Bigla kong naalala ang bangkay ni Twaylem kaya tumakbo ako pabalik ng auditorium pero laking gulat ko ng makitang wala na ito. shit. Dali dali kong nilapitan si ate Kyra.

 “Ate! Nawawala ang bangkay ni Twaylem!”

 

Third Person’s POV

 

Biglang nagkahiwa-hiwalay ang mga natitirang sina Nicko, Ayriene, Kyra, Aki, Percy, at Tyron. Hindi nila alam kung nasaan sina Drake, Warren at Dominic. Sigaw ng sigaw si Ayriene umaasang mahahanap niya ang iba pero wala siyang natatanggap na response.

Napahinto siya sa pagtakbo at napaupo na lang hindi lang dahil pagod na pagod na ang katawan niya kundi pagod na pagod na rin siya sa pag iisip. Hindi niya na maintindihan ang nangyayari sa kanila. Hindi niya alam kung bakit may mga nangyayaring ganito sa kanila.

Naiiyak na lang siya ng makaramdam siya ng presensiya kaya nakiramdam siya sa paligid. Tama nga ang hinala niya kaya napahigpit ang hawak niya sa isang kahoy na kanina nya pa bitbit habang tumatakbo. Dahan dahan siyang tumayo at naglakad paurong, nagmamatyag kung asan na ang nagmamay ari ng yabag.

Bigla niyang nabitawan ang kahoy dahil sa gulat ng mag vibrate ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Isang text galing kay Dominic.

From: Dom baby ko

Ayriene, mag iingat kayo. Wag kayong maghiwa-hiwalay. Wag kang mag-alala sa akin, okay lang ako. Hahanapin ko ang killer at ako mismo ang papatay sa kanya.

 

Kinabahan siya pero napangiti dahil sa sinabi ng boyfriend. Biglang may pumasok na isang ideya sa isipan niya. Agad niyang dinial ang number ng pinsan niya. Matapos ang ilang ring ay sumagot ito. “Dino!” sigaw niya.

Horror RemakeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum