Chapter 10

711 17 3
                                    

Twaylem’s POV

 

Pabalik na sana ako ng auditorium nang may marinig akong mga kaluskos galing sa second floor. Nilakasan ko ang loob ko at napahigpit sa hawak ko sa flashlight habang tinatahak ang hagdan paakyat. Halos mabingi na ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko pero itinuloy ko pa rin ang paghahanap kila Warren.

“WARREN!” sigaw ko pero walang sumasagot. Kinukutuban na ako pero pilit ko itong iniiwasang isipin. Patuloy lang ako sa paglilibot sa second floor ng makarinig ako ng kaluskos mula sa kabilang dulo ng second floor. Dali dali akong naglakad papunta dito.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang binuksan ang pinto. Napatakip agad ako ng bibig ko dahil sa tumambad sa akin. Nasa iisang kwarto lang sina Tanya, Joseph, Anicka at Andrea. Sinilip ko muna ang likod ko at ang kwarto kung nandito ba ang killer pero wala.

Nagsimula nang magtubig ang mga mata ko ng makita ko ang dinatnan ni Andrea. Punong puno ng dugo ang mukha niya at naka stapler ang kanyag mga mata. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at nilapitan si Tanya na nakasabit. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang humihinga pa siya. Chineck ko na rin sina Anicka at Joseph, humihinga pa.

Una kong tutulungan ay si Tanya dahil siya ang pinaka madalig mapatakas. Tatanggalin ko na sana ang panyo sa bibig niya nang makarinig ako ng mga yabag at pag sipol mula sa labas ng kwarto. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Napilitan akong magtago sa ilalim ng isang lamesang malaki. Inilabas ko ang panyo ko at itinakip ito sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Nakita kong pumasok ng kwarto ang isang matangkad na tao na nakasuot ng itim na jacket. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa maskarang nakatakip sa mukha nito.

Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang killer na paikot ikot lang sa loob ng kwarto. Hindi niya ginagalaw ang mga kasama ko. Napasiksik ako bigla sa dulo ng lamesa ng maglakad papalapit dito ang killer.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now