Sabi nila, ang buhay parang gulong, paikot-ikot lang. Pero paano kung sa paikot-ikot na mundo, ay literal na paikutin ka ng isang taong pinagkatiwalaan mo ng lubos?
Sabi din nila, na kapag mahal mo raw ang isang tao kailangan ipaglaban mo. Pero paano naman kung mahal mo nga, pero hindi mo naman siya pwedeng ipaglaban dahil hindi naman siya sa'yo?
Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, hindi pala tayo dapat sumasabay sa ikot nito lalo na kung sa huli tayo lang din naman ang magdurusa.
****
Inalis ko ang salamin sa aking mata at kinusot-kusot ito ng bahagya. Tumingin ako sa orasan malapit sa aking higaan, alas nwebe na pala ng gabi at heto ako gising na gising pa.
Sinara ko ang aking laptop at itinabi ito sa aking study table. Humiga ako at napatitig na lang sa kisame.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura, senyales na gutom na talaga ako.
Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto, dumiretso ako sa kusina at naghanap ng pagkain.
Napabuntong hininga na lang ako, sa ilang taon kong mag-isang nabubuhay dito sa isang bahay, nasasanay na lang ako sa mga paulit-ulit na nangyayari sa buhay ko.
Walang laman ang ref at ang kalat ng lamesa. Kumuha na lang ako tubig na pwedeng inumin sa ref. Wala na naman akong stock ng mga pagkain.
Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko mula sa kwarto, dali-dali akong bumalik doon at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hello, anak? Kumusta kana?"
Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya. Hindi ko gusto na tumawag siya sakin dahil alam ko naman ang sasabihin niya.
"Ayos lang ako, ma." Walang gana kong sagot.
"Ah, Steph, napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sa'yo?" Mahina ang boses niya pero sakto lang para marinig ko iyon.
"Ma, masyado ng gabi, inaantok na kasi ako. Sa susunod na lang tayo mag-usap."
"Anak, araw-araw na lang akong tumatawag at araw-araw ka na lang din gumagawa ng paraan para takasan ako sa tinatanong ko sa'yo. Ano ba talagang balak mo sa buhay mo? Nabubulok ka na dyan sa bahay mo. Ayusin mo naman ang buhay mo, Stephanie!"
"Pasensya na, pagod ako ngayong araw na 'to."
Iyon na lang ang sinabi ko bago ko ibaba ang tawag niya.
Inihagis ko ag cellphone ko sa kama ko at napatakip na lang ako sa mukha ko sa sobrang inis.
Flashback
Nasa mini store ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko, nakita kong si Mama ang tumatawag kaya sinagot ko iyon.
"Hello, ma.."
"Anak, may special offer dito sa Canada, and it suits your course."
"Ma, diba ayoko sa malayo? Mas okay na ako dito. Kaya ko naman ang buhay ko dito."
"Please, pag-isipan mo. This is for you, anak."
Ilang buwan na ang nakalipas mula nung sinabi niya sakin iyon, at hanggang ngayon kinukulit pa din niya ako sa offer na iyon.
Masaya na ako na andito ako sa Pilipinas at ginagawa ko ang gusto ko bilang tagasulat ng mga kwento, kahit hindi dire-diretso ang trabaho ayos lang iyon. Mas ayos ako na ginagawa ako ang passion ko.
Nagpunta ako sa mini store at bumili ng pwede kong kainin. Kumuha ako ng mga ready to eat na pagkain para hindi na ako mahirapan dahil hindi ko din naman gusto ang pagluluto. Sa madaling salita, wala talaga akong silbi sa mga gawain bahay.
Sa paghahanap ko ng mga pwede ko pang kuhanin, hindi ko namalayan na sa pagliko ko ay may mababangga pala ako.
"Sorry, pasensya na..."
Agad kong inayos ang sarili ko dahil muntik na akong bumuwal sa pagkakatayo ko. Ang lakas ng impact, siguro malaking tao iyon.
Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpatuloy ako sa paghahanap ng pagkain.
Akmang kukuhanin ko ang isang juice drink nang may narinig akong nagsalita mula sa likod ko.
"Ang suplada mo na pala ngayon, miss. Hindi ka naman ganyan dati, ah?"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Ah, hindi ako pwedeng magkamali, alam kong siya iyon.
Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ko malaman kung anong dapat kong reaksyon sa sitwasyon na ayoko talagang mangyari tulad nito.
Hindi ko na lang pinansin iyon at nagpanggap akong walang narinig. Nagmadali ako papunta sa kahera upang magbayad na at nang maka-alis na dito.
"Teka lang naman. Mag-usap naman tayo."
This time, hinawakan niya ang braso ko and this time din nagkatinginan na kami.
Bigla akong nanlambot nang makita ko ang mukha na talaga namang ang tagal ko ng hindi nasilayan.
"U-uy, ikaw pala yan! K-kumusta?"
Kunwari ay hindi ko siya narinig kanina.
Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakahawak saakin.
"Oo, ako nga 'to. Hindi mo ba ako narinig kanina? Kinausap kita doon."
Bahagya siyang tumingin sa pwesto ko kaninang nagsalita siya.
"Hehe saan? Hindi ko narinig. Baka nagkakamali ka lang."
"Tama na, Steph. Halika, mag-usap na lang tayo."
Nagbayad na ako at kinuha ko ang mga pinamili ko sa kahera. Bumaling ako ng tingin sakanya at nginitian siya.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan eh at isa pa ano na kasing oras, gagabihin na akong lalo kaya siguro sa susunod na lang, ha?"
Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang salitang ayaw na ayaw kong marinig lalo na kung mula sakanya.
"I-I'm sorry, Stephanie. Sana mapatawad mo ako."
Napahinto ako at napayukom ang aking kamay. Damn you, Salvador!
Dire-diretso akong naglakad palabas at tuluyan ng umuwi.
Sorry my ass, I hate you to the moon and back, Salvador.
VOCÊ ESTÁ LENDO
MEET STEPHANIE LUSTRE
RomanceMeet Stephanie Lauren Lustre, a independent girl who loves to write love stories. Then one day, she met a guy who made her believe that love is unconditional. A guy who made her fall in love, but in the end broke her precious heart. Please read mor...
