••Special Chapter 1.2••

Zacznij od początku
                                    

"Hoi, ano ka ba, Duch! Wag ka namang mamula diyan. Tara na nga!" Nakangising sabi ni Misa sabay baling sakin at kumindat pa. "Bye, niisan!"

Kalokohan ng batang yun? Once Misa sends me a wink it only means that she has something funny in her mind. Napabuntong hininga na lang ako.

"Oniichan!" Napabaling din ako sa gilid ng marinig ang boses ni Shin.

At kagaya ng ginawa ni Misa niyakap din niya ako sa leeg. Tsk! Ilang taon na ba tong si Shinsuke? Ang ibang mga adult na lalaki diyan ay nahihiyang yumayakap sa mga kuya nila. But Shin is different.

"Shin... how are you, lil'bro?" Tanong ko sabay gulo sa buhok niya.

Tumawa naman si Shin sakin. "Lagi tayong magkasama sa bahay, oniichan."

"But you never stay at home you dimwit!" I replied rolling my eyes at him.

"Naglalaro kasi kami ni Akihiro sa bahay nila ng soccer. Sabi naman ni Karma niichan inaaya ka naman niya kaso tumatanggi ka daw." Sabi ni Shin.

"Going out is too boring for me." Simpleng sagot ko.

"I know." Nakangiting sabi ni Shin. "But sometimes you need to have fun. Minsan lang tayong hindi busy, oniichan, that's why we need to have fun while we still have time to do so!"

Agad namang tumakbo si Shin sa dagat. Na nagpailing sakin. Tsk! This is really so absurd. Ano naman ang gagawin ko dito?

"Kou, my man! Mabuti nakarating ka." I just rolled my eyes at the man who is now walking beside me.

"Fuck off... Takumi." Walang ganang sabi ko.

"Ikaw naman, Kou. Hoi, Finn! Halika na dito!" Pag-aaya pa niya sa isa pa naming topakin na kaibigan.

Yes. Mahirap mang paniwalaan pero magkaibigan kami. Hindi ako lumalabas ng bahay pero kasi nagkataon noon na lagi bumibisita ang mga daddy nina Finn at Takumi sa bahay na kasama sila kaya di kalaunan naging magkaibigan na din kami.

"Kou! Himala at sumama ka. Ano naman ang kinain mo at biglang lumikaw yang bituka mo?" Tatawa tawang tanong ni Finn.

I faced the two of them with my usual poker face. "Pwede bang tantanan niyo ako?"

"Wag ka ngang mag-tagalog, Kou! Kinikilabutan kasi ako." Nakangiwing sabi ni Finn.

"Oo nga. Chill lang kasi, Kousuke." Segunda ni Takumi.

Napabunting hininga naman ako. "Takumi, if I were you I will focus myself on babysitting Tamara."

Kunot noo namang tumingin si Takumi sa dagat kung nasaan ang kambal niyang si Tamara na parang pinopormahan ni Landegre.

"Hey! Stop flirting on my sister, Landegre, or I'll send you to the hospital!" Sigaw nito at tinakbo ang pagitan nila ng kapatid niya.

"Finn..." seryosong banggit ko sa pangalan niya.

Tinaas naman ni Finn sa ere ang kamay niya na para bang sumusuko na ito. "Fine, fine! Pupuntahan ko na nga lang si ate ko."

Sa wakas mag-isa na din ako. Nagsimula na akong maglakad ulit papunta sa dulo ng dagat na to. Atleast dito tahimik. Nang makitang malayo na ako sa mga kasama ko ay umupo ako sa buhangin habang nakatingin sa papalubog na araw.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz