Chapter V: The Twin Elements

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita niya ang biglang paglaki ng mga mata ng kambal. She didn't expect that it would be that easy na mapaniwala ang mga ito.

"You're a freelance model?!" Sabay na sabi ng kambal. Hindi tuloy niya mapigilan ang pagsilay ng isang tipid na ngiti sa labi.

"Uhm, I guess so..." She answered skeptically. She really needs to practice on how to make up excuses. She's a terrible liar. Luckily, Yttrium is the dense type.

"Huh? You guess? Ano ba talaga, Kevi?" Napatingin siya nang magsalita si Thallium, marahil ay nagtataka dahil sa walang kasiguraduhan ang mga pinagsasabi niya. Muntik na niyang makalimutan na sa kambal, Thallium is the suspicious one. Kung hindi nga lang may sa pagka-clumsy ay papasa itong detective.

Tumikhim muna siya bago muling magsalita. "Yeah, I'm working as a freelance model. Hindi naman porque CEO si Dad ng isang private company, I should always depend on him. Kaya I decided to do modelling as a part time job."

I want to pat myself at the back after saying that. I couldn't believe that I came with that reason. Good job, Demi.

"So paano mo nakilala si Yummy?" Tanong ni Yttrium sa kanya. Matamang nakatingin sa kanya ang kambal. Hindi pa pala tapos ang pag-iisip niya ng rason.

"I think nakasama ko siya sa isang photoshoot. Hindi ko na masyadong maalala pa." Ganyan nga, Demnise. Lie. Sana lang kapag nalaman ng kambal ang pagsisinungaling niyang ito ay mapatawad siya ng mga ito.

"Kaya pala..." Tatango-tanong sabi ni Thallium. Binigyan naman niya ng nagtatakang tingin ang kaibigan. "Kaya pala minsan, bigla ka na lang magpapaalam sa klase natin pagkatapos ay hindi ka na bumabalik."

'Di niya mapigilan ang gulat na naramdaman. Napapansin din pala ng kambal ang bigla-bigla niyang pagkawala. Minsan kasi bigla na lang siyang ipapatawag ng Shadow para sa isang misyon kaya 'di maiwasang mag-cut siya ng klase. Minsan pa nga ay hindi niya maiwasang lumiban sa klase dahil na rin sa may ibang misyon siya na umaabot ng dalawa hanggang tatlong araw. She still feels lucky since hindi siya binabagsak o drina-drop ng mga professors niya. Ayaw man niyang isipin ay maaaring may kinalaman ang daddy niya dito.

Hindi na niya kaya pang tagalan ang tingin ng kambal, kaya naman may naisip siya para matigil na ang mga ito sa katatanong sa kanya. It's a risk since hindi niya hawak kung ano man ang sasabihin ni Storm pero bahala na. She knows that the twins are eager to meet that jerk.

Huminga muna siya ng malalim bago sabihin ang nasa isip. "Gusto niyo ba siyang makilala?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kambal. Kita niya ang pagrehistro ng tuwa sa mukha ni Thallium kaya naman hindi rin niya mapigilang mapangiti. "I can introduce the both of you to him."

"Kahit ako?" 'Di makapaniwalang tanong ni Thallium sa kanya.

"Yeah, I know na gusto niyo siya parehong makilala." Sabay na napatili ang kambal sa sinabi niya. Yes, she feels guilty, lying to the twins, pero wala siyang ibang choice.

"Pero nakakatampo ka talaga, Kevi." Nagtatakang napatingin siya kay Yttrium. "Halos lahat alam mo tungkol sa aming dalawa ni Thalli, pero kami, halos walang kaalam-alam tungkol sayo." Rinig ang lungkot at tampo sa tinig ni Yttrium.

She can't blame them because Yttrium is right. Ang alam lang ng kambal ay dalawa na lang sila ng Daddy niya, na ang Mommy niya ay namatay nang ipanganak siya nito. The twins don't need to know everything about her lalo na ang tungkol sa trabaho niya. Natatakot siya na baka kapag nalaman ng kambal ang totoong ginagawa niya ay matakot ang mga ito at layuan siya.

"Wait, tatawagin ko lang si Linux para makilala niyo." Nginitian niya ng tipid ang kambal saka umalis. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sinabi ni Yttrium kaya naman the only way she could think is to escape.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLACKLIST (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon