CHAPTER 37: The Victim

Start from the beginning
                                    

“Pero Dad-“

[Bumalik ka dito sa Pinas kung gusto mong magkaayos tayo. Pag bibigyan kita sa pagsabotahe mo sa deal namin ni Mr.Chua.. Pero hindi sa kasal na matagal ng nakaplano..]

“Dad!!!” – sigaw niya, pinagpipilitan parin ng Daddy niya ang engagement nila ni Denisse.. Nung isang gabi lang tumawag sakanya si Denisse at ibinalita sakanya na hindi na matutuloy ang kasal nila dahil okay na sila ni Cloyd, alam na siguro ngayon ng Daddy niya na hindi na matutuloy ang kasal.

[Umuwi ka dito, may pag uusapan pa tayo.]

“No Dad.” – matigas na sabi niya.

[Ganun ba? O baka naman gusto mo pang pahirapan ko lalo ang girlfriend mo?]

Nanlaki ang mata ni Matthew sa narinig.

“Anong ibig mong sabihin?!!!” – sigaw niya.

[You really love that woman. A slut. Akala mo ba hindi ko malalaman na kinuha mo siya sa isang club?!! Na sakanya mo itinapon ang 100 million ko?!!! Umuwi ka dito kung ayaw mong may mangyaring masama sakanya!]

“Fu-“

Namatay na sa kabilang linya.

“Ahh!! Fvck!!!!” – sigaw niya.

Nagmadali na siyang mag ayos ng mga gamit niya.

------   

Pagkadating na pagkadating niya sa Pinas, agad siyang umuwi sa bahay nila at hinarap ang Daddy niya. Pumasok siya sa private office ng Daddy niya na hindi manlang kumatok.. Nakatalikod ang ama niya sakanya, kung saan nakatingin ito sa bintana.

“Tignan mo nga naman. Mabilis ka pa sa alas kwatro.” – sabi ng Daddy niya, at saka humarap ito sakanya.

“Wala akong panahon makinig sa litanya mo. Anong ginawa mo kay Alexis?” – tanong nito.

Ngumisi ang Daddy niya, at umupo ito. May kinuha itong evelope mula sa drawer niya sa lamesa at inihagis yon kay Matthew. Agad tinignan ni Matthew yon.

Naglalaman ng mga picture ni Alex kasama si Tj, at bago lang ang mga picture na yon. Pero wala siyang pakialam dahil may tiwala siya kay Alexis.. Pero ang mas ipinagtaka niya bakit nahalo ang picture ng mag amang si Alexis dito sa envelope.

“Girlfriend pala siya dati ng pinsan mo.” – sarcastic na sabi ng Daddy niya.

“Nakakatawa naman dahil pareho kayong nagmahal ng isang bayaran.”

Numb is inWhere stories live. Discover now