(NP: Sa Mga Bituin Nalang Ibubulong by:JM De Guzman)
Pamagat:Sugatan
Isinulat ni:ImperialRocelyn
Hindi pa rin kita makalimutan,
Andito ka pa rin saaking isipan.
Ano nga ba ang iyong dahilan
At ako’y iyong iniwan?Noong isang araw masaya pa tayong nagkwe’kwentuhan.
Hindi ko talaga mawari
Ang biglaan mong paglisan.Maraming tanong ang hinayaan, Maraming sagot ang inaabangan.
Gulong-gulo ang damdamin,
Totoo palang lason ang pag-ibig.Hihintayin pa rin kita sa mundong binuo natin.
At masayang ipagsisigawang,
Ako ay iyo at ikaw ay akin.Hindi ko man mainindihan ang iyong mga dahilan,
Pilit ko pa ring ipagsisiksikan,
Minahal mo rin ako kahit minsan.Sa iyong paglisan,
Naiwan ang pusong sugatan.
Mga makikislap na mga mata'y
Naiwan ring luhaan.Sa ngayon hayaan mong patuloy kitang mamahalin at hintayin.
At sana sa iyong pagbalik ika’y mahal pa rin.
YOU ARE READING
AGOS NG EMOSYON
PoetryIba't-ibang emosyon ang nararamdaman ng isang tao. Hayaan mong damayan kita sa pamamagitan ng mga tulang sinulat ko, kasabay ng mga kantang aking inalay para mas lalong sumarap ang iyong pagbabasa. Sana suportahan niyo ang bawat chapter ng librong...