Chapter 14

5.9K 31 0
                                    

Hi everyone! Can you check out the video above? I'm planning to start a cover channel on youtube pero I don't know if my voice is okay hahaha! Trial cover lang yan and I hope na magrespond kayo (sa mga nag-play ng video). Your feedback will be much appreciated (especially honest ones hahaha). Anyway here's an update. Happy 5k reads!

Aera Isabelle

Nang malaman kong babae pala ang anak namin ni Trojie baby ay agad akong nag-post sa IG pagkauwi namin. I took a photo with the ultrasound at nag-selfie na rin para i-expose ang mala-dyosang porn star kong mukha. Charot.

"Trojie baby," pagtawag ko kay Trojan pero parang wala siyang narinig dahil busy siya sa pagtetext. Nang lumapit ako sakanya ay agad niyang itinago ang phone sa akin at ngumiti ng alanganin. Weird.

"Sino katext mo?" tanong ko sakanya.

"Si.. Si Marcos, oo tama. Si Marcos." nauutal niyang sagot dahilan upang mas tumaas ang curiousity meter ko sa katawan.

"Sure ka ha? Hindi iyan babae," pag-aassure ko. Namutla siya bigla atsaka tumingin sa orasan. Ilang minuto na siyang nakatitig sa wrist watch niya na parang nakakita ng fresh pussy.

"Hey, okay ka lang ba?" tanong ko sakanya tsaka ko siya nilapitan pero napatigil ako nang bigla siyang tumayo at nagmadaling lumabas ng mansion.

-

"Something's fishy bakla," sabi ni Josh nang ikinuwento ko sakanila ang nangyari kanina. Nasa sala kami ngayon ng mansion nila Trojan at binisita ako ng mga girls, including Josh at except kay Eya na ilang chapters na ang nakalipas ay MIA parin.

"'Yun na nga, iyan din ang iniisip ko kanina pa." sagot ko habang kinukurot-kurot ko ang tagiliran ni Josh.

"Stop it bakla, masakit kaya iyang ginagawa mo," medyo naiirita niyang saad. Pero go parin ako sa pamemeste kay Josh.

"Baka may kerida, kabit, number two, mistres, karelasyon na iyang si Trojan," biglang salita naman ni Audrey na nasa lapag at nakikipaglaro sa anak ni Athena na si Ashtone Martin Gaye and get it on.

Okay push pa.

"Mit..ret" bulalas ni Ashtone na tinawanan nilang pito.

"Kita mo na, suma-sang ayon na sa akin si Baby Ashtone. Sabi niya mistres." natatawang saad ni Audrey pero para sa akin ay hindi iyon nakakatawa. I don't even get it kung bakit sila tumatawa lahat.

Hanggang mag-gabi na ay hindi ako mapakali dahil sa sinabi kanina ni Kathe. What if may third wheel nga sa relasyon namin ni Trojan? What if nagsawa na siya sakin dahil mukha na akong balyena, dugong, shokoy, sirena, dabyana, killer whale, pating, isda, tilapya, bangus? May asim pa naman ako ah! Tsaka hindi pa ako losyang para ipagpalit ni Trojie baby. Magaling pa rin naman akong gumiling hanggang ngayon.

Ilang oras pa akong nag-iisip sa kwarto kung may kahati ako sa yummy body at big buddy ni Trojan. At nag-iisip din ng mga possible reasons para maghanap na ng iba si Trojan.

'Napaparanoid lang siguro ako.' pagkukumbinsi ko sa sarili ko. Tama, hindi dapat ako magpaka-nega dito at mag-isip ng kung anu-ano dahil baka maapektuhan lang ang anak ko.

Inilabas ko nalang muna ang phone ko at tumawag kay Manang Rosa para kumustahin ang lagay ni Aaramon, si Manang Rosa ang mayordoma sa bahay. Naka-ilang ring at dial na ako pero wala paring sumasagot. Doon ko nalang napagtanto na alas onse na pala.

Isang oras pa ang lumipas nang biglang gumalaw ang door knob habang may naririnig akong nagsasalita mula sa labas. Alam kong si Trojan iyon dahil siya lang naman ang may nakaka-wets na boses dito sa mansion na'to. Kaya naman humiga ako ng maayos at nagpanggap na tulog.

"Naka-uwi na ako." tumawa pa ito ng mahina at naramdaman kong nakatitig sa akin.

"Yes. Hindi niya 'to malalaman," tumawa na naman siya. Hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko. May mali sa ikinikilos ni Trojan.

"Alright then." akala ko tapos na ang call conversation ni Trojan at ng nasa kabilang linya. Pero agad siyang tumawa at napakapit ako ng mahigpit sa kumot nang marinig ko ang huling katagang sinabi ni Trojan bago ko marinig ang end call tone.

"Good night na rin. I love you too baby," feeling ko ay mamamatay na ako sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali, may iba ngang babae si Trojan dahil una sa lahat, amoy Aficionado F36 siya. Punyereta de almoranas. Amoy babae si Trojan!

Naiiyak na ako dahil sa nalaman ko. Sawa na nga siguro sa akin si Trojan dahil mukha na akong butete at hindi na kami makapagrakkk and roll nang maayos dahil may malaking wall na humaharang sa mga instruments namin. At sino naman kayang hampaslupang amoy lupa ang pumatol kay Trojan?! Walang taste 'yung babae infairness. Mga padre de pamilya ang tinitira.

Naramdaman kong humiga na si Trojan sa tabi ko at niyakap ako. Bigla nalang may namuong tubig sa mata ko at kusang pumatak.

-

Alas singko na ng umaga nang maramdaman kong dahan-dahan na bumangon si Trojan sa higaan. Nagpapanggap parin akong tulog hanggang ngayon, alam kong masama para kay Baby itong ginagawa ko. Pero promise talagang babawi ako ng 24 hours na tulog kapag nagbreak na kami ni Trojan. Kaya ko namang buhayin itong anak ko na wala siyang kinikilalang ama. At kapag tinanong ng anak ko kung asan ang magaling niyang tatay, ang isasagot ko nalang ay 'Isa siyang infected patient sa Isla Manloloko at namatay doon dahil sa ma-katihan ng junjun niya.'
Pero bago pa ako makipagbreak ay gusto ko muna malaman ang mukha ng kaladkaring babaeng isinabay niya sa akin nang may makutya naman ako ng hanggang sa maging kulubot na pechay ko..

Nang makalabas na si Trojan sa kwarto ay dali-dali akong tumayo at kumuha ng sweater at ang wallet ko atsaka dahan-dahang lumabas ng kwarto. Marahil ay pupuntahan na ni Trojan ang kanyang kabit dahil bihis na bihis siya ngayon at talagang may mga dala pang sandamakmak na mga paper bags na ibibigay niya siguro sa babae niya. Gold digger ang fokfok.

Nakasakay na siya sa kotse niya habang ako naman ay nakatago sa isang malaking karton na nakakalat. Nakalabas na siya sa mansion at agad akong naglakad papalabas. Saktong may taxi kaya naman pinara ko ito't inutusan ang driver na sundan si Trojan, kapalit ang limang libong piso.

Fifteen minutes na akong nakaupo sa loob ng taxi. Nakita kong tumigil ang sasakyan ni Trojan sa tapat ng isang simple at katamtamang laki lang na bahay. Pinahinto ko ang taxi atsaka ko pinanuod si Trojan habang bumababa ito sa sasakyan niya.

Nagulat ako nang may isa pang sasakyan na huminto sa tapat nang simpleng bahay at bumaba doon ang isang napaka-puti at petite na babae. Pero ang mas naka-agaw ng pansin ko ay ang suot nang babae.

Wtf? Pumapatol si Trojan sa isang high schooler?!

PleasureWhere stories live. Discover now