Pinagmasdan ko ang lalaking nakaupo sa gilid dito sa canteen. May hawak itong libro na pang history at tutok na tutok ito. May kasama siyang tatlong lalaki na nagsusulat sa mga papel nila.
Sinusuri ko kung ano ang nagustuhan ni Erika na bestfriend ko sa kanya na ngayon ay kumakain ng tinapay. Kakaamin lang nito sa akin na gusto niya ang lalaking iyon.
Ibinaba na ng lalaki ang hawak na libro at may sinabi ito sa mga kasama niya bago ito tumayo.
Napahawak naman sa kamay ko si Erika na parang di mapakali kung anong gagawin.
"Uy tumayo siya!" Natawa nalang ako.
Pumunta sa food section ang lalaki at kumuha ng mga inumin. Bigla namang tumayo ang bestfriend ko.
"Teka lang, kunyari bibili rin ako."
Bago pa ako makasagot ay tumalikod na ito at pumunta sa kung nasaan ang lalaki.
Umiling nalang ako at ibinuklat ang dala kong libro para magreview. Pero di ko rin maiwasang lumingon sa gawi nila at panuorin kung ano na ang nangyayari sa kanila.
Kinakausap na ni Erika ang lalaki na parang matagal na silang magkakilala. Pangiti-ngiti siya habang nagtitingin ng mga inumin.
Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki na ngayon ay papunta na sa cashier. Nagbayad ito at umalis. Hindi ko alam kung na mamalikmata lang ba ako, dahil lumingon ito sa direksyon ko at may kaunting ngiti sa kanyang labi.
Bigla namang naupo sa harap ko si Erika at may inilapag na juice sa harapan ko. Kilig na kilig naman ito habang nagsusulat sa kanyang papel.
Lumingon naman ako sa pwesto nila, nagbabasa na ulit ang lalaki.
Makalipas ang ilang linggo, hindi ko naman inaasahan na malalapit ako sa lalaking iyon. Siguro nga dahil palagi akong isinasama ni Erika sa tuwing maguusap sila o sa kung ano man ang mga gagawin nila.
Katulad nalang ngayon.
"Meg, samahan mo ako mamaya, magkikita ulit kami ni Efraem. Kasama ulit niya mga kaibigan niya."
Tumango ako. Magkikita nanaman kami.
Kasama na namin ngayon sila Efraem. Kausap ni Erika ang isa pang lalaki. Habang ako naman ang kausap niya.
"Kamusta?"
Nakatingin ito sa akin habang suot ang kanyang nagniningning na ngiti. Ano nanaman ang iniisip nito.
"Eto, stress na." Totoo, masyadong mahirap ang pinapagawa ng mga propesor namin. Hindi kakayanin ng isang linggo lang.
Tumawa ito.
"Malapit na ang bakasyon, konting tiis nalang." Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Lumingon naman ako sa bestfriend ko, nakatingin ito sa amin. May kakaiba sa pagtingin nito.
Lumipas ang araw, umamin na ako kay Erika.
Sobra akong nahihiya dahil nagkagusto na rin ako sa gusto ng bestfriend ko. Ayos lang daw iyon sa kanya. Pero alam ko may nagbago na sa aming pagkakaibigan.
Dumating ang araw na nagkaroon sila ng relasyon. Masakit, pero di parin nawawala ang pagtingin ko sa kanya.
Sa tuwing magkasama sila, lalayo nalang ako para naman masolo nila ang isa't-isa.
Uwian. Hindi ko na kasabay si Erika na naglalakad papunta sa sakayan. Nakikita ko minsan na sabay sila ng kasintahan niya na naglalakad palabas ng eskwelahan. Kaya mag-isa ko nalang o kaya nakikisabay sa iba ko pang mga kaibigan.
YOU ARE READING
Auspiciously Serendipity
Short StoryAng mga misteryosong gawa ng tadhana. Collection of short stories.
