Abala sa paghahanap ng trabaho patungong abroad ang bintang pangalan ay allen rodrigo.
Isang trabaho ang kanyang nahanap sa internet kung saan hinihiling na magpunta sya sa opisina ng recruiting agency.
Kayat agad itong nagtungo sa nasabing lugar.
Nang marating nya ang agency ay nagkaroon ng pre orientation kung saan ang lahat ng aplikante ay pinapapasok sa loob ng kwarto.
Wala namang kadudaduda sa agency at muka naman itong legit.
Kayat tiwala ang binata at sumama sa kwarto kasama ng agent.
Nagulat ang binata at mag isa sya sa kwartong pinagdalahan sa kanya.
Ang paliwanag ng agent ay iba kasi ang trabaho na kinuha kumpara sa iba na parepareho at nag iisa sya sa bakanteng trabahong iyon.
Naniniwala naman ang binata at kakaiba kasi ang.job description na napili nya kayat tahimik na naupo sa harap ng lamesa.
"ayos mukang wala pang nag aapply sa inaapplyan kong trabaho .swerte!."sabi ng binata.
"sir.maghintay na po muna kayo dito.wala pa po ang mag oorient sa inyo.kung nauuhaw po kayo ay may tubig po doon sa dispenser."sabi ng babaeng agent.
"sige miss thank you.buti at nabanggit mo.nakakauhaw nga."sabi ng binata.
Lumabas ang babae at sya namang tayo ng binata para uminom ng tubig.
Wala pang sampung sigundo ay bigla nalang nawalan ng malay ang binata.
Pakiramdam ng binata ay nahimbing sya ng tulog nang magising sa parehong upuan at lamesang kinalalagyan,ngunit ang buong silid ay nababalot ng ulap at matinding liwanag.
"buti naman at gising ka na.maligayang pagdating sa dako paroon.ako nga pala si st.michael ang kanang kamay ng supreme leader ng ORDER OF THE BLACK AND WHITE ."sabi ng lalaki na naka upo sa kanyang harapan.
"huh?!.nasaan po ako.ang alam ko nasa orientation dapat ako eh.bakit parang nasa langit naman na po ako.namatay po ba ko."sabi ng binata na nawiwirdohan at unti unti nang kinakabahan.
"wag kang matakot.buhay ka pa.ako ang magbibigay sayo ng orientation .di ba yun ang hinihintay mo."sabi ni st.michael
"p-pero bakit may pakpak po kayo.anghel po ba kayo?totoo po ba to.?"sabi ng ni allen sabay pisil sa kanyang pisngis.
"hahaha.oo naman.ano simulan na natin."sabi ni san miguel.
"s-sige po."sabi ni allen na hindi parin makapaniwala.
"ok.hindi na natin gagawing mahirap pa.siguro ay talagang naka guhit sa kapalaran mo na matagpuan ang bakanteng posisyon na inaapplyan mo.napag aralan na namin ang tungkol sa buong pagkatao mo.50%good at 50%evil.sakto lang sa requirement ng posisyon na inaapplyan mo"sabi ni st.michael
"ahay.dapat ba kong maproud at 50/50 ako."sabi ni allen sa kanyang isipan.
"oo naman.ibiglang sabihin nyan ay isa kang tao.walang perpektong tao.lahat kayo ay nagkakamali.buti nga at balanse ang good at evil sa iyo.dahil kung hindi ay hindi ka na aabot pa dito.yung ibang aplikante.dito palang sa good and evil test bumabagsak na."sabi ni st.michael
"huh?!.naririnig nyo po ako.?"sabi ni allen.
"yup!.pati lahat ng iniisip mo ngayon."sabi ni st.michael.
"ah eh.ano po bang trabaho ang executioner?tsaka bakit ganito po.angel ang nag iinterview?"sabi ni allen.
"actually pagtapos ko sayo.may isa pang mag mag oorient sayo.tanggap ka na nga pala kaya ka nandito."sabi ni st.michael.
YOU ARE READING
OOTBAW
Adventurekwentong halimaw tayo.basta kwento lang ,not a pro writer.comment for more improvements..^_^
