"Hello there, Mrs. Valdez," anito.

Napangiti siya. Nagpapalakpakan na ang mga tao. Panay ang flash ng camera. Nagsimula na ang photo op. Hindi nawala ang pagkakahawak ni Iñigo sa kanyang kamay. Sa bridal car ay hindi na pinasama ni Iñigo ang photographer. Hinagkan siya nitong muli at siya naman ay humilig sa dibdib nito. Bago sila bumaba sa reception at tinulungan siya nitong alisin na ang kanyang belo. Habang mayroong cocktail hour ang lahat ay kinukunan sila ng larawan para sa wedding album nila. Mukhang masaya ang lalaki at ganoon din siya.

Hanggang sa ianunsiyo na ng host ang kanilang pangalan at masigabong palakpakan ang pumailanlang sa bulwagan. Everything passed by in a blur because she was very happy. And then she danced with her father.

"Daddy, I wish for this never to end," bulong niya rito.

Hinaplos nito ang kanyang mukha. "I'm very happy, hija. The Lord has answered all my prayers. You have a wonderful husband to take good care of you. A man like me cannot ask for more."

Sadyang napakabait nito at niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi araw-araw ay nakakasayaw niya ang kanyang ama. Napaluha siya sa labis na kaligayahan na may kahalong kalungkutan dahil sa kalagayan nito. Nang mapasulyap siya kay Iñigo ay napansin niyang titig na titig ito sa kanilang mag-ama at bigla ay binalot na naman ng kung anong kutob ang kanyang puso.

It wasn't because he was looking but the way he was doing so. Sa mga mata nito ay mayroon siyang nababasang galit. Ngunit malayo ito sa kanila at silang mag-ama ang natututukan ng ilaw. Kailangang alisin niya ang mga negatibong isiping ganoon na wala namang matinong basehan.

Tinawag ng kanyang ama ang lalaki at inabot ang kanyang kamay dito. First dance nilang mag-asawa.

"Iñigo, promise me everything's going to be all right," sambit niya."Is there such a thing as post-wedding jitters? 'Cause I'm having it and I'm so sorry."

Hinaplos nito ang kanyang buhok. "It's normal. Ngayon ka lang aalis sa poder ng Daddy mo, magsisimula tayo ng pamilya. Kinakabahan ka. Don't worry, I feel the same thing. I keep thinking I'm going to mess up this beautiful thing. You see, I'm never good at relationships. But I promised myself we'd make it through. All you have to do is trust in me like I trust in you. This is going to be a beautiful life."

Anong init ng puso niya sa pangako nito. Niyakap niya ito, buo ang pagtitiwala rito. Nakalma rin siya sa sinabi nitong pareho silang nakakadama ng ganoon. He made sense. Marahil sa likod ng isip niya ay iyon din ang pinagmumulan ng pangamba niya---fear of the unknown. Ngunit kung buo ang pagtitiwala nila sa isa't isa ay walang dahilan upang hindi maging maayos ang kanilang samahan.

Nagpatuloy ang selebrasyon at tila wala ni isang bisita ang hindi nakangiti. Ngunit lahat ng masasayang selebrasyon ay kailangang magtapos at ihinatid sila ng driver sa paliparan kung saan naghihintay ang private jet ng kanyang ama na nagdala sa kanila sa isang island resort.

Nang bumaba sila sa eroplano ay nagsimulang tambulin ang puso niya. Ang honeymoon nila. Hindi yata siya mapapakali! Ihinatid sila sa kanilang suite. Silang dalawa na lamang ngayon at nakabibingi ang katahimikan. Bigla siyang parang nahiya na hindi niya maunawaan. Napatingin siya kay Iñigo nang bigla itong tumawa.

"What?" ingos niya.

"I never thought you can be this shy, honey."

Biglang nag-init ang kanyang mukha. "I... I h-haven't done it before, Iñigo."

Agad na natigil ang pagtawa nito. Pinakatitigan siya nito, binabasa tila ang laman ng isip niya. Mayamaya ay nagsalita ito, "You haven't done what before?"

"Y-you know."

"You're a virgin?"

"Y-yes."

"Are you absolutely sure?"

"Of course. Why would I lie about it? A-are you disappointed?" May halong pag-aalala siyang nadama. Hindi niya alam ang psyche ng mga lalaki pagdating sa bagay na iyon. Marahil marami sa mga ito ang gusto ang isang birhen, ngunit hindi niya alam kung ano ang preference ng asawa niya. Nang makita niya ito sa restaurant kasama si Courtney ay mukhang mas gusto nito ang isang babaeng tulad ng babaeng iyon.

O hindi niya alam! Hindi niya alam! Ito ang unang pagkakataon na nalagay siya sa ganitong sitwasyon at hindi niya inasahan na pag-uusapan nila ang kanyang virginity! Ngunit ang kaba niya kanina ang nag-udyok sa kanyang sabihin iyon sa lalaki. Sure she had seen a few movies about sex and it did not help at all. Sa katunayan ay mas natakot pa siya nang mapanood niya ang mga iyon. Kaya ba niya ang ganoon?

"Don't worry about it. Relax. I will get us something to drink and eat. I'm starved. I wasn't able to eat at the reception and I noticed you didn't eat much too. I will be back."

Lumabas na ito sa suite. Naiwan siyang lalong kinabahan. Hindi ba nito nagustuhan ang sinabi niya? Mukha. At bigla siyang kinabahan na hindi maibigay sa asawa ang pisikal nitong pangangailangan. Bahagi iyon ng pag-aasawa. It was duty as his wife. Heck, she would give a great performance! Dadaigin niya ang Courtney na iyon! Marahil hindi naman iyon ganoon kahirap kung nagagawa ng maraming babae. Kaunting boldness lamang ang kailangan niya.

Inalala niya ang mga napanood niya at nang hindi makunteto ay tinawagan niya si Julie. "Julie, how can I please my husband in bed? I know you're not a virgin. Give me pointers and fast! He's coming back any time soon!"

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now