“Alam mo ba yung feeling na inis na inis ka dahil all through your lige puro lang Kyra here and Kyra that.Kyra,Kyra, Kyra. Nakakainis nang pakinggan. Nang dahil sa pagc-cover mo ng story ng Slaughter High, sumikat ka. Nakuha mo ang fame na matagal ko nang gusto.” Sinaksak ko ang katabi niyang si Ayriene sa mata kaya napasigaw siya at natawa ako.

“Pero kaibigan mo sila!” bakas na ang galit sa pananalita niya pero hindi ako nagpatinag. “Hindi ko kailangan ng kaibigan. Fans….yan ang kailangan ko. at pagkatapos ng final act at maeidt ko ang movie project na ito? Ipapalabas ko to sa sinalihan naming contest and for sure, this movie will win dahil aakalain ng lahat na parang totoo ang lahat not knowing na, totoo nga talaga.” Natawa ako saka sinaksak muli si Ayriene. Pinigilan na ako ni Dominic pero hindi ako nagpatinag. Pinagsasasaksak ko pa ulit si Ayriene hanggang sa maputulan siya ng hininga.

“H-hindi mo naman sila kinailangang patayin Twaylem. Kahit naman hindi mo gawin ito kayo pa rin ang mananalo dahil kayo lang ang naiiba sa genra pa lang. you don’t have to do this..”napairap ako saka siya sinipa sa mukha kaya napadura siya bigla ng dugo at napasandal kay Warren na nanghihina na.

Lumapit sa akin ulit si Dominic. “Tway, okay na ang final act.” Sabi niya sa akin. Ngumisi lang ako ulit bago nilapitan naman si Aki.Thanks for being such a great friend.”Iyak siya ng iyak kaya sinaksak ko na siya sa dibdib niya. Napatigil siya sa pag-iyak at napatingin sa akin. Ngumisi lang ako saka hinatak ang kutsilyo. That leaves me with two people to kill na lang.

“Ayusin mo na Dominic.”sabi ko sa kanya. Nagsimula na niyang ipwesto sa iba’t ibang lugar ang mga bangkay sa loob ng auditorium. Tinanggal niya sa pagkakatali sina Aki, Drake at Ayriene saka ito inilagay sa may doorway ng auditorium.

“Ang galing ng naisip ko diba? Papatayin ko kayo and then we will fake our deaths and then everyone will think na may isang serial killer talaga ang pumatay sa ating lahat not knowing na this is all just an act. Kami n Dom ang magiging bagong survivors ng another Slaughter High massacre and guess what? Sisikat ako for being the next you!”

Horror RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon