Chapter Eight | Truth or Dare

8.5K 194 4
                                    

Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya sa kusina para gawin ang seafood pasta niya. "Okay na po ba ang beef caldereta?" tanong niya sa dalawa.

"Oo Ganda, kanina pa. Iyong shanghai na lang ang lulutuin, pinahuli talaga namin ni Ate Juliet kasi baka makunat na mamaya." sagot naman ni Ate Susan, ganda na ang tawag nito sa kanya noon pa man. Nag - iisa lang daw kasi siyang babae sa pamilya kaya ganoon ang tawag nito bukod pa sa maganda daw talaga siya.

"Sige po, Ate. Pagkatapos kong magluto ng sauce ay isunod na natin ang shanghai. For the meantime, can you do the pasta?" sabi niya rito, past four na kasi, kung siya pa ang maggawa ng pasta baka andito na ang mga iyon ay hindi niya pa natatapos.

Itinuloy nila ang mga ginagawang pagluluto; seasoned crab, beef caldereta, shanghai rolls, pork barbeque at baked tahong ang main dish na ni - request ng mga kasamahan niya. Nagsama na din siya ng seafood pasta kasi karamihan nga ng request ay seafood. And vegetable salad for the dessert, she also have different flavors of ice cream just in case.

Natapos silang magprepare saktong alas - singko, nakaset - up na din ito sa dining table. Umakyat siya muna para maghilamos at magbihis kasi amoy ulam na siya. Pagkatapos maghilamos ay nagpalit na siya ng damit; maong blue short na lang ulit ang isinuot niya at isang Nike red blouse.

Pagbaba niya ay narinig niya na nagtatahulan ang mga aso niya kaya lumabas na siya. Kotse ni Mike ang huminto sa may tapat ng gate niya, blue range rover sports. "Java, Mocha, Busty - go back to your room - now." tawag niya sa tatlo ng makitang bumaba na ng sasakyan nito at nakalapit na ng gate. "I said go back to your room." ulit niya sa sinabi sa mga alaga. Nag - aalangan man ay sumunod ito sa kanya at pumasok sa silid ng mga ito. Sumunod siya para i - off ang sensor para di makalabas ang mga ito.

Pagbalik niya ay nakapasok na si Mike. "They really have their own room?"

"Yes, sila lang kasi ang kasama ko dito and I really pampered them. Where are the others?" tanong niya rito.

"Dumaan sa paseo, they want to buy you something daw so nauna na ako dito."

"Nag - abala pa sila, what about you? Don't you have something to give me?" tudyo niya rito.

"I was thinking of something, kaso hindi pa ako nakakabili." nakangiting sagot naman nito.

"Sus, binibiro lang kita. Tara, pasok na sa loob." aya niya rito.

"You live here alone, in this huge house?"tanong nito sa kanya pag - upo nito sa sala.

"Yep, with my dogs." sagot niya rito habang umuupo sa sofa.

Mayamaya ay dinalhan sila ng cookies at juice ni Ate Susan. "Try some, si Mommy ang gumawa niyan. She owns a baked house and she brought some." Nagkwentuhan muna sila habang nag - aantay sa mga kasama. Magaan ang pakiramdam niyang makipag kwentuhan dito, ngumingiti na ito at hindi nakasimangot.

Makalipas naman ang ilang minuto ay dumating na ang iba kasama si Irene. "Ang laki naman ng bahay mo Sofia, halos kasing laki na ito ng bahay ni Mike." sabi ni Mico pagkapasok nito sa loob. Si Chris ay hindi na nanibago kasi pumupunta na rin iyon sa bahay niya. Every week he's here kasi nagsisimba sila at magkalapit lang ang bahay nila. Sa Eton city naman ito nakatira.

"Hindi naman! Hindi pa nga bayad ito, nagbabayad pa ako kina Daddy hanggang ngayon." sagot niya dito. "So, do you want to eat na or later na lang? The food is ready anyway."

"Kain na tayo, hindi kami nagmerienda kanina kasi nga kainan ang pupuntahan." sabi naman ni Vincent.

"If that's the case then let's eat." sabi niya at inaya na ito sa dining table. Good for twelve people ang dining table niya kaya kasya silang lahat doon. "By the way, guys this is Ate Juliet and Ate Susan - they are the one who helped me set this up." pakilala niya sa mga kasama. Sabay - sabay naman ang mga itong nagsipag bati sa dalawa.

My Boss, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon