Chapter 45: Too Many Walls

Start from the beginning
                                    

"You have to eat first." Syaka lang niya tinupi at binigay sa katulong ang binabasa. He looked so fresh. Hindi naman maikakaila na gwapo talaga siya.

I took a deep sigh.

"I made some trouble, alam ko. You're a busy man and yet naabala pa kita. Vixen thank you for taking care of me last night."

He arched his right eyebrow up at syaka ngumiti. Sa sobrang stress ko kagabi, nawala na sa isip ko na boss ko parin siya.

There are few moments of silence bago siya tumayo sa chair na kinauupuan niya. He looked in his wrist watch and I'm sure that he's off to work.

"When anything else falls, I'm just here Sidney. I will always be here.. Don't worry about today's work. Bukas ka na pumasok... I have to go, my driver will take you home."

He smiled for the last time before he totally left me. Vixen is an ideal man.

Kahit hindi maganda ang unang pag kikita namin, hindi ako nag sisisi na nakilala ko siya.

Swerte ang babae na mamahalin niya at makakasama habang buhay.

• • •

I'm still ignoring him and acting as if he doesn't exist in my world.

Sabihin nyo ng ma-pride o maarte ako..

WALA KAYONG PAKIELAM!

Nasaktan niya ko and I need an acceptable reason.

I just focused on my dinner at kahit kulit ng kulit at salita siya ng salita sa harap ko ay balewala sakin.

"Sidney, I'm really sorry... uy, please kausapin mo na ko."

He's been here for almost an hour at pinag sisisihan ko pang pinag buksan ko siya ng pinto. Naalala ko lang ang ginawa niyang pag papaasa sakin kagabi!

Ganyan lang siya simula kanina. Sorry ng sorry at pinipilit na pansinin at kausapin siya.

Duh? I need reason!!

Sabihin na lang kasi niya ang bwisit na dahilan na yan, baka sakaling pansinin ko siya.

Parang hindi ko na siya kilala. Mabuti naman at may lakas ng loob pa siyang pumunta dito at harapin ako.

Akala ko tuluyan na siyang nawalan ng pakielam sakin!

*BAAAM!*

I was literally shocked when he stamp his right hand at my table.

"Damn it! Are you just going to ignore me the whole time? Huh? Look! I'm tired from work but I still chose to see you. Please stop treating me that way? Please.."

Padabog itong sumandal sa upuan hinilamos pa ng mga palad ang kanya mukha.

Ano? Give up na? Napipikon ka na ba ha? Mas lalo akong hindi natutuwa sa mga kinikilos mo!

Galit kong inilapag ang spoon and fork syaka ko hinarap siya ng taas kilay.

"Sorry ha? Sobrang nag alala lang naman po kasi ako sayo kagabi! Unlike you, na mukhang wala namang pakielam sakin kung nakauwi ba ko ng maayos kagabi ng dahil sa hindi ko malamang dahilan mo, kaya pinabayaan mo ko!"

I said with full of sarcasm. Pinilit kong hindi pumiyok dahil namumuo nanaman ang mga luha sa mata ko.

Kainis! Bakit ba kailangan ko nanaman umiyak? Napaka iyakin ko naman kasi simula ng nakilala ko ang lalaking yan!

Sinubukan ko na lang sumubo at tapusin na lang ang pagkain ko.

I heard him sighed heavily at hindi ko inaasahan na mababalot ng dalawang kamay niya ang kamay ko.

Partners in CrimeWhere stories live. Discover now