-30-

2.9K 60 7
                                    

Someone's POV


"Ginagawa mo ba lahat ng inuutos ko sayo ha ? "  napatingin ako kay Kuya habang patuloy ako sa suklay ng buhok ng Manika ko

"Oo ginagawa ko lahat . " walang ganang sagot ko at patuloy na sinusuklay suklay ang buhok ni Jenny ang Manika ko , Minsan kinakausap ko ito kahit na nakatingin lang ito sa akin at palaging nakangiti , minsan ay napagsasabihan na akong mukhang tanga nila Daddy at ng Step mom ko pero wala akong pakelam , siya nalang ang tangi kong nakakasama dito sa bahay simula ng hindi na dito nakatira ang kapatid ko .

"Siguraduhin mo lang na maayos mong ginagawa ang pinapagawa ko sayo ."

"Oo maayos kong ginagawa lahat ng pinaguutos mo kuya , wag kang magalala alam kong magiging matagumpay lahat ng pinaplano mo " tumayo na ako at walang lingon lingon na naglakad palabas ng pintuan ng Kwarto ko , bubuksan ko pa lang sana yun ng biglang pumasok ang babaeng nagpagulo sa tahimik kong mundo .

"Hi My Dear long time no see ? " nakangiti nitong sambit sa akin ng makasalubong ako nito , tumingin muna ito sa likuran ko dahil malamang ay tinignan niya muna ang kapatid ko bago muling tumingin sa akin .

"Tss" singhal ko lang pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko , sinadya kong banggain ang braso niya , simula ng dumating siya dito sa bahay na to ay nagkagulo gulo na ang tahimik kong buhay , hindi ko nga alam kung bakit pa siya kinupkop ni kuya Andrei , eh simula pa lang nung makita ko siyang pumapasok sa pamamahay na to eh hindi ko na nagustuhan ang pagkatao niya lalo pa sa paraan niya ng pagsasalita .

Naiirita ako tuwing may inuuwing tao sa bahay na to ang kapatid ko lalo na kapag ang taong yun ay pinagsisilbihan niya upang maghiganti , hindi ko rin malaman kung bakit niya ginagawa ang bagay na yun , lahat ng tao sa paligid niya gusto niya pinaglalaruan siya , gusto niya inaalila siya pero pagkatapos siyang alilain at gawing tauhan may ginagawa siyang mga bagay na hindi gugustuhin ng mga taong dati'y pinagsilbihan niya  ....

"Mam Chin , saan po ang punta niyo ? " tanong sa akin ni Manang Melda ang isang maid namin dito sa bahay .

"Uuwi na po muna ko dun sa tinutuluyan ko manang , ayoko dito sa bahay na to " seryosong sabi ko kay Manang , para namang naunawan niya ako dahil alam kong ayaw niya din sa Danica na yon , alam ko kaseng nag pi-feeling reyna reyna-han dito sa bahay ang babaeng yan , Hindi ko naman siya mapatulan dahil alam kong ako ang mapapasama sa mata ni Kuya .

inihatid lang ako ni Manang sa labas at pinagbuksan ako ng Gate para mailabas ko yung sasakyan ko , nakangiting kumaway sa akin si manang bago niya isarado ulit ang Gate .

Tumingin ako sa may Passenger Seat kung saan ko inilagay si Jenny , "Siguro naman Jenny kapag natapos ko ang Misyon ko ay mapapatawad niya kong ulit diba ? " sabi ko sa nakangiting si Jenny tapos napabuntong hininga nalang ako .

Denise POV

 nakapatayo ako nang tumunog yung doorbell ng Condo ko , Napansin kong napatingin si Tiff sa pintuan tapos tumingin lang sa akin then pinagpatuloy na ulit yung ginagawa niya , Ako naman ay tumayo at lumapit sa may pintuan at binuksan ito .

The Ugly Princess Revenge (Book2 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon