoko ngang tawagin ako sa nickname ko na yun eh. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang tinetext si Kuya Louis.

***

“Kambal! Gusto niyo??” alok ko ng pillows chocolate sa kanila. They just smiled and murmured no thanks. Ang cute nila hahaha. Makatawa ako, ‘kala mo, wala akong inaalala eh noh? “Ikaw, Gail?” Alok ko naman sa kanya. Nagising na kasi siya eh. Hindi naman siya sumagot, instead sinamaan lang ako ng tingin ng X9. OKAY, bawal @_@

Ang tagal nung gwapong doctor ah. Sabi 1 hour lang daw--------- Speaking of, ayan na siya. Mas gwapo siya kapag naka-reading glasses. Kekeke~

“What’s up doc?” Kent asked. Tumayo na rin ako at lumapit kay Brent. Ayokong lapitan si Dustin eh.

“She’s fine. I suggest Miss Rivera not to skip meals and should eat on time.”Sabi ng Doctor na gwapo habang may chinicheck na paper na hawak niya. “You should----“

“Sabi na eh! hindi po yan, kumakain on time. Nag-sskip po yan ng meals! Nag-dadiet po siguro. Sexy naman na siya! Amp,” singit ko. Parang nagsusumbong lang hohoho ^O^

“Ahhh, alright. And Miss Rivera, wala namang problema sa health mo, don’t worry. Headaches, tummy pain, nausea, vomiting, fatigue and etcetera are normal in your stage. Don’t stress yourself too much ‘coz it may affect it. I suggest you a healthy diet------“

“COULD YOU PLEASE SAY IT STRAIGHT TO THE POINT??” Sabay na sigaw ni Derrick at ni Arthur. Aba, parehas kami ng iniisip. Ang weird ng advice niya parang pang ano lang…

“This is not my field but….” Napatingin siya kay Gail na kagaya namin ay nawiwirduhan sa doctor. Actually, hindi sa doctor kundi sa sinasabi niya. Napatingin tuloy kaming lahat kay Gail. “You better visit an OB-Gyne because the result says….”

“ANO?!?!?” Sabay na sigaw namin. Ang daming pasikot-sikot! >O<

“She’s pregnant…” 

NATHAN’S POV

“She’s pregnant…”

“She’s pregnant…”

“She’s pregnant…”

“She’s pregnant…”

“She’s pregnant…”

“She’s pregnant…”

“Whaaaaaaaaaat?!” Sabay na sigaw na naman namin. Si Gail, buntis?

“Ahh yes. Yun ang resulta ng-----“ Doctor.

“Cut it out, Doctor. Tara po sa labas baka nagkamali kayo ng kuha ng resulta.” Sabi ni Chloe habang hinihila palabas yung doctor. Sumunod naman sa kanila si Dustin.

Napatahimik kami. Walang naimik. Sobrang tahimik na ang maririnig mo lang ay ang air-con.

“Leave me alone please…”

Napatingin kami kay Gail. Nakayuko siya habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa tyan. “…Leave me alone..”

“Ahh, s-sige. Kakain lang kami sa labas. May papabili ba kayo?” Tanong ni Wayne. Tinanguan ko lang siya at tingnan siya na ‘SIGE-IKAW-NA-BAHALA’. Lumabas na silang lahat at kami nalang dalawa ni Gail ang natira.

“G-Gail----“

“I said leave me alone Nathan! I want to be… alone.” Her voice croaked and eventually a sob escaped from her mouth.  

 Hinila ko ang upuan malapit sa kanya at umupo. Bumuntong hininga ako nang makita ko siya umiiyak ng tahimik, nakatingin sa malayo. Tila, may iniisip na malalim. Bakas sa mata niya ang takot at lungkot. Hindi ko maintindihan, ang hirap basahin.

“M-May.. Nangyari sa inyong dalawa ni Kurt?"

Tila kristal na tuloy tuloy ang luha niya sa pisngi. Nasasaktan ako pag nakikita ko siyang nagkakaganyan. G@go si Kurt para gawin niya ito kay Gail.

“S-siya ba ang ama?” Mahinang tanong ko para basagin ang katahimikan. Hindi pa rin siya umimik. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa kumot at tuloy-tuloy na bumagsak ang mga luha niya.

“Kasalanan k-ko.. Binigay ko ang sarili ko sa k-kan..ya. Kasalanan ko!” Nanginginig na sagot niya. Napatiim-bagang nalang ako at yumuko. 

“N-Nathan, n-natatakot ako! N-natatakot ako ‘pag nalaman ng mga magulang ko ang tung..kol d-dito!” Sinimulan niyang hampas-hampasin ang tiyan niya. Kaya agad ko namang hinawakan ang dalawa niyang kamay para tigilan siya.

“G-Gail, nandito ako. Wag kang mag-alala. Wag kang matakot. Magpakatatag ka lang,” I pulled her for an embrace and stroke her hair. “Wag mong ituloy kung anuman ang binabalak mo sa anak mo. Kasalanan yan sa Diyos, Gail.”

Tuloy-tuloy lang ang hikbi niya. Bawat hikbi niya, pakiramdam ko, nagiging pira-piraso ang puso niya sa sakit. She’s already broken. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-depressed.

“..N-no, Nathan, bago pa malaman nina Mom ang tungkol dito..

I want an abortion...”

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Where stories live. Discover now