Chapter 20

2K 71 1
                                    

Dressing Room iWant ASAP

Masayang chikahan with Ate Vaughn at Darla.

Darla: Ganda-ganda ng prod mo kanina Kisses ah, bet na bet ko!

Kisses: Thank you ate Darla, grabe din yung rehearsal ko dun halos malasog katawan ko!

Darla: So totoo pala ha yung sabi ni Donny kanina na sumakit katawan mo noong rehearsal? Ansaveeh! Updated si Donato!

Ngumiti lang si Kisses.

Vaughn: ayyy...Darls nagtetext yan sila noh! Pero infairness talaga baby girl ganda nung prod mo. Ganyan din nextweek huh!

Napaatras si Kisses. At the back of her mind, "kakayanin ko kaya?"

Kisses: eh ate vaughn seryoso! Mukhang di pa nga ako makakarecover nito sa prod kanina. Hahaha!

Darla: Kaya yan gurl! Gumagaling ka na nga eh!

Vaughn: Kaya yan! Inspired eh!

Knock! Knock!

Napalingon sila.

Kita nilang nakausli ang ulo ni Donny sa pinto.

Vaughn: ito na...speaking of the angel...tara na mars baka isa tayong malaking disturbo dito.

Hinila nya si Darla patungo sa pinto.

Donny: Where you going Ate Vaughn...Ate Darla?

Vaughn: obviously mag-eevaporate para di kami makadisturbo!

Ngumiti ito ng makahulugan kay Donny at nagroll eyes pa.

Donny: Tss...grabe naman! dumaan lang ako dito just to give this to Kisses.

Darla: ayyy! Grabe na this Donny ah! May pa bouquet, may pa buffet tapos may pa gift! Iba talaga inlove Mars!

Nag-apir sa kilig ang dalawang bakla.

Donny: Di... This is from Ella I forgot to give the last time to Kisses.

He handed to Kisses the small paper bag his holding.

Kisses: **nahihiya pang tanggapin ang gift** Thanks Donny! Please tell Ate Ella. Nag-abala pa talaga sya.

Donny: ok...uuwi ka na ba? Hatid na kita, di ko nakita si Tito at Tita?

Darla and Vaughn: Ayyyy!!! Sheet! Kainis sa sweet!

Vaughn: ang lambing ah! Ikaw na talaga Donny!

Darla: Tara na mars! Bwesit! Naiinggit ako sa kasweetan.

Vaughn: uu nga mars pinapaalala lang ng dalawang to na ang lulungkot ng lovelife natin!

Kisses: eeeh! Ate Vaughn! **sabay hug**

Silang apat na lang sa loob ng dressing dahil umuwi na ang glam team ni Kisses, ang parents nya ay di na rin masyadong sumasama sa kanyang mga showbiz ganaps 'coz she's trying to be independent in terms sa mga ganap nya.  But she got a personal assistant na pinauna na nya sa sasakyan.

Kisses: No need na Donny, i brought my car.

Darla: awwww....sayang! Tsk!

Vaughn: Car date na sana!

Natatawa na lang sila sa pangungilit nina Vaughn at Darla.

Vaughn: Picture muna tayo for documentation.

Pumwesto silang apat and had a groufie.

Pagkatapos ni Vaughn, si Darla naman ang nag-initiate ng another groufie.

Before I Fall In Love (💖COMPLETED💖)Where stories live. Discover now