"Oo naman po."

"Eh 'yon naman pala e. Mag-aaral ka at doon ka titira sa Tito Gregory mo. Kung ayaw mo kaming sundin ng Papa mo, puwes kunin mo na lahat ng gamit mo at lumayas ka sa papamahay na 'to!"

Napapadyak na lang ako sa inis. Kapag si Mama na ang nagdesisyon, tapos na agad ang usapan. Nakita kong napatawa si Papa sabay hawak sa balikat ni Mama. Sinamaan ko siya ng tingin pero sandali lang iyon dahil mas malala ang pinupukol ni Mama sa akin.

Nagwalk-out na lang ako at pumunta sa kwarto. Doon ako nagdamdam at kinausap sa chat ang dalawang bruha. Nalulungkot man sila dahil hindi nila ako makakasama, natutuwa pa rin sila dahil pinapakita lang ng parents ko kung gaano sila kaprotective sa akin.

Asus! Nasasabi lang nila 'yan dahil mabait sa kanila ang mga magulang ko. Kapag nandito sila sa bahay ay mas tinuturing pa silang anak kaysa sa akin.
  
  
"MA, BA'T wala pa si Kuya? Sabi niya ihahatid niya ako sa bahay ni Tito Gregory ngayon." Tanong ko kay Mama na nasa kusina at naglilinis.

"Hindi ba nasabi sayo ng Kuya mo na hindi ka niya mahahatid? May meeting siya sa kanyang kliyente." Sagot nito. Nangunot ang noo ko.

"'Di ba Linggo ngayon? Atsaka nangako siya sa akin na ihahatid niya ako. Sinong magbubuhat nitong gamit ko?"

Ngayong araw kasi ako lilipat kahit sa susunod pang linggo ang simula ng klase. May aasikasuhin pa kasi ako sa school. Nakakapagod din kasing bumiyahe araw-araw. Isa't-kalahating oras din ang nailalaan ko kada biyahe. Double ride pa. Nakakangawit ng puwet kaya mas mainam nang makalipat na ako ngayon pa lang.

Wala rin kasi ang magaling kong Tatay dahil pinaayos nito ang bulok naming pick-up truck sa talyer. Kung bakit 'di pa kasi sila bumili ng bago. Oo nga pala, dapat bibili sila noong nakaraang taon pero dahil nagkasakit ako, naudlot iyon.

"Sabi ng Papa mo, dadaanan ka raw ng Tito Gregory mo. Saktong pumunta siya ng Koronadal City kanina kaya nakiusap ang Papa mo na daanan ka na lang pagpauwi na siya ng Gensan. Maghanda ka na riyan, at baka mamaya-maya lang ay darating na 'yon."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Dadaanan ako ni Tito Gregory dito? Wow, grabeng abuso na ito ah. Ako na nga ang makikitira, ako pa ang susunduin?

Napaka talaga nitong sina Mama at Papa. Tinteyk advantage ang pagiging mabait ng kaibigan nila. Oo at malaking tulong ang pagtira ko rito sa kanila pero hindi ba sila nahihiya? Ni hindi nga namin ito kamag-anak. Sabagay, mas mahirap pa rin makitira sa kamag-anak.

Magsasalita na sana ako nang makarinig ako ng busina sa labas. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Huling kita ko kay Tito Greg ay noong naka-confine ako sa isa sa mga hospital sa Gensan kung saan dinalaw niya ako. That was ten months ago.

"Baka si Gregory na 'yan." Lumabas mula sa kusina si Mama. Ako naman ay binuhat na ang mga gamit ko palabas. At napanganga ako nang makita ang lalaking kausap ni Mama. May anghel bang bumaba sa langit na nagbigay ng liwanag sa madilim kung buhay? Charot!

Don't tell me si Tito Gregory ang gwapong nilalang na 'to? He's different from his caveman look before. Pang-army ang gupit niya at naka-shave na ang mukha. Inaamin kong napopogian ako sa kanya noon kahit mahaba ang buhok niya at may bigote't balbas pero ibang-iba ang dating niya ngayong malinis ang kanyang mukha. Napakagwapo niya. Mas bumata siya sa kanyang edad.

"Keon!" Tawag niya sa akin sabay ngiti. Ang gwapo! Nang-init ang pisngi ko at kung may anong naramdaman ako sa dibdib ko.

"H–Hello po." Bati ko at nahihiyang lumapit dito.

Magmamano sana ako pero napatawa siya at sinabing hindi pa siya matanda. Ginulo niya lang ang buhok ko at kinurot ng bahagya ang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa dibdib niya. Ang taas din kasi niya. Siguro lagpas sa anim na talampakan habang ako ay limang talampakan at limang pulgada lang.

BABY, LOVE ME RIGHTOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz