Usap-usapan sa business community at sa media ang 60th anniversary party ng Titanium Hotel. Ito ang pinakaunang five star hotel at ang sinasabing pinaka-engrandeng hotel sa bansa. Imbitado lahat ng business partners ng hotel pati na rin ang mga sikat na personalidad. Imbitado rin ang press para i-cover ang party. Dahil sa dami ng bisita ay mahigpit ang seguridad sa loob at labas ng hotel. Bawat bisita sa party ay tinuturing na VIP at kabilang na doon sila Chester.
"Wow! Para naman itong Academy Awards after party. Ang sosyal. Ang lakas maka-mayaman!" aliw na aliw na sabi ni Suzanne habang naglalakad sila ni Chester sa ibabaw ng red carpet papasok sa roof deck ng hotel kung saan gaganapin ang party.
"Kalma lang Suzanne. Tandaan mo na kahit party ito ay isa pa rin itong business conference. Kailangan natin makapag-close ng deal sa tatlong real estate companies, ang Selene, Amalia at Crystal," bulong ni Chester at ngumiti sa mga photographers na kinukunan sila ng litrato. "Ang target ko talaga ay makapag-close ng deal sa Crystal dahil parte siya ng Titanium Conglomerate."
"Ganun? Sumama ako sa'yo dahil akala ko makakapagsaya tayong dalawa dito yun naman pala puro negosyo na naman ang maririnig ko sa'yo. Pero sige suportado kita dyan Prince Charming! Tandaan mo walang sukuan!" sabi ni Suzanne upang palakasin ang loob ni Chester. Hinahangaan niya ang dedikasyon ni Chester na lalo pang mapaunlad ang Buena Familia Muebles.
"Basta tandaan mo na kapag nakipagkilala tayo sa mga nandito ay sabihin mo na isa kang freelance model at girlfriend ko. Mahalaga ang gabing ito sa akin and I want everything to be perfect," paalala ni Chester kay Suzanne.
Pagpasok nila ay pumwesto sila sa mesa na nakalaan para sa Buena Familia Muebles. May apat lang na upuan dahil ang pupunta lang naman ay si Chester, Suzanne, Cret at ang date nito na hindi pa pinapangalanan kung sino.
Pagkaupong-pagkaupo nila Chester at Suzanne ay dumating naman si Cret kasama ang kanyang date. Napangiti si Chester nang masilayan ang kasama ni Cret. Si Anne Farel, ang hotel manager ng Titanium ang kasama ni Cret. Aminado si Chester na noong nagkita sila ni Anne ay hindi rin niya napigilan ang sarili na hangaan ito dahil sa angkin nitong ganda at talino.
"Uy Chester! Bakit ganyan ang tingin mo sa kanya?" nagseselos na tanong ni Suzanne at siniko si Chester. "Sus! Mas lamang pa din ang beauty ko dyan."
"Tumahimik ka nga muna Suzanne. Kailangan maging maayos ang pakikitungo mo sa kanya. Importante siyang tao ngayong gabi para sa akin," bulong ni Chester at hinalikan si Suzanne para tumahimik.
Napatahimik nga ng halik ni Chester si Suzanne. Tumango na lang si Suzanne at ngumiti. Tuwing hahalikan siya ni Chester ay hindi niya mapigilang mamula ang kanyang mga pisngi.
"Ang sweet naman ni Chester at Suzanne," komento ni Cret pagkalapit sa kanila. Hindi niya pinahalata ang selos niya. Tanggap na niya na si Chester at Suzanne ang nararapat para sa isa't-isa pero hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na magselos. "Eto nga pala ang date ko. Ang pinakamagandang babae sa Titanium, si Anne Farel," pakilala ni Cret kay Anne.
"Kilala ko na sila Ethan. Si Chester Padilla ang CEO ng Buena Familia Muebles at ang kasama naman niya ay isang model. I forgot her name but she seems so familiar to me. Ang alam ko lang model siya. Siguro nakita ko na siya sa ilang TV commercials or ads," sabi ni Anne na may eleganteng ngiti. Binuksan niya ang hawak na gold clutch bag at binigyan ng calling cards si Suzanne at Chester. "I'm Anne Farel, the hotel manager of Titanium and the financial adviser of Crystal Estate."
"I'm Suzanne Valencia, freelance model at girlfirend ni Chester," pagpapakilala ni Suzanne kay Anne. Hindi niya alam kung dapat niyang ipaalala kay Anne ang nangyaring aksidente sa rooftop ng Titanium na ngayon ay roof deck na.
YOU ARE READING
Unexpected Love
RomanceFalling in Love? Pero paano kung literal na nahulog sa'yo ang soulmate mo? Meet Suzanne, freelancer model na raketera rin ang peg. Nalaglag siya mula sa rooftop ng isang building at bumagsak siya sa truck ng mayaman pero antipatikong si Chester. Pag...
