"Cara Sorry talaga!" Pangungulit ni Jace.

Kanina ko pa nakalimutan yung ginawa nila pero ayaw talaga akong lubayan. "Tigilan mo nga ako Jace" Bagot kong sabi sa kanya at patuloy na tinahak ang daan papuntang parking lot.

"Suspended tayo, anong balak nyo?" Ani Rix. Nagkibit balikat si Logan at Josh.

Suspended sila ng tatlong araw, wala namang bago doon. Kaya wala na akong paki alam kung ano ang gagawin nila.

"Paano nyo naman ie-explain kay Kuya Ray ang mga basag nyo mukha?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Pssh hayaan mo na yun. Asa ka namang papalitan nya kami sa photoshoot, wala na syang mahahanap na mas gwapo pang model kundi kami lang" Sabi ni Jace at inilahad ang kamay nya sa kanilang lima.

Nasabi ko na ba na model din silang lima?

Well, Model nga sila. Ang ga-gwapo sana kaso ang kakapal ng mukha.

Umirap ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Parang mga ewan naman kasi tong mga to at naisipan na isang sasakyan lang ang gamitin ngayon, parang sardinas tuloy kami.

Si Logan ang driver at si Vini ang nasa passenger seat. Ang kambal at si Rix ang kasama ko sa likod.

"Jace move your fatt butt!" Ani Josh at tinulak ang kapatid nya para umusog at makaupo ako ng maayos.

"HQ tayo?" Tanong ni Rix. Kinuha ko nalang ang earphones ko at hindi na sila pinansin.

Buong byahe pauwi ay nagtawanan at kantsyawan lang sila tungkol sa mga nakaaway nila kanina, minsan ay pino-pause ko ang music para makinig sa kanila at napapangiti na rin. Hindi parin nila sinasabi ang tunay na rason sa away, by the looks of it parang isang stupid at small reason lang. Madalas uminit ang ulo ni Vini kaya napagbuntungan ng galit ay ang nakasuntukan nya kanina.

    Sa Crenshaw Royale kami lahat nakita. Nasa iisang street lang ang bahay namin ni Rix at ang Kambal habang si Logan at Vini naman ay sa kabila.

Ibinaba nila ako sa tapat ng bahay. "Rix ikaw?" Tanong ko.

"Sa HQ na ko. Papagalitan lang ako ni Mom, pumunta ka nalang don" Aniya at pinaandar na ulit ni Logan ang sasakyan. Sa kabilang street lang naman ang HQ ng Black Blade, mapepera naman sila kaya naisipan nilang bumili ng bahay. Join forces silang lima, Ang HQ ang tamabayan naming lahat.

   Pinagbuksan ako ni Manang ng gate at sinalubong ako ng chao chao kong si Yuri, kasunod naman nya ang kapatid kong si Megan na kakauwi lang rin.

"Ate suspended raw sila Kuya Rix?" Tanong nya.

Ibinaba ko si Yuri at tumago "Ano namang bago don?"

"Sabagay, pupunta kang HQ?"

Tumango nalang ako at umakyat na ako ng hagdan.

Napalit ako at humiga muna sa kama, nag connect agad ako sa wifi at nag vibrate agad ang cellphone ko. I smiled.

ETC : Nakauwi ka na?

Caleeyop: Yep. Kakauwi lang :)

ETC: Soooo...Kamusta ang araw mo? :)

Caleeyop: The usual. Mag aral, get some peace and quiet and stop their damn fights.

ETC: I salute you when it comes to that. Babae ka pero nagagawa mong kontrolin sila.

Caleeyop: Well not control, talagang isa ako sa mga tao na pinapakinggan nila. Most of the Time.

   Si Ethan or ETC ang madalas kong kausap sa Kik. Matagal ko na rin syang kausap, nagulat nga ako noon na taga dito rin sya sa Pilipinas pero alam kong malayo sya sa lugar kung saan ako nakatira. Walang may alam tungkol kay Ethan, dahil alam kong hindi papayag ang Black Blade na mag sayang ako ng oras sa nga online chat sites at ibang achuchu.

The Gang's Prized PossessionWhere stories live. Discover now