••Chapter 17••

14 5 0
                                    

"QUEEN OF MY HEART"

Haru's PoV:

Dalawang araw na akong nakatambay dito sa room ko sa Torres' hospital. Magaala-una na ngayon ng hapon at hinihintay ko na makabalik si Dylan dito. She went home to take a shower that's why I was left here with my hopeless friends.

"Tong its!" Biglang sigaw ni Flynn.

"Gago! Anong tong its? Unggoy-unggoyan kaya tong nilalaro natin." Takeo retorted back.

Napakamot naman sa batok niya si Flynn. "Ay ganun ba? Ang daya naman nito."

Nang mabalitaan ni Flynn ang nangyare sakin agad daw siyang nagmadali na puntahan ako. He doesn't have to bother though. I understand that he needs to spend a day or two with Freya. Pero wala na akong magagawa nandito na siya eh.

Ang kinakainisan ko lang naman ay ginawa ng mga topakin kong kaibigan ang kwarto ko na parang camping site nila. Dito na sila natutulog. At dahil isa lang naman ang sofa dito at isang private room to. Nagdala sila ng kani-kanilang sleeping bag. Ang pinakabwiset sa lahat ay hindi ako makatulog kasi ang lakas humilik nina Takeo at Kai. Ewan ko ba kung sinasadya talaga nila yun o hindi.

Chinismis na din ni Takeo sa iba ang nangyari sakin kaya mas lalo kaming nagsik-sikan dito sa kwarto ko. Napauwi na din kasi si Ryker galing Italy. Nag time out din sa pagti-training kung paano mag handle ng hospital nila si Bryleigh kaya nandito din siya. Raito and Saito my cousins are also here. Kaya gustong-gusto ng mga babaeng nurse na pumupunta dito eh. But I told them that only Yusei niisan can come here and check me. With the help of an absolute order from Bryleigh.

"Ano ba yan! Itigil na natin to, hindi naman pala marunong si Flynn na mag-laro nito eh." Nakasimangot na sabi ni Sai.

"Ayoko sa sugal." Sagot naman ni Flynn.

"Sus!" Ryker hissed. "Kahit mga bata alam ang larong to."

"Ibahin mo ako sa mga batang tambay na sinasabi mo." Flynn said as he stood up and sat at the end of my bed.

Umupo na din si Takeo sa tabi ni Flynn. "Don't worry, Flynn. Mukha ka namang tambay."

"Ang gago mo, friend." Flynn said with a meme face.

Pinagtatadyakan ko sila para umalis sila sa paanan ko ngunit bumaling lang sila sakin at mas lalong lumapit.

"Get your filthy faces away from my site, morons." Masungit na sabi ko.

"Ang sama mo talaga, Haru." Flynn commented. "Totoo nga siguro ang sinabi ng panget nating kaklase noon na double face ka. Mukhang mabait ka pero ang sama-sama mo talaga!"

"Edi maghanap ka ng kaibigang mabait talaga!" I exploded at him.

But Flynn grinned at me. "Ayoko."

I rolled my eyes on him and look away. That's why Flynn's my friend because he doesn't mind if sometimes I'm an angel and most of the time a devil. All of my friends don't mind. That's why I can consider myself lucky.

"Haru, listen here." Pabulong na sabi ni Takeo kaya kunot noo na din akong napatingin sa kanila ni Flynn.

They whispering like they don't want others or a certain person hear what they going to say.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now