“Pero—”

“Kay Boss Lee na mismo nanggaling, G.”

I glared at her. She just winked. Nakakainis! Lumabas na siya.

 Ano’ng gagawin ko? Hindi ko pa tuloy nasabi kay Blesie na wala na akong balak ipagpatuloy pa ang 10 steps na ‘yon. I sighed.

“Uhm, Miss Steve?”

Agad akong humarap sa kanya, kinakabahan. Hindi ko akalain na magkikita kami. Sa ganitong pagkakataon pa. Kung kailan ayaw ko na.

“A, hi, Engr. Andrade. Welcome to C&K Company.” I faked a smile.

“Don’t be too formal,” he said, smiling. Ang ngiti niya, parang kakaiba. Ganito pala ang hitsura sa malapitan. Parang…lalo siyang gumuwapo.

“I’m George.” Inabot niya sa’kin ang isa niyang kamay.

“I’m—”

“Your Georgina, right? ‘Yong nag-add sa’kin sa Facebook?”

Okay, ang awkward ng pangyayaring ‘to. Hindi ko alam ang gagawin.

“Yeah.” ‘Yan lang ang nasabi ko.

“Nice to finally meet you, in person, Georgina. Mas maganda ka sa personal.”

My heart started to beat abnormally. This was very unusual. Bakit ganito ang feeling? Come on, G. Relax.

Tumawa ako nang bahagya. “Thanks.” Bago pa ako tuluyang mahimatay sa kinatatayuan ko, lumabas na kami ng office ni Boss Lee at nagpunta sa office namin.

Sunud-sunod ang sa isip ko.

‘Ayaw ko na, ‘di ba?’ Pero may sasalungat na, ‘Pinagtagpo na kayong dalawa!’

‘Ayaw ko na nga kasi.’ Then, ‘Step 3 na mismo ang lumapit sa’yo!’

‘Nakapagdesisyon na ako.’ Tapos, ‘Kalimutan mo! Step 3, dali!’

Napahawak ako sa ulo ko. Ugh!

“May problema ba?” he asked.

“A, wala.”

Bakit ba mukha kang mabait? Bakit ba ang guwapo-guwapo mo? Bakit ba ang hot-hot mo? Erase, erase! Ayaw mo na, ‘di ba, G?

* * *

The day went well. Kalma naman. Full of awkwardness, though. Lagi ko kasing kasama si George. Sinabi ko sa kanya ang background ng company. Gan’on kasi lagi, history muna saka lahat ng dapat niyang malaman. Inilibot ko siya. Tanong din siya nang tanong. Buti na lang at marami akong alam kaya nasagot ko siya. May ilan pa nga na confidential na pero as an employee of C&K, he has the right to know.

Lastly, sabay kaming nag-lunch. At ngayon, sabay pa magme-merienda.

Si Blesie, patingin-tingin lang sa’kin. Ngumingisi. If I know, siya ang may kasalanan nito. Nakakainis ka naman, best friend, e. Kakalimutan ko na nga, ‘di ba, habang hindi pa malalim?

I suddenly remembered that information on George’s Facebook regarding his work.

“‘Di ba sa KGP Inc. ka nagwo-work?”

“No!” agad niyang sabi. “Baka mali ka lang ng kita. Sa Laguna ako nagtatrabaho bago rito.” Naging seryoso siya.

“Okay,” ang nasabi ko na lang. Siguro mali nga lang ako ng tingin. Pero hindi, e. Hayaan na nga.

Habang kumakain ng carbonara at mango shake na treat niya sa’kin, napansin kong bigla-bigla na lang siyang ngingiti at titingin sa’kin. Eyes-to-eyes pa! Nakakaloko.

“Thanks for your company,” he said while smiling. Ang hilig niyang ngumiti! Nakakainis. ‘Yong puso ko tuloy, ayaw kumalma.

“No biggies.”

“I guess, since friends na tayo sa Facebook, baka puwedeng maging friends na rin tayo in person?”

Parang hindi pa siya sigurado sa sinabi niya. Parang nahihiya kasi na ako rin naman. Ngayon ko lang naalala ang wagas kong pag-auto like sa posts niya sa Facebook. Sana hindi nag-bumped ang notifs niya. Crazy, G.

“Uhm…” Hindi ko alam ang sasabihin. Paano ko na kakalimutan kung lagi kong makakasama? Habang crush ko pa nga lang siya, tama na, ‘di ba? Ayaw ko nang sundin ‘yong 10 steps.

“Silence means, yes?” Ano ang isasagot ko?

“Yeah, sure.” I had no choice. Friends lang naman, e.

“Thanks. So, friends?” Inabot niya naman ang kamay niya sa’kin.

I gave him mine then uttered, “Friends.”

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

“This is how I show respect to my girl friends.” He kissed my hand.

Natameme ako. Tiningnan ko siya ulit. Nakangiti pa rin.

“Thank you, Georgina.”

Sa isang kisapmata, lahat ng plano kong paglimot sa kanya, nawala.

And I heard my conscience said,  ‘3 down, 7 more to go.’

Crush ko pa lang siya, e. Bakit parang love na?

Bahala na nga! At this point I didn't even care. I was just going with the flow. Whatever happens happens.

I'm 20 but still NBSB (Published)Where stories live. Discover now