End

10 2 0
                                    


Hinihintay ko ang sign na sana dumanting na siya, 

Sana siya na Ayoko ng paulit ulit na nasasaktan. 

Ayoko ng mapag-iwanan. Ayoko ng pinag hihintay ako sa wala 

Sana huling pag hihintay ko na lang ito. 

 Unang araw ng enero lahat ng tao masaya at nag tatawanan ako ito ngayon hinihintay ang pag babalik nya. Araw-araw ko syang hinihintay dito sa harap ng Villa nila upang makita ko kung babalik ba sya. 

Taon taon ko syang hinihintay upang makasama siya. At taon taon din ako nasasaktan dahil sa kanya. 

 " oh hija andito ka pala pumasok ka para kumain " sabi ng isang matandang katiwala sa Villa na tinitirahan ng taong hinihintay ko 

 " Wag na ho kakakain ko lang po may hinihintay lang po ako he he " sagot ko sa matandang na ngangalang sachi Matagal ng katiwala si manang sachi at alam nya din na kada unang araw ng enero nasa harap ako ng Villa nila tinawag itong Villa dahil ito ang pinaka malaking lugar sa bayan namin may lahing Chinese si manang sachi. 

 " hija taon taon ka pumupunta dito laging unang araw ng enero dahil ba to kay master kairo hija sina saktan mo lang ang sarili mo alam mo namang hindi na sya babalik kung babalik man sya sigurado akong masasaktan ka " tinignan ko lang sya at nginitian

 Umalis na ako at nag tungo sa park na lagi naming pinupuntahan noong mga panahong mag kasama kami at masaya lahat nasa puso at isipan ko pa.

 Hindi ko din makakalimutan ang mga salitang binitawan nya bago sya umalis It's hard to forget someone who gave you so much to remember 

"Hintayin mo ko " 

 " Babalik ako "

" Mahal kita " 

 " Unang araw ng enero babalik ako pangako yan " 

 Kaya noong unang araw ng enero bago sya umalis doon na ako nag simulang mag hintay  

 Mga salitang walang katuturan ang lahat. Mga salitang hanggang ngayon hindi ko parin malimutan ang nakaraan. Salitang kada unang araw ng enero binabalikan ko at nag hihintay sa wala. 

 " Bigyan mo ako ng sign para hindi ako bumitaw " Saad ko habang naka tingin sa taas ng mga ulap 

 Umalis na ako sa park at nag tungo naman ako sa simbahan upang ipasalamat ang lahat ng biyayang natangap ko at hihingi ng sign. Papasok ako ng simbahan ng may mahagip akong kamukha nya. 

Sinundan ko ito hanggang sa harap dahil ang sign na hiningi ko natupad na. Hindi ko parin makita ang mukha nya dahil may mga katabi siya. Matapos na syang nag dasal at tumayo na ito bago pa man sya maka labas hinawakan ko na ang kamay nya.


" Please don't leave me again hindi ko na kakayanin kung aalis ka pang muli please kairo please " naiyak na sabi ko habang naka yuko 

 " I'm not kairo but i know kung nasaan sya " biglang usal ng tao sa harap ko at tinitigan itoMula sa labi na mapupula hanggang sa mga mata nilang kulay asul na mag kamukhang kamukha. 

Sinabi sakin dati ni kairo na may kapatid pa syang lalaki na ayaw sa pilipinas dahil sa init ng panahon.Muling nag salita ang nasa harap ko

 " Nasa Simbahan na sya ngayon kung saan nangako syang pakakasalan ka nya maari mo syang puntahan " 

naka ngiting sabi nya ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya.Iniwan na nya akong may luhang pumapatak sa mga mata ko dahil sa kasiyan. 

Ang simbahan na tinutukoy nya ang pinaka malaking simbahan sa lugar namin hindi ang simbahan kung nasaan ako ngayon . 

 Nagmadali akong umuwi at nagbihis ng magandang damit baka sakaling makilala pa niya ako. After 15 years muli kaming mag kikita. 

 Bago ako pumuntang Villa hinanap ko muna ang mga bagay na pinaka tatago ko para sa pag babalik nya. Hindi nga ako nabigo sa pag hahanap dahil ka agad ko din itong nakita. 

 " Universe ito na mag kikita na kami Last Sign na lang Sana siya na talaga hanggang dulo sana happy ending na to " Saad ko habang naka ngiti na parang tangaNag hanap na ako ng masasakyanan ngunit tatlong minuto na ang lumipas wala parin dumaan ng may biglang nag sasakyan ang huminto sa harap ko

 " Star Tara na hihahtid na kits kung saan ka man papunta " naka ngiting sabi ni skySi sky ang isa sa mga kababata namin ni kairo lagi syang nandyan para icomfort ako kung may problema lagi syang nagiging proteksiyon ko kung masasaktan man ako. 

 Habang tinutungo namin ang daan papuntang Simbahan nakita ko na lang na sobrang tamlay ng mukha nya. Hindi ako sanay dahil sa tuwing nakikita ko sya lagi syang naka ngiti sakin.Papasok na ako ng simbahan ng biglang may isinigaw si sky sakin dulot ng pag hinto ko 

 " Lagi mong tatandaan na andito ako para sayo kahit ilang beses mo na akong pag tabuyan "Nawirdohan man ako sa sinabi nya hindi ko na lamang into pinansin dahil sa pag mamadali ko. Dumaan ako sa gilid ng simbahan upang makita kung nasaan siya.

 Hindi ako nag kakakamali ang taong matagal ko ng hinihintay ang taong pinangakuhan akong papakasalan.


Ito sya ngayon sa harap ng altar na hindi ako ang babaeng nasa harap niya.Unti unti kung nararamdaman ang mga luhang ilang taon kung itinatago. 

Ang sakit sakit lang na taon taon mo syang hinintay dahil sa mga pangako binitawan nya pero ito ngayon ikakasal na sya.Nag tinginan ang iba sa mga bisita dahil siguro sa pag hikbi ko. Nakikita ko sya mula sa likod kung gaano sya ka saya lalo akong nasasaktan dahil bawat ngiti nya hindi ako ang dahilan. 

 Tumingin ako sa paligid nakita ko ang isa sa mga kaibigan nya na nakatingin sakin may lungkot sa kanyang mga mata. Nginitian ko nala mang ito at lumabas ng simbahan. Bigla kong nakita si sky sa harap ko at niyakap ito ng mahigpit. 

 " I'm here for you star ayokong nakikita kang nasasaktan dahil double pa yan ang nararamdaman ko pag nakikita kitang umiiyak dahil sa kanya " usal nya

Una pa lang talaga hindi nawala si sky para sakin ako itong tanga na lagi syang tinataboy. Una pa lang si sky na ang dapat kung minahal pero naniwala ako sa sign kaya sobrang sakit.Kaya pala bawat hiling ko sya itong nagiging sagot pero mas pinaniwala ako ng sign. 

Sign na mag dudulot sakin ng sobrang sakit. Kaya ko bang muling mag tiwala para sa pangalawang pag kakataon o mag papahinga mo na ang puso kung nasaktan ng sobra.Kahit ilang beses siguro tayong magtitiwala masasaktan at masasaktan pa din tayo.


Hindi pala porque nag hintay ka ng matagal eh kayo na in the end.

Hindi din dahil na ngako sya tutuparin nya na. Hindi dahil mahal mo mamahalin ka dinHindi dahil Humiling ka ibibigay na agad.hindi din lahat ng tanong eh sagot ang sign.

 just wait for the perfect time.


When you love someone more than they deserve they can hurt you more than you deserve.

 I maybe had a first love and had my heart broken, but reflecting on it, I don't think that was love. I think as I'm getting older and having more in-depth relationships, maybe I'll experience it. At the moment, I don't know, exactly, if I've been in love.

SignWhere stories live. Discover now