Chapter 2

3K 94 1
                                    

Chapter Two

    Hindi alam ni Dylan ang gagawin sa babae. Halata kasi na wala ito sa sarili niya. Mas lalo pa ngang nataranta si Dylan nang magsimulang humikbi ang babae.

    "Miss?" tawag niya rito habang inaalalayan dahil kung hahayaan niya ang babae sa sarili niya malamang kanina pa ito natumba. "Miss?"

    Hindi naman sumagot ang babae, mas lumakas pa ang paghikbi nito. Naalarma naman si Dylan. Wala na nga siya sa mood ngayong gabi magkakaroon pa nang ganitong aberya. Isa pa, may tama na din naman siya. Gusto na niya lang umuwi, magshower at matulog na. Pero heto siya ngayon, nag-aalalay nang isang babaeng lasing na hindi naman niya kilala.

    "Miss, ayos ka lang ba?" May bakas na nang pag-aalala sa tono ni Dylan.

    Malakas na iyak lang ang isinagot nang babae sa kanya.

    "Huy miss, 'wag ka nang umiyak. May kasama ka ba? Ihahatid kita sa kasama mo." Tuloy-tuloy niyang tanong sa babae habang inaalalayan pa rin ito.

    Umiling lang ito habang pinipilit na kumawala sa pagalalay ni Dylan sa kanya.

    "Kaya mo ba?" Tanong ni Dylan sa kanya. Sa totoo lang, hinihiling niyang sana nga kaya na nang babae. O kaya naman ay dumating ang kung sino mang kasama nito para hindi na siya magkaroon pa ng responsibilidad.

    Umiling ang babae at pinilit na maglakad palayo kay Dylan pero sadyang nawawalan ito ng balanse. Napahilamos si Dylan sa mukha niya at naiiling na inalalayan ulit ang babae. Siguro kung siraulo lang siyang lalaki ay pinabayaan na niya ito. Kahit papaano naiisip niya pa din naman ang ate at mama niya kaya hindi niya magawang iwan na lang ang babae mag-isa. Mamaya ay kung mapano pa ito, considering na nasa bar pa sila.

    Inakay nya ang babae papunta sa sasakyan niya at binuksan ang pintuan ng shotgun seat. Dahan-dahan niyang ipinasok ang babae sa sasakyan nito pero dahil nga nahihilo na ito, nauntog pa ito sa tuktok ng sasakyan niya.

    Napangiwi si Dylan nang lumakas pa ang iyak noong babae, marahil nasaktan sa pagkakauntog. "Sorry miss, sorry. Ang likot mo naman kasi eh." Hinimas ni Dylan ang parte nang ulo nito na nauntog.

    Pagkatapos ay naupo siya nang pasquat sa tapat nang babae para maging magkapantay ang lebel nila. "Saan ba ang bahay mo miss? Ihahatid nalang kita kung wala kang kasama."

    Hindi sumasagot ang babae, patuloy lang ang pag-iyak nito. Naiinis na si Dylan. Ang hirap naman kasi kausap nang babaeng ito. Hindi niya maintindihan kung anong problema nito sa buhay. Kanina sinita siya sa paninigarilyo niya tapos ngayon pahihirapan pa siya sa pag-iisip kung paano niya ito maihahatid sa kung saan man ito nakatira.

    "May bag ka ba miss? O kahit wallet? O cellphone?" Tanong niya pa rito habang sinisipat ang babae kung mayroon ba itong dala kahit ano. Kahit identification man lang na may address para maihatid niya ito. O kahit ang cellphone nito para makahanap siya ng contact nito na pwedeng sumundo sa babae o pwedeng niyang pagtanungan ng address nito. Pero wala, walang dalang kahit ano ang babae.

    "Badtrip ka naman miss!" Pikon nang sabi ni Dylan. Sa inis niya inayos niya nalang ang pagkakasakay nang babae sa sasakyan niya, kinabitan niya ito ng seatbelt bago isara ang pinto at umikot sa kabilang side para sumakay sa driver's seat. Inayos niya ang sariling seatbelt at nagdrive na paalis nang Black Griffin bar.

    Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang 4-star hotel na pinakamalapit. Ang plano niya, kuhanan na lang ng maayos na kwarto ang babae at iwanan ito doon. Pwede na siguro 'yon, wala naman siyang ibang maisip na paraan. Kaysa naman hayaan niya ito sa kalsada matulog.

Perfect Mistake, (Published under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon