4

6 0 0
                                    

Kiarra

Kasalukuyan akong naglalakad sa mall ngayon dahil bibili ako ng mga school supplies na kakailanganin ko at eto pilit pa rin ako kinukulit ng multo na'to!

"Kiarra sige naa! Papayag na yan yiee!" fudge? Di bagay sa kanya.

"Gagawin ko lahat basta tulungan mo lang akoo!" okay fine suko na ako.

Kanina niya pa ako kinukulit at sobra ng naririndi yung tenga ko!

"Paano mo gagawin lahat eh multo ka nga!" napalakas ata yung sabi ko kaya halos lahat ng tao napatingin sakin shems!

Aakalain nilang baliw ako! Kasalanan talaga 'to ng multong to eh!

Kinuha ko agad yung phone ko at nilagay sa tenga ko.

"Ahh oo yun nga hehe" ngumiti ngiti na lang ako sa mga napalingon sakin.

Shems balasilajan! Binilisan ko na lang yung lakad ko at pumunta na muna sa restroom. Sinilip ko kung may tao, pati na rin yung bawat cubicle para makasigurado at mabuti naman wala.

Nilingon ko agad etong multo nato at sinamaan siya ng tingin. Pero ang loko, nagpeace sign lang.

"Sige nga paano ba kita matutulungan ha?!" napahawak naman ako sa sentido ko. Naistress ako!

"H-hindi ko rin alam. Diba nga ang sabi ko sayo wala akong maalala?"

Yun nga eh wala siyang maalala na kahit ano so paano ko siya matutulungan? Ni pangalan o kaarawan man lang niya hindi niya maalala. Bakit ba kasi ako? Lord? Bakit ako? Huhu.

"Aish! Fine! Bahala na!" inis na sabi ko. No choice eh, para matigil na.

"Yey! Thankyou kiarra! Napasaya mo ko!" yayakapin pa niya sana ako kaso tumagos lang naman siya sakin.

"Ay kaluluwa na nga lang pala ako" saka siya napakamot sa batok niya. Abnormal.

---

Natapos na akong mamili ng mga kailangan ko sa school at palabas na sana ng Mall nang may makabangga na naman ako.

Gosh? Banggaan day ba ngayon?! Nako naman kia!!

Nalingon ko yung nakabangga sakin pero nawala na siya sa paningin ko. Tumatakbo ba naman? Hays hindi man lang nagsorry. Hindi ko rin masyadong napansin kung babae ba o lalake yun. Nakoooo!

Napatingin naman ako sa lapag ng may nakita akong picture, mukhang nahulog nun ah?

Dinampot ko na at saka tinignan kung sino ba yung nasa larawan na yun at sobra akong nagulat at nagtaka.

Eto yung lalake multo?! Fudge!

Nakita kong nakisilip din yung multo at pati rin siya ay nagulat.

"A-ako ba yan?" pagtuturo niya sa sarili niya.

Tumango tango naman ako. Isa lang ang ibig sabihin neto.

"Maaaring matulungan niya tayo. Kailangan natin siyang hanapin"

-end of chapter-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Ghost Is MineWhere stories live. Discover now