June 12-2019 (Wednesday 11:21 pm)

6 0 0
                                    

Naalala ko pa nung panahon na galit na galit si ate sakin non kasi gala ako ng gala, talagang iba galit nya sakin. Yung panahon na malaya pa ako, malaya gawin lahat ng gusto ko. Nagagawa ko lahat ng walang alinlangan kasi wala pa akong iniisip non kundi ang masatisfy yung wants ko. Masaya lang, gala gala lang hanggang umaga ganon. Pero di ko akalain na ganito, biglang bago ng mundo ko. Biglang liit. Yung dating masaya biglang lungkot. Yung dating malaya biglang nakulong sa pagkakamali na hindi naman nya nagawa. Ang bilis... Parang isang ihip ng hangin na diko akalain na magiging isang malaking epekto sa buhay ko. Bakit ako? Laging tanong ko sa isipan ko. Bakit ako na walang ibang hinangad kundi ang maging masaya lang? Bakit ako? Ganun ba ka unfair ang mundo kaya kahit binigay mo naman best mo ganito pa magiging sukli sayo? Diko alam. Ang gulo...

True StoryWhere stories live. Discover now