ANG PLANONG PANGLALANSI

Start from the beginning
                                    

PIRENA:Oo naman kapatid ko, sigurado akong yari sila sa parating na labanan.

SA KAHARIAN NG NIYEBE.

AGATHA'S PROVERBS

Nandirito kami sa hapag ng aking kaharian kasama ang aking mga Mashna umiinom ng alak pagkat kami ay nagdiriwang sa kamatayan ng mga anak ng mga Sang'gre natitiyak ko na napupuno na ngayon ng luha at hinagpis ang kanilang nasasakupan pagkat patay na ang pinakakamahal nilang mga diwani at Rehav sa ngayon hindi muna namin sila gagalawin para may oras silang iyakan ang kanilang mga anak..

AGATHA:Sadyang napakasaya ng araw na ito.

BERTO:Oo nga Mahal na Reyna dahil wala na sa ating landas ang kanilang mga tagapagmana at lalo akong sumaya dahil wala na iyong buwesit na Lira o Mila na iyon.

AGATHA:Ang isusunod naman natin ngayon ay ang magkakapatid at kanilang mga asawa ng saganon ay tayo naman ang maghahari sa buong encantadia.

ANDORA:Hindi na ako makapag-antay sa kanilang kamatayan at ang uunahin ko sa kanila ay ang Hara ng Hathoria pagkat siya ang kinaiinisan ko sa kanilang lahat!

CRISELDA:Ako naman kay Amihan!

GURNA:Ako na ang tatapos sa tapang-tapangan na Danaya na iyon!

AGATHA:Kung ganon ay ako na ang papaslang sa Hara ng mga Lireo!

KINABUKASAN

SA KAHARIAN NG SAPIRO.

PIRENA'S PROVERBS

Sa kaharian ng Sapiro kung saan nagaganap ang aming kunwaring pagluluksa tamang-tamang dumating na ang mga retre upang sunduin ang mga huwad na Diwani at Rehav siya ring hudyat na gagawin na namin ang aming plano ni Danaya kaya nag-ivictus na kami sa silid pulungan upang makapaghanda.

PIRENA:Nunong Imaw bago kami umalis ni Danaya ay maari ba kaming humingi ng iyong basbas?

NUNONG IMAW:Oo Hara!(Sabay taas ng kanyang tungkod)Aking tungkod ng balintataw akoy nag susumamo sa iyo na bigyan mo ng basbas ay magkakapatid na Pirena at Danaya ng saganon ay magtatagumpay sila sa kanilang plano!

Tapos ay lumiwanag ang tungkod ni Nunong Imaw na siyang hudyat na tinugon ang kanyang hiling.

DANAYA:Avisala eshma Nuno!

PIRENA:Avisala eshma Nuno!

Pagkatapos ay nag-ivictus na kami ni Danaya patungo sa kaharian ni Agatha.

SA KAHARIAN NG NIYEBE.

Bago kami pumasok sa palasyo ay nagbalat kayo muna ako bilang Ether habang ang aking kapatid ay nag-anyong ahas saka kami nagtungo sa kamara ng mga sandata.

KAWAL1:Ano't naparito kayo Bathaluman?

PIRENA:Bakit hindi ba maari gusto ko lang matiyak na walang nakikialam ng ating mga sandata.

KAWAL2:Nandirito naman kami upang magbantay.

PIRENA:Alam kong narito kayo upang magbantay,ngunit masama bang magmalasakit?

KAWAL3:Hindi na man Bathaluman.

PIRENA:At ano't nandirito pa kayo?hindi niyo ba batid na pinatawag kayo ng inyong Mashna upang magsanay?Kaya iwan niyo na ako dito ako muna ang magbantay ng ating mga sandata.

KAWAL1:Avisala eshma Bathaluman!

PIRENA:Makakaalis na kayo.

Nagsialisan ang mga ito ng kami na ni Danaya ang natitira ang bumalik na kami sa aming dating wangis.

DANAYA:Ang galing mo Apwe napaniwala mo talaga sila!😊

PIRENA:Oo naman pagkat napakadaling paniwalain ang mga deyandeng kagaya nila!

DANAYA:Oo nga naman.

Nang walang pagdadalawang isip ay ginawa na namin ang plano una kong nilabas ang aking brilyante.

PIRENA:Inuutusan kita aking brilyante na gawin mong kasing-init ng baga ang kanilang mga sandata nang saganon ay hindi nila ito magagamit kung kasali man tanggalin nila ang sumpang iginawad ko sa kanilang mga armas ay mas pagtibayin mo ang aking enkantasyon upang wala kahit ano o kahit sino na makakatanggal nito!

Sunod namang inilabas ni Danaya ang kanyang brilyante ng lupa.

DANAYA:Sinasamo ko ang aking brilyante na gawing marupok ang kanilang kasalakuyang ginagamit na mga sandata at ang kanilang sandata na gawa sa yelo ng saganon ay madali itong masisira at hindi magagamit sa darating na labanan at sinusumpa ko ang bawat halimaw na alagad ni Agatha na magiging putik nang saganon ay hindi na sila makalaban sa kahit anong digmaan.

Pagkatapos ay tiningnan namin ang isa't-isa at nagbitiw ng ngiti ilang sandali lang ay nag-ivictus na kami pabalik ng Sapiro.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now