Kinabukasan, normal routines. I tried my best to act as if nothing happened para 'di nila ako mapansin. Ang hirap talagang magtago ng feelings lalo na pag sobrakang nasasaktan e. 


Mabuti na lang at hindi ako ginambala ni Mikko. Good thing he lived up into what I said to him not to appear before me. Kasi ayoko, baka kung ano pang masabi at magawa ko. Pero ipokrita ako kung hindi ko sasabihing kahit 1% ay umaasa akong pupuntahan niya ako para kausapin. Oo. Tanga na kung tanga. 


Inaya ko sina Kuya at Kevin na maggala sa kahit saang lugar-- sa Manchester, Sheffield, Swansea. Basta kahit saan pwede basta malimutan ko lang kahit sandali itong sakit na nararamdaman ko. Kevin is trying to ask what was really happened pero iniiba ko ang usapan or just pretending na hindi ko narinig ang tanong niya. Hindi pa kasi ako handang magkwento. I hope he wouldn't mind. 



"You really looked like you're devastated or something." Sabi ni Kevin sa akin nun minsang tumambay siya sa amin few days after ng grad ball. Teatime and such. Still, I haven't heard anything about Mikko. Darn, it hurts. More and more. 

"Devasted?" Tumikhim ako. "You bet." Sabay buntong hininga. 

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Is it about your study partner?"



Shit, alam niya agad na si Mikko ang tinutukoy ko? How could he be so accurate? Hindi pa kami lubos na magkakilala talaga pero parang feeling ko kilalang-kilala na niya ako. 



"Wala talaga akong maitago sa'yo. Alam mo na agad e."

"Ha? Haha. Hindi ah. Just a penny of your thoughts wouldn't be harsh I believe so."

"Wala naman sigurong mawawala kung magkwento ako sa'yo. I just really need someone to talk to about this. Baka mabaliw ako sa kakaisip ng gagawin kung sasarilinin ko lang 'to." Then I gave him a weak smile. 

"Fire away. I will listen." Tapos kinusot niya ang ulunan ko. Arrgh, ginagawa akong bata. 



Then I started telling him that fateful incident that caused me to shit bricks and bleed my heart, torn into tiny fcuking pieces. Good about him that he's only listening to my rants and frustration about my feelings toward Shadows. Thank heavens for Keziell Ocampo!



"Hindi mo man lang ba talaga siya bibigyan ng chance para ma-explain ng buo 'yung side niya?" Tanong niya sa akin pagkatapos kong magkwento. 

"That's enough, Kevin. Nakita ko na ang dapat kong makita. Ayoko nang marinig pa sa sasabihin niya. Baka bilugin niya na naman ang isip ko at magpauto na naman ako. No. Never."

"Hindi naman'yun ang ibig kong sabihin. I mean, don't jump into conclusions first. Try to take a look on his side. The decision is still yours if you'll believe or not. 'Wag kang maging unfair sa kanya."

"Pero naging unfair siya sa akin! Hindi ko pa nga siya boyfriend e tapos nag-cheat na agad siya sa akin? Siya ang unfair, hindi ako." Pakiramdam ko nag-iinit na naman ang ulo ko twing naaalala ko 'yung eksena sa balcony, nakakapangilabot! Nakakabwisit!

Natawa siya. "Relax! 'Yung puso mo naman, Kayle. Yeah, alam ko na naging unfair siya sayo dahil sa ginawa niya. Malay mo biktima din siya."

I gave him a weird look. Teka, kampi ba siya kay Mikko? "Biktima? The hell! Pinagtatanggol mo pa si Mikko e. How could that ease my frustrations!?"

"No, not like that. Gusto ko lang i-analyze 'yung mga nangyari. Kasi hindi maganda kung tumitingin tayo sa iisang side lang. Whatever those side takes, let's accept it. Pero kailangan lang natin malaman 'yung bottom nito. Hindi 'ba?"

Marahan akong tumango at uminom ng iced tea. Leshe, ang kapal ng mukha kong makapag-teatime, icedtea lang naman ang iniinom ko. "Oo na sige na. Tama ka na. Haaay, ang gulo talaga!"

"Syempre Kayle, kaming mga lalake gusto din naman naming malaman ng mga babae ang side namin kung bakit ganito, ganyan ang nangyayari. Ang hirap kasi sa inyo, masyado kayong nagja-jump into conclusions kaya hindi maayos-ayos ang problema. We want you to listen to us and hear our argument, hindi lang kayo ang dada ng dada." Ang swabe niya lang habang umiinom ng chamomile tea. 

Napanguso ako. "Wow ha, may pinaghuhugutan?"

"That's simply because lalake din ako. Take it from a guy's perspective. Ayun lang. Nasayo pa rin 'yan. Pero kung hindi ka pa rin satisfied kung anuman ang sasabihin niya sayo, leave it to yourself and move on. Besides, hindi pa naman kayo. Charge to experience na lang. Hindi naman kasi habang buhay puro happy relationship lang lagi. Ano ka? Sinuswerte?"

Bigla naman akong natawa sa sinabi ni Kevin, ganoon din siya. Ang natural lang kasi ng pagkakasabi niya. "You have a point."

"Oo naman." Tapos kinindatan niya ako. 

"Thank you ha."

"Huh? For what?"

Umiling ako. "For helping me. Gumaan ang loob ko. Thanks to you."

"You're most welcome. I'm just a few teacups away for your agonies." At itinaas niya ang teacup niya levelling his shoulders to offer to me. 

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon