" Alam mo halika! Aalisin natin ang hymen na yan!". hinila niya ako patayo. Gano'n ang naabutan nila mama sa amin sa sala. Mapilit din kasi masyado itong si Angel.

" H-Hi ma good morning." naiilang na yinakap ko ang sarili ko. Buti na lang naka-pajama ako at mahabang manggas pero di pa din ako komportable. Baka kasi makita nila ang mga marka na iniwan sa'kin ni Mahalalel. Mga makasalanang marka na tanda ng pag-angkin niya sa'kin. Hinagod muna ako ng tingin ni mama bago bumaling sa aming bisita.

Mabigat ang katawan na umupo ulit si Angel sa couch. Nakacrossed arms ito at di pinansin sila mama at papa. Maldita talaga ang babaeng ito.

" San kayo galing ma?" tanong ko kahit obvious naman na kakagaling lang nila sa bakasyon.

" Sumaglit kami sa Bicol para tingnan ang farm." hindi naman nito napansin ang kaba ko dahil nakatutok ang mata nito kay Angel.

" Bakit nandito ang babaeng yan?" pabulong na tanong sa'kin ni papa. Simula pa lang kasi ayaw na nila kay Angel dahil liberated ito masyado. Ilang beses na rin kasing ineskandalo nito si Kurt. Palibhasa alam niyang walang kalaban laban ang pamilya namin kasi kasapi sila sa pulitika. Marumi silang maglaro para sa prinsesa nilang maldita.

" Hinahanap niya si Kurt." kime kong sagot. Pinagkatitigan muna ni mama si Angel at yinakad pataas para makapagbihis. Hindi ito nagpadala kay mama kaya inulit ni mama ang pag-anyaya. Nakakailang naman kasi ang suot ni Angel.

" Tara Angel papahiramin kita ng damit sa taas." mahinahon na yakad ni mama kay Angel. Mataray itong umirap kay mama saka ipinadyak ang paa. Diyos ko!

" Madami akong damit!" naiinsulto nitong sigaw. Nagdekwatro pa ito bago umingos sa amin.

" Pero para kang kinukulangan sa damit sa suot mo. Pinapapasok ka pa ba sa school sa lagay na yan?" mahinahong pangaral ni mama na dinedma lang ni Angel. Bored na nilaro lang nito ang dulo ng buhok niya.

Nanlalaki naman ang mata ni papa na tiningnan si Angel. Hindi rin makapaniwala sa kamalditahan nito.

" Asan ba kasi si Kurt?! Itinatago niyo ba siya sa'kin?" mataray na tanong nito. Hinila ni papa ang braso ni mama at iginiya na paupo. Hinihilot ang noo na tinawagan ni mama si Kurt.

" Hija, alam mo bang may girlfriend na si Kurt?" tanong ni papa kay Angel na tumaas ang kilay.

" Oo ako nga 'yun." malakas na sagot ni Angel kaya napatikhim na lang ako. Lumingon ako nang matanaw ko ang pababa na si Mahalalel. Sinenyasan ko siya na pauwiin na si Angel.

Lumapit si Mahalalel at hinila ang braso ni Angel palabas. Lumingon ito sa'min habang nagpupumiglas naman si Angel mula sa hawak ni Mahalalel.

" I hate you Halel! I hate you! Arrgh!" nagsisigaw si Angel habang ako ay napapailing na lang. Hindi ko din maintindihan ang nangyayari. Nababaliw na ba si Angel?

Narinig pa namin ang malakas na pagkakasara ng gate bago makapasok si Mahalalel. Linapitan nito si mama saka hinalikan sa pisngi.

" Nako! Ang kapatid mo at yun masakit sa ulo! Ano bang nangyayari?" wala ding alam na tanong ni mama.

" Pipikutin yata ang anak natin daba." natatawa si papa habang hinihilot ang balikat ni mama.

" Hindi ako papayag! Kung titingnan mo pa lang ang babaeng yun walang kagalang galang! Tsaka may girlfriend na si Kurt na matino. Hinding hindi talaga mabibili ang class.". nanghihinayang na dugtong ni mama. Bumuntong-hininga na lang ako. Ilang minuto pa ay dumating na din si Kurt sa bahay.

" Naabutan ko si Angel sa labas. Anong nangyayari?" nag-aalalang bungad ni Kurt sa amin. Nasa likod niya rin si Miles na paika-ikang lumakad.

" What's the matter mom?" maarte nitong tanong at bumeso sa amin.

OWNED BY HIM (STILL EDITING)Where stories live. Discover now