twelve

8.8K 314 21
                                    

WALANG KUMIKILOS sa loob, iyon ang ilang beses ko ng nakikita kapag sinisilip ko ang hide out nila sa gamit kong binocular.

"update Jonas?"tanong ko sa kasama ko.

Nasa kabilang side naman siya para magmanman din.

"Nothing to report sir, still the same"sagot niya.

Naghihintay lang kami na dumating sa pinakahide nila ang mga puntirya kong mga opisyal ng NBI. Sila lang ang kailangan ko hindi ko kailangan ng ibang tao pa na kasali sa sindikatong ito. 

Pero alam ko sa sarili ko na malabong hindi ko mabangga ang mga taong tinutukoy ko.

Kabilang sa Mafia ang sindikatong kinabibilangan ng mga taong huhulihin ko. Hindi man derektang involve o kasali sa Mafia, pinoprotektahan naman ng mafia ito. At hindi basta-bastang Mafia ang kinakaharap namin, bigatin hindi lang sa bansa maging sa buong asia kilala sila. 

Noong una akala ko talaga iyong sinabing grupo ni Kyle lang ang babanggain namin. Haunter Valley Syndicate. Pero habang palalim ng palalim ang imbestigasyon namin mas nalalaman namin kung ano ang kinakaharap namin.

"Higante"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Nasa isang sanga pa naman ako ng puno, at hindi biro ang kinalalagyan ko ngayon.

"Karen?"takang tanong ko.

Paanong nasagap ko ang frequency niya, ang alam ko lang na dapat marinig ko ngayon sila Kyle, Aurello at Jonas lang.

"May iba pa bang tumatawag sayong Higante?"pagtataray na naman nito.

"Sir Dom, wala akong kinalaman dito"boses iyon ni Aurello.

"Manahimik ka nga, nerdy"saway naman ni Karen dito.

Pati si Karen nakikinerdy na din kay Aurello. Sa tono ng pananalita ni Karen at Aurello mukhang magkasama sila ngayon. Nasa surveillance van namin di kalayuan dito.

"Anong ginagawa mo dito, bubwit ko?"inis kong tanong sa kanya.

"Tutulong"wala lang niyang sagot.

Napakamot ako sa ulo sa sagot niya.

"Anak ng, di ka talaga nakikinig saking bubwit ka"reklamo ko naman.

"Alam ko na kung sinong huhulihin mo bukod kila Ben at Kapandan"malayong sagot niya sa reklamo ko.

Napabuntong hininga naman ako bilang sagot sa kanya, alam ko at ramdam ko ang disappointment sa boses niya.

"Paano?"

"Sir, there's a movement"boses ni Jonas.

Nawala ang atensyon ko kay Karen at napunta sa sinusubaybayan namin. Gamit ang binocular ko sinilip ko kung anong nangyayari sa loob ng wear house kung nasaan ang ilang myembro ng sindikato.

"Mga tauhan lang ang kumilikos, wala ang malaking isda"sagot ko naman.

Sabay-sabay na buntong hininga ang mga narinig ko.

"Umalis ka na dyan Dominador, kailangan nating pagplanuhang mabuti ang lahat"ani Karen.

"Agent Gomez, nasa plano itong ginagawa namin"singit ni Kyle.

"Mas may better akong plano"

Hindi na ako nagsalita basta nalang akong bumaba sa puno kung nasaan ako dala ang lahat ng gamit ko.

"Anong ginagawa mo Dom?"takang tanong naman ni Kyle sakin.

Hindi kasi malayo ang pwesto niya sakin kaya kita niya ako kung anong ginagawa ko.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Where stories live. Discover now