kinabukasan agad din ulit akong nag padeliver ng flowers sa Clinic nya at sinamahan ko iyon ng Chocolate na favorite nya.gusto kong araw arawin ang Pagbibigay ng Flowers sa kanya para maging masaya sya araw araw...sobrang saya ko noon at inspired habang papasok sa trabaho ko nahahalata nga ng mga kawork ko na blooming daw ako at masaya mukang inlove daw ako at gusto nila malaman kung kanino ako inlove pero hindi ko naman sinasabi sa kanila.hinahayaan ko nalang silang manukso at tinatawanan ko nalang ang mga biro nila.ayoko kasing may makaalam ng tungkol sa panunuyo ko kay Zhai.gusto ko maenjoy ko muna mag isa ang panliligaw ko sa kanya.

isang lingo na din akong nagpapadala ng Flowers kay Zhai.natutuwa naman ako dahil nakikita kong naapriciate naman nya ang mga bigay ko kahit na alam kong kaya nya yon tinatanggap dahil hindi nya alam na sa akin yun galing.nasa restaurant ako ng mga oras na iyon habang naka smile sa kawalan at iniisip si Zhai.bigla naman akong ginulat ng best friend kong si Tony.

"hay!naku ayan nag daydream ka nanaman kay Zhai na yan "

sabi ni Tony habang nakaismid pa.alam kasi nito ang ginagawa kong pagbibigay ng flowers kay Zhai.si Tony lang ang pinagkukwentuhan ko tungkol kay Zhai..wala na ata akong maitatago sa Bestfriend kong ito kulang nalang pati Password ng ATM ko malaman nya haha.

"anu kaba mahilig ka talagang manggulat pag may iniisip ako."

inis na sabi ko kay tony.lage nalang kasi tong nanggugulat sa oras ng mga Pagmumuni ko.

"haha pano pa smile smile ka pa sa kawalan at kinikilig alam mo kung ako sayo magpakilala ka kasi na ikaw ang nagbibigay ng flowers sa kanya para Makita mo na kung kikiligin pa yung si Zhai baka pagnalaman nya na ikaw yun naku hindi nya yun tatanggapin"

sabi nito na nangaasar pa sa akin.

"alam mo ikaw talaga basag trip ka din noh..alam mong bumubwelo pa ako pinapahina mo agad ang loob ko eh..bestfriend ba kita ."

sabi ko na medyo nakatawa sa mga pagbibiruan namen ni Tony.

"hay naku best sinasabi ko sayo bawal ang hopia dito aah..basta ako sinabihan na kita ayoko na masaktan ka ulit.pero mukang matigas ang ulo sige bahala ka."

sabi nito at mukang hindi masaya para sa akin.sabagay hindi ko naman masisi si Tony kung bakit sya ganyan ka bitter sa akin dahil nakita nya noon kung gano ako nasaktan kay Zhai at parang Gumuho ang mundo ko noon.

"best don't worry kaya ko na sarili ko matatag na ako  ngayon alam ko na walang kasiguraduhan itong pinapasok ko pero sya ang bahala na nasigurado akong gusto kong gawin sa buhay ko ngayon."

sabi ko kay Tony..alam kong mahirap at walang kasiguraduhan pero gusto ko talagang subukan lahat .para sa kanya.

natapos na din ang usapan namen tungkol kay Zhai at walang nagawa ang bestfriend ko kundi suportahan nalang ako sa gusto ko.umalis ako sa restaurant at nagtungo sa Clinic ni Zhai alam kong makikita ko sya ngayon don.may pinabigay akong sulat nilagay ko sa sulat na kung gusto nya malaman kung sino ang nagbibigay ng flowers sa kanya ay magpunta sya sa restaurant na nilagay ko sa sulat.hihintayin ko sya doon .

nag set ako ng dinner date namen sa isang sikat na social na restaurant sa QC alam kong walang kasiguraduhan kung dadating sya pero maghihintay padin ako.7pm ang sinabi kong oras sa kanya at lagpas 7pm na wala pa sya medyo napanghihinaan na ako ng loob pero ok lang baka na trapik lang hihintayin ko pa sya.maya maya ay natanaw ko na si Zhai nakasuot ito ng red dress at sobrang sexy at elegant ng dating nya .wala padin pinagbago ang ganda nya parang Lalo pa nga atang gumanda ito.nakaupo na sya sa table namen at ang plano ko ay unti unti akong lalapit sa kanya habang dala ang red roses.para malaman nya akong nagbibigay non sa kanya.lakas loob akong lumapit kay Zhai patungo sa likuran nya nung una nagaalangan pa ako pero bahala na kahit anung mangyari basta gagawin ko ito.

nang makalapit na ako sa kanya dala ang Red roses at napalingon si Zhai sa akin halata ang pagkabigla sa muka nya.iniabot ko sa kanya ang red roses at umupo ako sa kabilang upuan kaharap nya.

"Zhai salamat at pumunta ka akala ko hindi mo na ako sisiputin..uhm sorry at hindi ako nagpakilala sayo ako yung nag bibigay ng flowers at chocolate sayo."

sabi ko at nakatitig sa kanya.wala naman imik si Zhai at huminga muna ito ng malamim bago nagsalita.

"ok so ikaw pala ang nagbibigay ng flowers sa akin..isa nanaman ba to sa mga strategy mo ngayon para makausap ako?."

sabi ni Zhai na mukang walang bakas ng saya sa kanya parang naiinis pa nga ito.

"uhm uo Zhai hindi ko kasi alam pano kita kakausapin eh kasi last time na niyaya kita para magusap tayo hindi ka naman pumayag ."

sabi ko na medyo may lungkot sa boses ko.hindi ko kasi gustong ganito kame ni Zhai.

"so bakit ba gusto mo akong makausap miss Garcia?hindi ka ba maka move On or bored kalang kaya mo ako ginugulo?'

sabi ni Zhai sa mahinahon pero madiin na salita.

"Zhai bakit mo ko iniwan?"

walang pagaalinlangan na tanong ko medyo naiiyak na din ako pero pinipigilan ko ang luha ko kaya naman kita sa mata ko ang pamumula nito.hindi naman agad sya nakapagsalita at mukang nabigla din sya sa sinabi ko agad.kaya naman tinuloy ko lang ang pagsasalita.

"almost 10years kitang hinanap nagpunta pa ako sa America pinagtanong ko kung saan kana pero sabi sakin ng staff doon sa hospital na pinapasukan mo matagal ka na daw umalis doon.wala akong idea kung nasaan ka kung nasa ibang bansa kaba o andito sa Pinas.alam mo bang ang sakit sakit ng ginawa mong pangiiwan sa akin noon Zhai ?halos mabaliw ako nun kakaisip sayo kung ano bang nagawa ko at iniwan mo ako bigla."

sabi ko sa kanya at hindi ko na napigil ang luha kong pumatak .habang kausap sya nakita ko naman na iwas ang tingin sa akin ni Zhai hindi sya makatingin ng Deretso sa akin hindi ko alam kung anu ang iniisip nya.

"so kaya mo ako gustong Makita para sumbatan yun ba miss Garcia?'

sabi ni Zhai na walang emosyon sa muka parang hindi sya nasasaktan at parang balewala na ako sa kanya.

"hindi Zhai gusto ko lang malaman ang dahilan deserve ko din naman sigurong malaman ang Totoo diba"

sabi ko sa kanya habang natulo padin ang luha ko.

"deserve mong malaman ang totoo?talaga ba ?alam mo hindi mo deserve ang katotohanan dahil sinungaling ka..wag kang magpanggap na victim sa aten dalawa ..ikaw ang may kasalanan kaya ngyari yun "

galit na sabi ni Zhai at ramdam kong may laman ang mga binitawan nyang salita pero hindi ko maintindihan san yun nanggaling ang mga hinanakit nya sa akin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/n

hope u like it sana magkalinawan na ang dalawa ..sa love kasi sabi nga nila dapat maging open ka hindi yung sinasarili mo lang ang sakit para alam ng bf/gf mo kung anu ba talagang problema nyo ..db..:) thanks sa pagbabasa









"Now I Tell You My Secret"Where stories live. Discover now