84 - Day 1 #Bday

645 10 0
                                    

Day 1.

Claire's pov.

Inuumpisahan na nila Edmark Ang mga kakailanganin para sa mga designs. Pinaguusapan nila ngayon about sa mga backgrounds.

Sumisilip lang ako sa pinto ko. Nakakaasar naman eh. Bat ganon? Parang papakinggan Lang yung ideas nila.

Pero Hindi pwede it's so unfair! Napasimangot nalang ako. At bumaling ang aking paningin sa aking Kama Kung saan nakatulog ng mahimbing si dandred.

Napailing nalang ako at sinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa Kama at tumabi sakanya. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang pagmumukha.

Hindi ka talaga manghihinayang Kung bakit napaka swerte ng isang babae kung mapasayo itong lalaking to.

That's why I am so lucky. akalain mo yun I was a nerd. pero Hindi ko inaasahang sakin siya mapapaibig. I was wondering pano pag hindi ako Yun?

I guess magiging forever nerd nato! but because of him. Ang dami ko talagang pinagbago. Hindi na ako naka nerdy glasses. Buhaghag ang buhok. At mga makakapal na kilay na Hindi Alam Kung ano ba talaga ang shape. at syempre ang mga baduy na pananamit. Haynako.

Napangisi ako ng tuluyan. Naalala ko Yung mga moments na enemy pa kami ni dandred. Yung lagi kaming magkagalitan.

Sandaling yun ay agad akong tumayo at pumunta sa may study table. Binuksan ko ang drawer. At nakita ko ang nerdy glasses ko. at yung hair clips

I giggled. " It's been a while." Bulong ko sa sarili ko. Marahan kong kinuha ang nerdy glasses at hair clips Baka Kasi magising si dandred.

Humarap ako sa salamin. I smiled so widely. kinuha ko ang hair clip na kulay asul at inipit kanang parte ng aking buhok. Napangiti ako sa tuwa.

Sunod ko nalang kinuha ang nerdy glasses medyo may mga alikabok na to. Kaya nilinis ko muna bago suotin.

Nilinis ko ang glasses gamit ang microfiber cloth. Medyo nahirapan akong linisin dahil sa mga alikabok sa singit singit ng salamin.

Natapos ko ng linisin at Dali daling sinuot. Humarap ako sa salamin still the nerd girl. Napangiti ako sa salamin. Parang nag reverse ang lahat.

"Hey. Babypie. What are you doing?" Napalingon Naman ako sa likod at Dandred just woke up. With his deep husky voice.

He was shocked. " How do I look?" Ganado kung Sabi. Tumingin siya sakin muna sa ulo hanggang paa.

Aynako, kinusot kusot pa ang Mata niya bago uli tumingin sakin. Tumayo agad siya at hinawakan ako sa kamay. " Who are you?" I gave him a glare. Napakagat siya sa labi niya and it makes me giggles. Hinawakan ko Naman ang pisngi niya.

"Duh! Your babypie!" I chuckled. Tumawa siya at umayos siya para mag kapantay kami ng tangkad.

He looked at me straight to my eyes. At Hindi ko namalayang magkadikit na pala ang aking mga labi. Mabilisan siyang nagnakaw sakin ng halik.

Sunod niya akong hinalikan sa noo bago ngumiti sakin. " You're still the nerd that I love the most still the nerd I met." Pinagdikit niya Ang aming noo I feel like there are butterflies in my tummy.

"Psh--corny mo! Haha." Napadila Naman siya singkit ang kanyang Mata dahil kakagising Lang nito. Wala siyang ibang sinabi kundi siniksik niya ang kanyang mga kamay saking beywang at binagsak niya ang kanyang ulo saking balikat.

Napatingin kaming dalawa sa salamin. Hindi ko inaasahang hahalik siya aking pisngi. " Your so cute. My nerdy baby." I snorted.

" Nerdy Baby? Seriously. Dandred." Natatawang asik ko " why not? It's cute." Inirapan Naman niya ako ng nakakaloko. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin ngunit na out of balance siya kaya pareho kaming nahulog sa sahig.

BOOK 1: THE CASANOVA FELL INLOVE WITH THE NERD [COMPLETED]Where stories live. Discover now