Round 1!

10.6K 28 1
                                    

"Badtrip naman!" inis na bulong sa sarili ni Brent habang naghihintay na makalabas siya ng parking lot ng isang mall sakay ng minamaneho nyang sasakyan

Makalipas ang sampung minuto ng paghihintay ay umusad na rin ang sasakyan sa kanyang harapan, dali-dali nyang ini-start ang kanyang sasakyan at nagulat siya nang may muntik na syang masagasaan.

"Shit!" gulat na may halong inis na sigaw ng isang babae, "Bulag ka ba?!" sigaw nito at bigla niyang sinipa ng dalawang beses ang headlight ng sasakyan ni Brent

Sa inis at pagka-gulat ni Brent ay lumabas siya ng kanyang sasakyan "Ano ba?!" galit na tanong nito sa babae "Bakit mo sinipa yung sasakyan ko?! Alam mo bang bagong bili ko lang 'to?!"

Hindi sya pinansin nito, instead, she just walked passed him.

"Hoy!" sigaw muli ni Brent ngunit hindi pa rin sya pinansin nito "Hoy, tomboy!" sigaw nyang muli habang sinusundan nito ang babaeng sumipa ng kotse nya

He went to a sudden stop when he saw her turn around and walked to him with an angry expression "Ano kamo?" matapang na tanong nito

"Hoy." he repeated "Tinatawag kita kasi may nasira ka sa kotse ko tapos ayaw mo man lang akong pansinin! Hindi mo baa lam na bagong bili ko lang yun? Ha?"

"Oh, eh ano naman ngayon?" she asked as if she didn't do anything

"Bayaran mo yung damage ng kotse ko." He demanded

"Bakit ko naman babayaran? Hindi naman akin yun?"

"Babayaran mo kasi ikaw yung nakasira."

"Bakit din a lang ikaw, eh mukha naming marami kang pera? Saka may pambili ka ng sasakyan pero konting sira lang, hindi mo maipagawa?"

"Babayaran mo yun. Ikaw nakasira nung headlight ng sasakyan ko."

"Ayoko nga. Wala akong pera, mahirap lang kami. Bulol ka."

He was stunned by the way she talks, ang tibay ng babae na 'to, he thought to himself

"Oy, Brent! Bakit ang tagal mo, kanina pa ko dun sa kalsada." tanong ni Greg, he was Brent's cousin "Anong nangyayari dito? May problema ba?"

"Sinira ng babae na 'to yung headlight ng sasakyan ko. Sabi ko bayaran nya pero ayaw daw nya."

"Ah, miss? Totoo ba yung sinasabi nitong pinsan ko?" tanong ni Greg

"Eh muntik na kasi nya akong masagasaan eh." She answered "Bu-bulag bulag kasi yung bulol na 'yan."

"Ah eh kailangan mo nga syang bayaran sa nasirang headlight ng kotse nya." Greg said "Kasi kung hindi, pwede ka nyang kasuhan dahil sa damage na nagawa mo sa kotse nya." Then he walked to look for the car's damage "Tsk, nabasag pala. Kailangan ngang ipagawa ito."

"Sorry, wala akong pera eh." She shrugged

"Adik ka ba?!" inis na tanong ni Brent "Sisirain mo yung sasakyan ko tapos ayaw mo akong bayaran?"

"Eh sa wala nga akong pera eh? Anong gagawin ko?"

"Gusto mong makasuhan?" he challenged

"Hindi. Bakit?"

"Eh di bayaran mo ko!"

"Magkano ba?" she asked, annoyed

"10,000."

"Bulol. 10,000 eh ilaw lang naman yun!"

"May dagdag yun dahil sinayang mo rin yung oras ko! Dahil sa'yo hindi na ko nakarating sa trabaho ko!"

"Wala nga kasi akong pambayad."

"Meron. Magta-trabaho ka sakin." He said "Tutal naman matapang ka, diba? Ikaw na lang muna ngayon yung bodyguard ko." He grinned

Greg chuckled "Bodyguard? Ang baduy mo naman, Brent!"

Brent chuckled "Ayo slang yun, mabayaran lang ako nung matapang na 'to." Then he turned to the girl, grinning "Ano?"

"Osige. Kelan ba ako magsisimula?" she asked

His grin widened "Ngayon na. 500 kada isang araw, dahil susunod-sunod ka lang naman sakin at libre naman yung pagkain."

"Sige." She said plainly, tignan natin kung makatagal ka, she thought sarcastically

Let the game begin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is a Total Gangbanger!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon