“Ayos ka lang, sissy?” Nag-aalalang tanong ni Chloe sa akin.

“Inaatake na naman ako ng migraine and what’s worse is I might have an ulcer already. Madalas kasi akong sikmurain eh.” Sabi ko habang kinukuha ang tumbler ko sa loob ng shoulder bag ko. Lagi akong may dala nitong tubig kasi madalas akong mapagod at uhawin.

“Ahhh.. Wag naman sana. Gusto mong samahan kitang magpa-check up mamaya sa hospital? I’m sure mapapadiscount tayo sa hospital ni Dustin.” Sabi niya habang hinahawi ang ilang strands ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

“Uhh, s-sige…” Aish, tumitindi ang migraine ko. “Chloe, pwede bang samahan mo muna ako pauwi? Hindi ko na kasi kaya. Aabsent nalang muna ako ngayon. Tutal first day pa lang naman..”

“Of course, tara na kaya sa hospital.. Namumutla ka na eh,” inalalayan ako ni Chloe na tumayo. Ang sakit na kasi ng sikmura ko, hindi ko na kayang maglakad ng diretso. Medyo pinupunasan pa ni Chloe yung noo ko. Pinagpapawisan na talaga ako.

CHLOE’S POV

Inalalayan ko na sa paglalakad si Gail. Halata kasi na matamlay siya nung una kong makita kanina. “Gail naman kasi! Kumain ka sa tamang oras. Don’t skip your meals or rather don’t go on a diet kung hindi naman kaya ng katawan mo. Kung inaalala mo ang lecheng si Kurt, tigilan mo------ Kyaaaaaah!!!! Gaaaaaaaaaaaaillllll!!!!! Waaah, help me!!”

Bigla nalang nawalan ng malay si Gail. Bumagsak na siya sa semento. OMO!

 “Gail, wake up!!” Sabi ko habang sinasampal ng mahina ang magkabila niyang pisngi. Waaaaahh! Natataranta na ako! “Huhuhu, Gail!!! Gising!!!”

“Miss, tara dalhin na natin siya sa clinic.” Buti nalang may nag-volunteer na tumulong sa amin. Huhuhu. Ano bang nangyayari kay Gail?

 Buhat-buhat nung lalaking mukhang HRM student si Gail habang tumatakbo ng mabilis. Sakto naman na nakasalubong namin si Nathan. “Tom, anong nangyari kay Yam, kay Gail??” Natatarantang tanong niya. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming tatlo.

“N-Nathan, huhuhu.. Nag-collapsed siya! OBVIOUSLY!” Sigaw ko.

“Dre, ako nalang, amin na.” Ipinasa naman nung kuya kay Nathan si Gail. “Salamat! Tara, Chloe!”

Takbo dito. Takbo dun. Panhik dito. Panhik dun. Pagdating namin sa clinic, wala pang nurses, sarado. Kung minamalas ka nga naman oh!

“T@ngin@!” Waahhhh! Galit na si Nathan. Nagmura na eh.

“Nathan, mabuti pang idiresto nalang natin siya sa ospital. Tara na!” Bumaba na naman kami ng building. Pawis na pawis na ako pero mas lalo na si Nathan, tagaktak ang pawis. Nangangalay na siguro siya.

“Nathan, dun ka na sa entrance maghintay! Dadaanan ko kayo ng kotse ko! Nahihirapan ka na eh!”

“Tsk!”

Hindi ako pinansin. Tarantang taranta na siya. Patuloy lang kami sa pagtakbo.

“What happened to Princess?!” tanong ni… ah, si Arthur kasama ang kambal at si Alex. Nakikisabay na sila sa lakad-takbo namin.

“Don’t ask me now! Mas mabuti pang tulungan niyo nalang kami!” I yelled. Sorry, natataranta lang ako.

***

 

“SHEMAY!!! Ano bang nangyayari kay Gail?! Huhuhuhu…”

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon