"So nakaalis ka na talaga sa torpe phase mo ha?" Tukso na naman ni Mae. Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang bell hudyat na may klase na sila.

"Tara na." Aya ni Mae kay Veronica.

"Parang last year lang, nagpupunta ka sa room ko para may kungyaring ibibigay masulyapan lang si crush mo." Kinurot naman ni Veronica si Mae.

"Teenager lang ang peg." Tinapik ni Mae ang kamay ni Veronica na akmang kukurutin na naman siya.

Nadaan sila sa Main Office at may nakita naman siyang pamilyar na figure na kakalabas lang ng pinto. Naramdaman naman ni Veronica na kinalabit siya ni Mae at tinuro si Shan gamit ang nguso nito.

"Kausapin mo. Tanungin ko kung okay na hindi mo naman nagawang tanungin kaninang nasa faculty tayo." Bulong ni mae sa tabi niya.

Binilisan naman nila ang lakad at naabutan nga nila ito na may dala-dalang folder na kulay itim.

"Hey, Shantanna." Tawag ni Veronica. Lumingon ito sa kaniya ng wala na namang emosyon. Nainis naman si Veronica pero hindi niya nalang ipinahalata.

"Okay ka na?" Tanong ni Veronica, sumenyas naman na si Mae na mauuna na siya. 'Iniwan pa talaga ako oh.' Isip-isip niya. Nakita niya namang nginitan siya nito ng makahulugan bago umalis.

"Obviously." Pambabara naman ni Shantanna sa kaniya. Hindi sinasadyang napaikot naman ang mata ni Veronica sa narinig.

"Okay ka na nga." Sarkastikong pagkakasabi niya. "Sabay ka na sa'kin? Parehas lang naman tayo ng building." Pag-aalok niya dito.

"Uhm. No, thanks. I can't go to class for about a week. There's somewhere I need to be." Nag-umpisa na silang maglakad since mahaba-haba din ang hallway para sa exit ng building.

"Kaya ka ba nasa office? Saan ka naman pupunta?"

"Partly." Sagot ni Shan sa unang tanong. "And it's none of your business again, Ma'am." Sabi na naman nito pero sa hindi bastos na tono.

"Dali na Shan." Pagkukulit niya dito.

"I cannot give you a specific place because I'll be travelling most of the time, Ma'am." Sagot nito, nakita niya namang ngumisi ito pagkabanggit ng ma'am.

"Kagagaling mo lang ah!" May kalakasan na pagkakasabi ni Veronica. Nakakunot ang noo nito at napatigil sila sa paglalakad.

"That's actually the reason why I asked you to call Uncle Richard... I can't afford to be sick. I have tons of things to do."  She explained. Lumambing bigla ang boses ni Shantanna at seryosong nakatitig sa mata nito.

"Don't worry, I'm already fine." Lumapit ito para kuhanin ang kanang kamay ni Veronica at iniligay ni Shantanna sa noo niya. "See?"

"But, you still need to rest. Bawal kang ma-stress Shan." Napangiti naman niya ang dyosa sa harap niya dahil sa sinabi niya.

"As if school isn't stressful enough to make me sick again, Ven."  Walang tao sa part kung nasaan sila dahil nakaalis na ang mga teachers. Kung tutuusin nga ay late na itong si Veronica pero mukhang hindi niya pa napapansin.

Hinampas naman ng mahina ni Veronica si Shantanna sa dibdib. Kinikilig siya sa pagtawag sa kaniya ni Shantanna sa nickname niya.

"Kahit na. Bumabawi ka pa lang ng lakas oh. Hindi pa nga ako sigurado noong Saturday kung okay ka na nga talaga eh. Kung okay ka na nga non, iisang araw palang pahinga mo Shan." Nalungkot naman ang itsura ni Veronica pagkatapos niya magsalita.

"What can I do to stop you from worrying?" She asked pinisil ni Shantanna ang kamay ni Veronica na hawak-hawak na nito ngayon. Nandoon pa din sila, hindi na muna sila umalis.

VagabondWhere stories live. Discover now