II: Tranferees?

4 0 0
                                    

Luxy

Natapos na ang huli kong klase kaya inayos ko na ang mga gamit ko at nagpaalam kay Keron.

"Keron. Una na ako."

"Sabay na tayo. Hatid na kita." Prisinta niya.

"Huwag na. Pupunta pa ako sa bakery."
Sagot ko naman.

"Sige." Sabi niya then sabay kaming lumabas ng room.

"Bespren. May training pa pala kami." Sabi nito.

"Sige" sabi ko sabay ngiti.  Yumakap muna ito bago umalis. Ako naman ay naglakad na papuntang gate.

_____

Andito ako ngayon sa bakery. Ayy wait. Nakapagpakilala na ba ako sa inyo?

Ako nga pala si Luxy Urduja Xiantalle Ysabellhe (Lu-si Ur-du-ha Syan-tal I-sa-bel)  Natividad. Luxy ang tawag sa akin ng karamihan. 18 years old ako.

Nagtatrabaho ako sa bakery malapit sa school namin pagkatapos ng klase. Di naman dapat ganito ang buhay ko kung di ako naglayas. Mayaman kami. Mayroon kaming hotels at malls. Pero namatay si Dada noong 10 years old ako. Siya ang tumayong tatay ko dahil binigay daw ako sa kanya ng babaeng naka costume. Ewan ko ba. Then nung namatay si Dada, si Tita na ang nagmanage ng negosyo namin at inangkin niya pa ang bahay na dapat ay sa akin. Naglayas ako ng bahay noong 13 years old ako dahil di ko na kaya ang pang-aalila niya sa akin. Ang dala ko lang noong panahon na iyon ay mga damit ko at ang credit card na bigay ni Dada.

Sa ngayon, ginagamit ko yung card sa mga gamit ko sa school at nagtatrabaho ako dito sa bakery para may pangkain naman. Then kapag may sobra ay iniipon ko ito.

_____

Haysss. Umaga na naman. Bumangon na ako upang gawin ang daily routine ko. Then pumasok na ako sa school.

Pagtapos ko kumain sa cafeteria, pumunta na ako sa room.

Habang papunta ako sa room, may narinig akong usap-usap ng mga lalaki na may trasferees daw na kambal. Ang gaganda nila at mukhang mayayaman talaga.

Pagdating ko sa room ay ganun din ang topic. Haissss nakakabagot.

"Sa section B daw sila eh." Cm8 1

"Ang gaganda nila girls. Gusto ko silang maging friends." Cm8 2

"Di kayo bagay makipag kaibigan sa kanila. Ako lang." Sabat naman ni Ciara.

Tss.

Lecture

Lecture

Lecture

Lecture

Tapos na ang morning class namin. Magtutungo na sana kami ni Keron sa Cafeteria nang may tumawag sa akin.

"Xiantalle!"

Paglingon ko ay

"Sir. Kayo pala." Bati ko kay Sir Mendez.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya sa akin saka sumulyap kay Keron.

Mukhang naintidihan naman ng huli ang ipinapahiwatig ni Sir. Mendez.

"Sige. Una na ako sa Cafe. Sunod ka nalang." Sabi niya at tango lang ang naisagot ko. Bumaling ako kay sir.

"Xiantalle~"

Pinutol ko ang sasabihin ni Sir.

"Luxy nalang po."

"Ok. Luxy. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba dito." Usisa niya.

"Okay naman po Sir. Medyo nabubully lang minsan." Sagot ko naman.

"Kung pag-aaralin kita sa ibang school, gusto mo ba?" Tanong ulit niya.

"Okay lang naman po pero nakakahiya po eh." Sabi ko naman.

"Sige. Pero naniniwalo ka ba sa magic?" Tanong ni sir.

Luh. Eto naman si Sir naniniwala pa sa magic. Ang tanda na.

"Oo matanda na ako pero naniniwala pa din ako."

Luh! Did he just read my mind?

"What do you think?"

Ayoko na!

"Sorry sir. Una na ako." Sabi ko sabay patakbong pumunta sa canteen.

_____

"Luxy. Hoyy!"

Nahimasmasan naman ako dahil sa pagtawag ni Keron.

"Kanina ka pa ganyan. Ang lalim lalim ng iniisip mo. Ano bang pinag-usapan niyo kay Mr. Mendez?"

"Wala naman."

Nandito kami ngayon sa room dahil magsisimula na ang afternoon subject namin. Hanggang ngayon ayy iniisip ko padin kung paano nagawa ni Sir Mendez yun.

_____

"Okay, class, ang pag aaralan natin ngayon ay ang big bang theory." Sabi ng science teacher namin. "Sino ang nakakaalam ng big bang theory?"

Madaming nagtaas ng kamay pero si Ciara ang pinili ni Ma'am.

"The Big Bang Theory is th~" naputol ang sinasabi niya nang may kumatok. Pagbukas ni Ma'am ng pinto ay nagsimula ang mga bulung bulongan.

"Yung mga transferees."

"Ang gaganda nila pre."

"Bakit kaya sila nandito?"

Yan ang ingay na pumuno sa  apat na sulok ng silid.

"How may I help you ladies?" Tanong ni Teacher.

"Good afternoon ma'am. We would like to excuse Ms. Natividad." Sagot ng babaeng may shoulder length na buhok na may highlight na yellow. Huh? Bakit ako?

"Hey girls. Bakit siya? Ako nalang. Freak yan. Ako, mayaman. Maganda pa. We can be friends." Sabi ni Ciara

"Sorry pero sa mababait lang kami nakikipag kaibigan." Sabi nung... Wait. Para lang silang nag exchange ng ilang strands ng buhok. Kambal nga ito. Yung isa kasi, may itim na itim na buhok na may yellow highlights. At yung isa naman ay yellow na buhok na may highlights na black. Tas pareho pa sila ng length. Oh diba, twinnie goals.

Nabalik ako sa realidad ng tawagin ako ni Ma'am. "Miss Natividad. Sumama ka na sa kanila."

Inayos ko naman ang gamit ko at nagsimula nang lumabas. Bagokami makalayo ay narinig ko pa ang boses ni Ciara.

"Arghhhh! Ako dapat yun!!!"

Natawa nalang ako sa isip ko.

_____

Nandito kami sa garden sa pinakalikod ng campus. Ewan ko ba. Andami namang pwedeng lugar kung saan pwede mag-usap eh.

"Hi Luxy. I'm Ceres Sayki. At ito namanang kambal kong si Reidar. " Sabi ng babaeng dilaw ang buhok.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" Prangka pero magalang kong tanong.

"Ikaw." Sabi ni Reidar.

Huh? Ako? Bakit ako? Di naman kami nagkakakilala ah. Tsaka bakit kailangan tago ang pag-uusap namin? Tss. Weird.

"Dahil isa ka sa amin. Hindi ka nababagay dito. Dahil iba ka. May taglay kang kakaibang abilidad."

'Cause you possesses a magic. A power. Luxia!

_____

Heyhey Sapirians! Tapos na naman po ang bagong chapter sana nagustohan niyo.

I love you all guys!

This is your author, Mr. Saphire or SapiroSapiro, always at your service.

Luxuria High: Luxy And The PentaswordWhere stories live. Discover now