“Ano ang rason mo para gawin to ha Drake?! WHAT IS YOUR MOTIVE?!” galit kong singhal sa kanya. Nakayuko lang siya at tila isang batang nahuling nangupit. Tumingin siya sa akin at bakas ang sakit sa mga mata niya. Nagsituluan na rin ang mga luha niya pero wala akong pakialam. He’s a murderer.

“Grabe, ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?” napaiwas ako ng tingin. Ano gusto niya, ipraise ko siya kasi nagawa niyang isa-isahing patayin ang mga kaibigan namin?! “Sa tingin mo ba magagawa ko ang ganito Aki?” malungkot niyang tanong sa akin pero hindi ako nagpatinag. Actors are great liars. At kung nakuha niyang umarte na wala siyang kinalaman dito, pwes ngayon alam ko na. Siya ang gumawa nito.

“Tell me, Aki! Ganito na ba ang tingin mo sa akin?! Sa tingin mo ba magagawa kong patayin ang mga kaibigan natin?!” sigaw niya. Tinignan ko siya ng masama. “So paano mo ie-explain ang nakita ko ha?! May hawak kang dugo at maskarang may mga dugo! Ang damit mo may dugo! Sige nga! Enlighten me with your lies!” sigaw ko rin pabalik sa kanya. Hindi ko na kinayang titigan siya. Tumakbo na ako palayo. Hindi ko na kayang manatili sa lugar na ito na kasama ang mamatay taong tulad niya.

Natigil ako sa likod na bahagi ng Provident High. Isang madilim at malaking gubat ang sumalubong sa akin. Tumakbo lang ako papasok nito kahit napakalakas ng ulan.Ilang oras na lang umaga ka na. Kailangan ko na lang tong tiisin.

Napahinto ako sa pagtakbo at napaupo na lang sa maputik na daan. Hindi ko na alam kung saan na akong bahagi ng gubat. Ang sakit. Ang sakit sakit isipin na ang dating pinagkatiwalaan ko, kayang pumatay. Kayang patayin ang mga kaibigan namin. Hindi ko lubos maisip kung ano ba ang nagawa namin sa kanya para gawin niya sa amin to.

Napabuntong hininga ako. Ang daming what ifs ang gumugulo sa isip ko. Saktong nag ring ang phone ko kaya inilabas ko ito sa bulsa ko at tinignan. Tumatawag si Drake. Dali dali akong tumakbo papunta sa ilalim ng malaking kahoy para magpasilong.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now