"Ano walang sasagot sakin?"

Wala nga. Bahala nga kayo! Kung ayaw nyong magsalita di wag!

Binuksan ko nalang ang first aid kit at kumuha ng bulak at betadine. Inuna kong gamutin ang sugat ni Rix na nakangiti sakin. Kumuha na rin ng betadine si Josh para tulungan ako.

"Tss" Ani Vini na narinig ko nalang ang mga hakbang palayo.

Hindi ko pinansin at hinimas ang mukha ni Rix "Sino nga?"

"Binack up-an lang namin si Master" Aniya.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

"Ewan. Pag dating namin don royal rumble na" Nagkibit balikat sya.

Lumipat ako kay Logan na naka ngiti rin sakin "Sorry Cara. Nasira pa namin ang quiet time mo"

"Baka suspension na ang abutin nyo nito" Sabi ko habang busy sa pag gagamot ng sugat nila.

"Di pwede! Walang maiiwan dito para samahan ka!" Reklamo ni Jace.

"Ako!" Prisinta naman ni Josh "Hindi naman ako kasali kanina eh" Ngiti nya. Binatukan ko na "Hindi ka nga kasali, hindi mo rin naman pinigilan!"

"Alam mo namang walang makakapigil kay Master pag dating sa ganito kaya useless rin" Kibit balikat nyang sagot.

May narinig akong hagikhik ng mga usisera sa di kalayuan. Walang hiyang Jace naman pala ay nakikipag ngitian sa mga babae doon.

Tumayo ako pinagpagan ang aking tuhod "Ipapatawag kayo mamaya dahil sigurado akong nakaabot na sa office ang gulo nyo. Hahanapin ko lang si Vini" Sabi ko at naglakad na palayo.

Nadaanan ko ang mga babaeng ka ngitian ni Jace at sinamaan nila ako ng tingin. Ano bang ginawa ko sa inyo? Gusto nyong kayo ang gumamot sa mga sugat nila? Hala sige! walang pumipigil sa inyo!

   Naabutan ako ni Bommie sa Hallway at naglakad sya kasabay ko.

"Si Jace my loves ba okay lang?" Tanong nya.

"Oo" Ngiti ko "Pero lagot silang lahat dahil basag na naman ang mga mukha nila"

"Ayy baka ma cancel na naman ang photoshoot nyan" Nanghihinayang nyang sabi.

  Si Bommie ay isa sa tinuturing kong true friend dahil hindi sya yung babaeng gagamitin lang ako para makalapit sa Black Blade dahil sa relationship ko sa kanila.

Saka simula palang ay inamin nya na sakin na may crush sya kay Jace, naiintindihan ko naman. Hindi lang naman kasi sya nag iisa sa may gusto kay Jace, halos lahat ng babae dito ay nahuhumaling sa kanila.

"Saan ka pala pupunta?" Tano nya.

"Kay Vini"

"Ah sige maiwan na kita. Pupunta na kong classroom baka ma late na naman ako, alam mo naman si Mr. Cruz" Nagpaalam na sya at umalis.

  Dumiretso ako kung saan matatagpuan si Vini. Dito lang naman sya pumupunta tuwing mainit ang ulo nya.

Binuksan ko ang pinto ng rooftop at agad na nakita ang nakatalikod na si Vini. Tinanggal nya ang navy blue jacket naming uniform kaya naka long sleeve white shirt lang sya.

Tahimik akong lumapit sa kanya at tumingin sa school garden na tanaw na tanaw galing dito.

"Magka cutting ka?" Tanong ko.

"Ano pa ba? Suspended na rin naman ako"

Umiling ako "Diba sinabi ko---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad nyang pinutol.

"Ayaw mo na kaming makipag away. Yeah I get it. Pero hindi mo kami mapipigilan, you should know that by now" Aniya.

"Alam na alam ko na yon pero seriously Vin? Hindi mo ba talaga mapigilan ang init ng ulo mo ha? Ano na namang sasabihin ni Tita at Kuya Lee pag nalaman nyang suspended ka na naman?"

Umiling sya at ngumiti "Sometimes I wish you weren't such a good girl"

    Im not one of the boys, dahil hindi naman ako boyish. Im classified as a good girl according to him dahil masyado akong studious. Kasalanan ko bang gusto kong gumraduate ng may clear record? Saka ano naman bang mapapala ko sa mga kalokohan nila? But I do have my fair share in breaking the rules. Kaya hindi ako ganon ka 'good girl', I jusy value my education ulike the five of them.

"Sometimes I wish you weren't such a bad boy" Sabi ko at tinalikuran na sya.

Ramdam ko ang matalim nyang titig hanggang sa makalabas ako ng rooftop.

   Ganito ang everyday life ng isang Calliope Rain Santos, ang pinipilit na mabuhay nang tahimik pero hindi ko magawa dahil isa akong unofficial member ng Black Blade. Bakit unofficial? Dahil hindi ko kayang tanggapin na member ako ng grupo nila. Ako lang nag iisang babae, I've learned all these years na wag pansinin ang mapanuring mata ng tao. Naman ko sa Black Blade ang ugaling 'I dont give a fuck' pag dating doon.

Kahit na sawang sawa na akong pigilan ang mga gulo nila at mga kalokohan nila sa buhay, hindi ko parin sila magawang iwan. That would be rude of me dahil sa mga kababata ko sila at kapit-bahay rin, at tuwing kailangan ko sila...Nandyan sila para sakin.

Kapag nangako sila, tutuparin nila yon.

No one dares to come across me dahil alam nilang the gangs' got my back. Kaya nga bukod kay Bommie at sa kanila, wala akong tunay na kaibigan. Having too many friends is a handfull dahil hindi mo alam kung lahat ba sila ay tunay o hindi. Kahit na ayoko ma involve sa drama, hindi ko parin maiiwasan dahil sa simpleng koneksyon ko lang sa Black Blade.

   I'm Calliope Rain Santos and everyone knows me as The Gangs Prized Possession.

---------------------------------------------------

2018 A/N: This story doesn't have a concrete plot or whatever. I started this when I was experimenting on writing different genres. Hindi pa din siya tapos hanggang ngayon. I unpublished this hoping I can edit it, but with the state of my life right now mukhang hindi ko ata magagawa 'yon. So here it is, republished here in wattpad still unedited. I don't know when the next update is going to be. It' been a while since I visited the TGPP world. Baka pag tinamaan ako ng sudden motivation and inspiration tsaka lang ako makapag update. But if you want to read finished ones, I do have short stories na same setting dito and you can find it on my profile.

Also, there are chapters here na nadamay noon sa glitch ng wattpad at biglang nabura or na cut yung ending part. Kindly disregard it and don't ask me kung nasaan kasi hindi ko siya mababalik unless I rewrite the chapter. 

The Gang's Prized PossessionМесто, где живут истории. Откройте их для себя