Chapter Fourteen | Trials

7.6K 152 1
                                    

Hi Sweetheart!” salubong na bati sa kanya ni Chris na yumakap sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, nakangiting gumanti din siya ng yakap dito. “I miss you.”

“I miss you too Chris, lahat kayo.” nakangiting sabi niya rito, na hindi pa din siya pinapakawalan nito.

“Don’t you miss me Chris?” seryosong sabi ni Mike. Kasabay niya nga pala itong pumasok, sa bahay niya ito nag stay kahapon simula noong dumating sila ng Sabado ng gabi.

“Hindi pare.” nang – aasar na sabi nito kay Mike hindi pa rin bumibitaw sa kanya. Pasimple siyang kumawala dito at kinuha kay Mike ang mga pasalubong nila.

“Guys, go and pick your pasalubong. It has name on it.” sabi niya sa mga kasamahan. “Jeff, ikaw na ang magbigay kay Irene nang sa kanya.” sabi niya kay Jeff. “And you, daan ka na lang sa bahay mamaya hindi ko na dinala iyong sa’yo.” baling niya kay Chris.

“Sure, sweetheart.” nakangiti pa ring sabi nito.

“Chris, I need briefing for what happen last month – as in now.” seryosong sabi ni Mike dito at tumalikod na. Nagkibit siya ng balikat at umupo na sa pwesto niya.

What’s wrong with him? Kanina lang ay masaya sila bago pumasok. He can’t be jealous with Chris. Napailing siya sa naisip. Yes, he can’t.

“Sofie, thanks sa pasalubong.” sabi sa kanya ni Jeff. “Pero what’s wrong with the Boss, bakit parang mainit ang ulo?” tanong nito.

“Don’t know.” nagkibit siya ng balikat, hindi naman ito nagtanong pa. Samantalang siya ay tumayo naman para pumunta sa office ng GM. Ibibigay niya ang pasalubong din dito. She bought an expensive pen and a watch for him plus chocolates for his secretary.

Pabalik na siya sa upuan niya nang masulyapan si Trixie sa table ni Mike, malanding nakikipag – usap dito. She can’t help but stare and the bitch noticed her.

“Hello dear Sofia!” plastik na bati nito sa kanya. “May kailangan ka ba kay Mike?” tanong nito na hinawakan ang kamay ni Mike.

She controlled herself not to show her any idea that she’s about to kick her out of the office. At si Mike naman, it looks like he didn’t mind her holding his hands. Lalong nag – init ang ulo niya ng nilalaro ng daliri ni Sofia ang braso nito, tracing his arms in a very seductive way. Humugot siya ng malalim na hininga bago ngumiti at nagsalita. “Oh! Not that important, the GM just wants to thank him for the pasalubong. Go ahead; continue with what you were doing.” ngumiti siya ng pagkatamis kay Mike bago tumalikod at bumalik sa table niya.

“Sweetheart, can you discuss me your report?” untag sa kanya ni Chris. Lumingon siya rito and give her a wink and mouthed “Don’t mind her, you are much beautiful than her.” She smiled at him.

Chris had been a good friend and a brother to her. For the past months, kapag may mga naririnig silang mga pasaring sa kanya na hindi maganda, ito ang unang – unang nagtatanggol sa kanya. It helps her a lot, not that she mind those people but it’s good to know that she had him.

“Sure.” nakangiting sabi niya rito, lumapit ito sa kanya. Sinimulan na niyang idiscuss dito ang evaluation na ginawa niya plus the analysis she made.

“You are really amazing sweetheart; beauty and brain. Qualities that I love about you and not to mention other qualities that people here don’t know about.” papuri nito sa kanya. Natawa siya sa mga sinabi nito. She knows that he’s only saying that to uplift her mood.

Chris does know about her relationship with Mike, she told him. He was actually against it. Ayon dito, kaibigan niya si Mike kaya kilala niya ito pagdating sa mga babae. And also the reason he’s against it, ayaw umano siya nitong masaktan. But she told him that she love Mike, ngumiti ito sa kanya and said “I will be here sweetheart and if he hurts you – tell me. Kahit boss ko yan, makakatikim yan sa akin.”

“Guys, paki – ingatan ang buhok ko, baka maapakan ninyo; ang haba na eh!” she told her colleagues that brought them into laughter. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil, her way of thanking him saka siya bumalik na sa trabaho.

Samantala sa kabilang table, table ni Mike. “Ang sweet naman ni Chris, kaya pala nagbreak sila ni Audrey dahil kay Sofia.” Trixie innocently said to Mike. “She’s a good catch; mayaman, maganda at sexy. At siguro magaling din sa kama, ilan na kaya ang naging lovers niyan.” malisyosang sabi nito.

“Watch your mouth Trixie.” mariing banta rito ni Mike.

“Don’t get mad Mike. I am just telling the truth, she’s the typical high class slut.” nang – uuyam na sabi pa rin nito.

“You don’t know anything about her.” hinablot niya ang kamay nito sa galit. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya nanakit ng babae, pero sa mga oras na ito tila gusto niyang pilipitin ang bibig ng babaeng ito. “A slut, are you referring to yourself?” sabi ulit niya rito saka binitawan ang kamay nito.

“What’s wrong with you? I am just telling the truth, haven’t you thought it yourself? She had Jeff even before coming here, and then here’s Chris. And according to my friends that saw them, madalas daw iyan magkasamang dalawa – shopping or just simply strolling around. And who knows, what happen next.”

“Get out of my sight, Trixie, before you regret the day you met me.” mahinang banta niya rito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naging karelasyon niya ang babaeng ito. Bagama’t sa napakaikling panahon lamang ay hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya nakita ang ganitong ugali nito. Tumayo naman na ito habang hawak pa din ang kamay na mahigpit niyang hinawakan kanina sa sobrang pagkainis dito.

My Boss, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon