Chapter 2

20 2 0
                                    

Constance




Nakapikit ako habang akay-akay ni River, hindi ko pa binubuksan ang aking mata dahil ang alam ni Ilog ay nakatulog na ako. And here I am being carried by him, hehe.

Inilapag niya na ako sa kama at nang oras ding iyon ay, "bulaga!"

Humalakhak ako kahit na hindi ko naman tunay na natakot si River. Nakaupo siya sa gilid ng kama at pinapanood ako sa aking kalokohan. Like he's been used to it.

"Wow, sabi na nagpapanggap ka lang tulog!"

"Nagulat ka kaya! Should've seen your face!"

"Hindi ah, alam ko na iyon!"

"Nagulat ka nakita ko! Anyway..." nilibot ko ng tingin ang kwarto habang nakahiga habang si River ay nawala na sa aking tabi upang ayusin ang gamit ko. "Pinalakihan mo ba itong kwarto? O hindi lang ako sanay."

"Pina-renovate ko yung bahay, mabuti na nga lang at natapos agad. Saan mo gustong ilagay ko 'to?" turo niya sa samot-sari kong sapatos na hindi mabilang.

"Aayusin ko na lang 'yan bukas, Ilog, tabihan mo muna ako..."

"Alright, tutulungan na lang kita bukas. Your shoes..." siya na ang nagtanggal ng wedge sa aking paa. Minasahe niya ito dahil namumula na, gaya ng ginagawa niya noon hanggang sa noong nakulong ako.

"You know you should go to blind dates, Ilog. It's something I advice you to do."

"May mas mahahalaga pa naman akong kailangang gawin kaysa doon..."

"Gaya ng?"

"Ikaw."

Tumayo ako at pinalabas ko muna siya nang hindi sinasara ang pinto. Mabilis lang ang pagpapalit ko ng damit.

"Hindi mo dapat ako pina-prioritize. Matatanda na tayo, dapat nga ngayon gumagawa ka na ng sarili mong pamilya."

"You are a family. Gusto kong gawin ang mga ganito, Virgo."

"Talaga? Kahit sabihin ko sayo ngayong magpapamasahe ako?"

"Kukuha lang ako ng oil."

"Yay!" at nag-dive na ako sa kama. Seriously I need a massage at maswerte akong inaral ni River ang tamang pagmamasahe para sa akin. Pakiramdam ko kasi lahat ng lamig ay napunta sa akin noong nakipag-usap ako kay Milan.

Nothing changes here. Lumuwag lang ng bahagya ang kwarto pero ganun pa rin ang mga gamit. Nakakaloka lang isipin na kahit pagmamay-ari ni River ang buong bahay hinahayaan niya pa rin akong magdesisyon sa kung anong gusto ko.

"Saan ka magpapamasahe?" umupo siya sa gilid ko habang inaayos ang oil na gagamitin. See, he can do anything.

"Sa likod at binti lang."

"I saw your feet too, gagalawin ko na rin."

"Huwag! Virgin pa sila, huwag po kuya! Ahh!!!" dumiin ang paghagod niya sa likuran ko na nakapagparamdam naman sa akin ng kirot! Grabe nananadya!

"Baliw!" sabay kaming tumawa sa kalandian ng boses ko. Paniguradong kapag narinig 'yon ng kapitbahay ni River bukas na bukas rin ay makakatanggap siya ng reklamo, hahaha!

"Anong plano mo bukas? Saan ka pupunta?"

"Hmm, wala..."

"Akala ko ba may plano ka na?"

The Criminal and her LoverWhere stories live. Discover now