Hindi ko na siya pinansin pa. Bitbit ang tuwalya na pumasok na ako ng banyo. Isinabit ko agad ang tuwalya pagkapasok ko. Nang mapatingin ako sa salamin na nasa itaas ng lababo ay napangiwi ako. Shocks! May tuyong laway ako sa gilid ng bibig! Nakita niya kaya ito?!


Magulo ang buhok ko tapos may panis na laway pa ako sa gilid ng labi nang magising siya. Todo yakap pa man din ako sa kanya kaya siguradong kitang-kita niya ang pagmumukha ko nong dumilat siya. Baka nong nagsalita ako naamoy niya pa ang panis kong hininga. Nakakahiya talaga!


Pero naamoy niya nga kaya ang hininga ko? Nabahuan ba siya? Nagpanggap lang ba siya na di affected para di ako mapahiya? Ugh! Bwisit!


Binasa ko ang mukha ko sa gripo saka ako naghubad at sumampa sa bathtub. Nagshower na agad ako at hindi na nagtagal pa dahil gusto ko nang umalis. Paglabas ko ng banyo ay madalian din akong nagbihis.


Tumawag ako sa ibaba na dalhan na lang ako ng gatas at sandwich dito sa kwarto for my breakfast para hindi na ako required na dumaan ng dinning area dahil baka nandoon si Jackson. Hindi ko na yata kayang makita pa siya ngayon sa sobrang hiya ko sa kanya.


"Hoy madapa ka!" nakatawang sita sa akin ni Ate Minda. Nasa gitna siya ng hagdan nang magkasalubong kami. "Hindi ka pa naman late, ah? Ke aga pa!"


"Nasa akin ang susi ng gate ng DEMU!" sa kawalan ng isasagot ay nasabi ko.


Naniwala naman siya. "Talaga? Matalino ka siguro kaya ikaw tagahawak ng susi ano?!"


"Oo 'Te, sige bye!" Nilampasan ko na siya. Mabilis akong bumaba ng hagdan.


"Di ka pa nanunuklay!" habol niya sa akin.


"Sa kotse na po!"


Pagdating sa sala ay kandalaglag ang mga bitbit kong libro. Basta ko na lang iyong niyakap saka ako naglakad palabas ng main door para lang magulat na nakatayo sa labas ng pinto si Jackson. Sa akin siya nakatingin. Bahagyang kumunot ang noo niya sa ayos ko.


Ang bilis naman niya yata? Parang nakipagkarera siya sa akin. Nakaligo na siya agad. Plain tshirt na kulay puti at gray sweatpants ang kanyang suot. Sa paa niya ay itim na Gucci slippers. Ang presko-presko niyang tingnan.


Nakipagkarera? Ang assuming ko sa part na iyon e obviously namang effortless ang kaguwapuhan niya ngayon at kahit kailan o magpakailanman. At wala akong maipintas sa kanya kahit halatang daliri niya lang ang ginamit niyang panuklay sa kanyang itim na itim at tila kaylambot na buhok.


"You're in hurry?" Nakapamulsa siya sa suot na sweatpants.


"O-oo..." Napalunok ako. Muntik ko na sanang idugtong na ako ang may hawak ng susi ng DEMU, mabuti at hindi ko nagawa kundi mas lalo akong nagmukhang eng-eng nun.


Hindi pa ba ako mukhang eng-eng nito? Ang gulo ng buhok ko at tagilid ang suot kong school necktie. Tsk! Kahihiyan na naman!


Napayuko ako nang marealize kong matagal-tagal din akong nakatitig sa kanyang kabuuhan. "Papasok na ako." Nilampasan ko na si Jackson. Conscious na conscious ako habang naglalakad palayo.


Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa garahe. Nasa tabi ng Wrangler Unlimited Dragon Jeep si Tarek at naghihintay sa akin doon. Si Tarek na kasi ang bago kong driver kapalit ng isang batalyong bodyguards na inalis sa akin. Kumbaga si Tarek ang katumbas ng isang batalyong iyon.


"Good morning, Kuya Tarek. Tara na po?"


Pero hindi tuminag ang maskuladong lalaki. Para itong robot na nakatingin lang sa akin. Sa Davao palang naman ay sanay na ako kay Tarek kaya hindi na ako nagworry na baka na-stroke ito sa pagkakatayo kaya hindi gumagalaw kahit ang ugat nitong nakalitaw sa gawing sentido.


Obey HimWhere stories live. Discover now