"Anong ginagawa mo dito?"pabulong niyang tanong sakin.

Bago ko siya sagutin agad kong sinapo ang pisngi niya na hinalikan ni Ben. Nakakunot ang noo kong kinuskus iyon ng hinlalaki ko, hindi pa ako nasiyahan dinilaan ko pa ang hinlalaki bago ko siya kinuskus ulit.

"ew! ano ba Dominador kadiri ka"sigaw niya at umiwas sakin.

Nakasimangot ko siyang hinarap na magkasalubong ang mga kilay ko.

"Laway ko kadiri, laway ng Ben iyon nakangiti ka"may himig na pagtatampo kong turan sa kanya.

Natigilan naman siya habang nakatitig sakin, pero sandali lang kasi bigla siyang tumawa ng malakas. Pero agad na nawala ang sounds ng tawa niya, naalala niya siguro na may bantay sila sa labas ng kwarto.

"Selos ka naman"tumatawang walang sounds niyang sabi sakin.

Hindi ko siya sinagot, sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako naupo sa kama niya.

"Sus, ang higante ko nagselos. Iniwasan ko naman ah"habol pa niya sakin.

Pagkalapit na pagkalapit niya agad ko siyang hinatak at pinaupo sa kandungan ko.

"Hindi ako higanteng palaka, Pero may butete ako na magbibigay sayo ng bubwit pagdating ng araw"aniko.

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makasagot alam ko tatarayan niya ako. Kaya bago pa umabot doon hinalikan ko na siya para tahimik.

"I miss you so much Bubwit ko"bulong ng maghiwalay ang mga labi namin.

Isang malakas na hampas sa balikat ko naman ang sagot niya.

"Loko ka talaga, bastos ka pa"sermon niya sakin.

Napakamot nalang ako sa ulo, akala ko naman nakalimutan na niya ng halikan ko siya.

...........................................

NAKAHIGA NA kami ngayon ni Dominador, magkayakap lang kami ha wala green minded sa inyo wala kaming ginawa.

"Lakas mong mangtrip"kanina pa siya nagrereklamo.

Ang nirereklamo niya ay iyong mga sinabi ko kanina sa mga reporter. 

"At least kinagat nila Ben na hindi ako kasali sa pag-aaklas niyo"nakanguso ko namang sagot.

"Hindi nga pinagmukha mo naman akong rapist"reklamo na naman niya.

Tumawa lang ako sa reklamo niya, alam ko naman na magrereklamo ito. Ever since na mga bata kami issue na sa kanya ang image niya kaya alam kong big deal sa kanya ang sinabi ko na narape niya ako.

"Anong sabi sayo ng mga kapatid at mga magulang mo?"Tanong ko naman sa kanya ng matapos ako sa pagtawa.

"Panagutan mo daw ako"nanghahaba ang nguso.

Pero hindi doon sa paghahaba ng nguso niya ang dahilan ng pagkakanganga ko at paglaki ng mata ko. 

"Kapal nito"ako naman ang nareact ng biyolente sa kanya.

Hahampasin ko sana siya ulit ng kamao ko ng pigilan niya ako niyakap niya ako ng mahigpit.

"Whoa!, bubwit ko isang maling kilos mo lang magkakalaman ka talaga ng butete sa tyan mo ngayong gabi. Pananagutan mo talaga ako, isusumbong kita kila nanay at tatay ko na pinagsamantalahan mo. Pati na din kay Nanay Celia, isusumbong kita."babala niya sakin.

Mas nainis ako sa kanya, aamba na naman ako na hahampasin ko siya ng inguso niya ang katawan ko. Napakunot noo ako ng sundan ko ang nginuguso niya sakin.

Laglag ang panga ko ng mapansin ko litaw ang cleavage ko, at nakadagan na pala ako ngayon kay Dominador.

"Pasalamat ka, pinangaralan kami ni Tatay na kasal muna bago pulot gata"sabi na naman niya.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Where stories live. Discover now