Chapter 6

6 0 0
                                    

Serrah's POV
Hayyyyysssssss!!!!!!! Tapos na rin sa wakas ang aming klase. Pwede nang umuwi. Pero.....parang ayoko pang umuwi eh. Bago lumabas ng room ang aming guro ay may binilin pa samin na assignment. "Students please do your assignment in your journal notebook because tommorow, I will going to collect that." Sabi niya. "Yessss po sirrrr...." Matamlay pang sabi ng iba pang kaklase. Sabay na lumabas ng classroom ang professor.

Niligpit ko kaagad ang aking mga gamit nang nilapitan ako ni Aya.
"Serrah, uuwi ka na ba?" Tanong niya sakin. " Hindi pa naman, bakit?" Sagot ko sa kanya. "Tara, doon muna tayo sa sunken garden." "Bakit? Ano naman ang gagawin natin dun?" Sabi ko sa kanya. "Wala lang. Kwentuhan lang tayo." Sabi niya sakin." Sige ba!'' Pumayag naman ako sa kanya. Habang naglalakad kami papunta sa sunken garden ay agad niyang tinanong sakin kung sino si Rome Quejada ng F4 (F4 nga ba?)dito sa campus.

Siyempre ang ate niyo madaldal, walang preno ang bibig hahahahaha!! kaya nagkuwento na ko sa kaniya.
" Gusto mo talagang ikuwento yun sayo? Baka kasi mamaya lalo kang mainis." Sabi ko. "Sige...okay lang." Sabi ni Aya. Nakinig na lang siya sakin habang ako ay dada ng dada hahahaha!!!!

"Eto kasi yun. Siya ay si Romelio Eliseo Ascuncion Quejada. At ung mga kaibigan niya, na kasama niya kanina......sila naman si Kylle at si Jeoffrey Hidalgo. Magkapatid sila. Kilala sila sa pagiging bully dito sa campus. No. 1 BULLIES!!!!!! Notorious ika nga."

At biglang nagsalita si Aya.
" Hulaan ko. Magulang nila ang may ari ng school na ito no? Kaya pala ganun sila kung umasta."

"Well......parang ganun na nga. Close enough. Pero yung tito ni Rome talaga ang may ari ng school na ito."

"Yung tito niya? *Tumungo ako* Jusko yung tito lang naman pala niya ang may ari nito tapos ganun pa yung ugali ng pamangkin niya."

"Eh ganun talaga. Close sila ng tito niya eh. Pero ilang beses na rin silang napupunta sa guidance office gawa ng mga pinaggagagawa nila dito. Hay naku!!! Kung alam mo lang.........walang araw na wala silang nabubully dito sa school. At ang balita , ang nagiging target daw nila ay mga transferees. O diba? Ang sama nila."

At nakita ko na lang na tulala na si Aya.

" Hoyyyyy!!!! Bakit bigla ka na lang natulala?"

"Naisip ko lang kasi na lagi nila binubully yung mga transferees tulad ko."

"Sa dami kong sinabi yun lang ang naaalala mo?"

"Siyempre nakikinig naman ako sayo. Eh yun lang, lalo akong kinakabahan sa mangyayari."

" Kita mo na? Lalo ka lang kakabahan sa kanila. Lalo na't Alam mo na yung istorya nila. O siya... Mauna na ko. Maggagabi na eh."

"O sige. Ingat ka. Salamat sa maikling kuwento."

"Ano ka ba? Magkukuwento pa ko bukas. Sige. Babye. Ingats."

ME.YOU.ALONE(Part 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora