Prologue Revised

1.3K 22 0
                                    

Droplets of Blood
Prologue Revise

"Ayy pilay! Hahaha!"

"Kawawa ka naman! Haha!"

"Hindi ka nababagay dito!"

"Umalis kana dito!"

"Wala kang kwenta!"

"Basura ka!"

Umaga hanggang hapon, yan ang lagi kong naririnig sa mga kaklase ko. Dahil sa araw araw ko na rin nakakasama, nasanay narin ako sakanila na awayin ako at asarin dahil lang sa kalagayan ko. Sino nga naman magkaka gusto sa taong katulad ko na walang silbi sa mundo. Ewan ko ba kung ano ba napasok sa isip ni Mama kung bakit pina aral niya ako eh lumaki na akong lumpo.

Minsan napag isip isip ko na lang na, what if kung mag pakamatay ako? Magkakaroon kaya sila ng paki sa akin? Mamahalin kaya nila ako tulad ng ibang bata jan? Mamahalin at tatanggapin bilang isang tao?

Sa tuwing ginagawa ko ang binabalak kong pag papakamatay, may parang bumubulong sa akin na wag ko raw ito ituloy. Naririnig ko mga ito sa tuwing pumupunta ako sa likod ng paaralan namin.

Doon lang naman yung tambayan ko wala ng iba, imbis na umuwi ako ng maaga sa amin. Tumatambay muna ako dito para umiyak, ayoko kasing may nakaka kita na ibang tao sa akin lalo na pag umiiyak ako. Kasi alam kong kahit may makakita pa sa akin eh walang mag dadalawang isip na tanungin kung ano problema ko.

"Ohh bata? Nandito ka nanaman. Bakit ka nandito? Umiiyak ka nanaman ba?" Tanong sakin ng isang matandang hardinero dito sa school namin

Sa totoo lang, siya lang yung lagi kong nakakausap dito sa likod ng school sa tuwing umiiyak ako.

"Hindi ko na po kaso kaya, para gusto ko na pong mag pakamatay. Ayoko na po makipag halubilo sa mga tao, sawang sawa na ako sa mgabpag uugali ng mga tao!" Bulyaw ko habang umiiyak

"Alam mo, ganyan talaga ang buhay parte na ng buhay natin ang masaktan dahil lang sa karamdaman natin. Hindi natin masisisi ang diyos dahil hindi ka naman nag iisa eh marami kayo. Kaya wag mong isipin na lagi kang nag iisa" saad niya sabay ngiti

"Pero ayoko na po dito! Gusto ko na po ng tahimik na buhay"

Napa bugtong hininga muna si lol bago ako sagutin

"Sige kung gusto mo ng tahimik, puntahan mo yung isang napakangandang bahay jan sa likod ng mga puno na yan. Makikita mo jan ang lugar na kung saan mo makikita ang katahimikan" saad ni lolo sabay turo doon sa masukal na kagubatan

Hindi ko alam kung totoo ba sinasabi niya dahil nakakapagtaka naman na may bahay sa gitna ng kagubatan. Sino naman kayang tao ang nagka interest na manirahan sa kagubatan?

Hindi na ako nag dalawang isip pa na kung pupunta ba ako o hindi, kinabukasan hapon pagkatapos ng klase ko. Gumawa ako ng butas papunta doon sa sinasabi ni lolo. Kahit bawal yung ginawa ko pumunta parin ako sa kagubatan.

Imbis na pumasok ako sa school nag lakad lakad ako sa kagubatan. Sa pag tuloy tuloy ko na paglalakad nakita ko tong Manor na to. Syempre nagandahan ako dito saka naman lumapit para tignan kung may tao ba o wala.

Tapos non, laking gulat na lang ako may biglang sumulpot sa likod ko sabay kinausap ako ng isang magandang magandang babae kasama niya ang asawa niya. Napalingon naman ako sakanila.

"Miss? Naliligaw kaba?" Tanong nung asawa niya.

"Opo, kayo po ba mayari ng manor na yan?" Sabay turo ko doon sa manor

"Oo, kami nga bakit? gusto mo ba pumasok at makita yung loob? Wag ka mahiya. Tayo tayo lang tao sa manor na yan." Ngumiti lang siya sa akin nung tinanong ako

End of Prologue

Droplets Of Blood 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon