The Raffle (One Shot)

82 1 2
                                    

Pang-ilan naba? Siguro pang-50 na sali ko na 'to sa mga iba't-ibang raffle promo pero ni once or twice or trice hindi man lang ako nanalo. Ganito na ba ako kamalas sa mga ganon? Kaya ko na rin siguro nahiligan na sumali sa mga papromo na yan, nakakachallenge dahil never pa akong nakauwi ng papremyo. 

..

Padaan ako sa may Supermarket ng isang kilalang Mall. Syempre hindi ako magkanda-ugaga dahil may raffle na naman. Grabe yung price mazda 3 ohhhhhhhhhhhhh! Isa lang ang pedeng manalo. Dapat marami akong bilhing ticket para sure win kaso baka naman malugi naman ako nito pero mas sobrang sulit kapag napalalunan ko nayung price. Wahahaha! Magkano kaya ang isang ticket.

"Miss magkano ang isang raffle ticket?", tanong ko sa babaeng nagbabantay sa Raffle station 

"150 lang po!",ngiting-ngiti niyang sagot. 

Ano? Ginto ba yung Mazda 3.Psshhh. Syempre naman, nagtanong pa ako. Sige na nga parang nararamdaman ko nang mananalo na ako.Galing akong simbahan at nagdasal na sana manalo na ako ngayon.  

Dalawang ticket ang binili ko. Hindi naman talaga kasi ako mananalo kapag isa lang ang binili ko.  

After 5 minutes nagsimula na rin yung raffle draw. Uwaaa! I can't feel my legs. Eto na ba mananalo na ba ako.  

"Teneneneneenen! And the winner is Lucky ..." 

Oh my hindi na ako makahinga, may mazda 3 na ako. Ahhhhhhhhhhhh! I can't wait. 

"Lucky Villanueva!" 

Huh? Ouch naman akala ko ako na. Akala ko Lucky Torion na. Good bye MAZDA KO.

As you can see, opposite ng name ko ang fate ko pero sabi nga ng nanay ko, I'm lucky in a different way. 

Hinintay ko munang mag-alisan yung mga tao. Pinanood kasi nila kung paano maglupagi yung babaeng nanalo nung heaven na prize. Iyak-tawa yung peg niya kanina pero napapsmile ako kapag nakakakita ng ganon. Lagi kong naiisip na when will that day come into my life na maglulupagi din ako at maghihisterical sa saya.

Noong tatayo na ako, totoo I can't feel my legs.Na-manage kong tumayo pero sobrang ika akong maglakad at isa lang yung naigagalaw ko. Buti nalang may lalaking nakapansin sakin at tinulungan akong maglakad. 

"San ka ba pupunta?'', malumanay na tanong niya 

"Sa labas lang nandun yung kotse ko eh. Pero okay lang I can manage. Salamat.", at aalis na sana ako sa pag-akay niya sa'kin pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya naglakad na din ako.

May nadaanan akong Raffle draw. Gusto kong sumali kaso naistorbo ko na nga itong si Kuya at pilay pa ako. Nang makarating ako sa kotse ko, syempre nagpasalamat ako ng bonggang-bongga. 

"Ingat ka!", with a smile. Paalam niya matapos niya akong iupo sa kotse ko.

Hmm. Isa lang ang masasabi ko, GWAPO, MATANGKAD, GENTLEMAN, MAY KILLER SMILE. Isa lang talaga ang masasabi ko. Ang swerte ko naman. Oh di'ba, that's what my name is for. 

Noong napansin kong wala na siya umalis na uli ako papunta doon sa ma raffle draw. Okay na naman yung paako. Pagbalik ko dun sa Raffle station, malapit ng matapos yung time sa pagbili ng tickets. Buti nalang nakabili ako kaso isa na lang. Okay lang at least meron.  

Noong mag babayad na ako ayaw tanggapin noong babae yung pera.

"Mam this promo is Free."

FREE DAW? Aba! May free raffle pa pala ngayon. Tiningnan ko yung mga pwedeng prize. Ipod, Ipad 3, mazda 3 uli! At ang jackpot price ay isang papel. Huh? Ano yun? 

Nagsimula na yung raffle draw. Ang sasaya ng mga mukha ng mga nanalo. One day, I'll smile like that too. Akalain mo ba naman free na nga yung raffle ticket mananalo ka pa ng pagkamahal-mahal na mga prices. Oh diba! 

"And the winner for our Jackpot price is ... Ms. Lucky Torion.'',  

(0-0) 

Ano daw?Nabibingi ako. 

Nanalo ako.Totoo ba to? Uwaa for the very first time sa wakas nanalo na ako. Ahhh! Agad akong inasikaso noong babae. May tatlong fish bowl sa harap ko. Sabi niya lahat daw ng fish bowl na to ay may lamang prize, pumili na lang daw ako. Ang pinili ko ay yung 2nd na fish bowl dahil meron kasi akong ibang nafefeel sa fish bowl nayun. 

Noong tiningnan koyung prize pangalan yung nandun.Tapos bigla silang nagsipasok sa pinto at paglabas nila may kasamang ng lalake, pero wait I know him. Siya yung tumulong sa'kin. 

"Miss Lucky siya pa yung prize niyo! Inyong-inyong na po siya'', pakasabi nila nito tinulak nila si Kuya LTO. Yung yung nakasulat sa papel Leo Trivan Onia. Ng magkaharap na kami. Napasmile naman ako ng wagas. Halatang magkahalong kilig, saya at tawa ang nararamdaman ko. Tinanong ko yung babae, 

" Ate serious?", with a smile 

"YES Miss Lucky!'' 

Tiningnan ko si Mr. Trivan. Nakatingin rin lang siya sakin. He's mine right.

Hinigit yung necktie niya at hinila palabas noong Raffle station. Bago ako tuluyang umalis doon sa store na yun. Nagthumbs-up ako dun sa mgababae at nag Thank you! Wohooo Best prize ever. Hindi ko siya tinitingnan pero hawak ko pa rin ang neck tie niya. Sa isip ko.

Akin kana Kuya di kana makakabalik sa nanay mo. Ahahahh!  

Joke lang! Masaya lang! Nakalimutan ko pa lang sabihin na si Leo Trivan Onia ay super Crush ko noong college! 

THE END 

The Raffle (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon